INTENSE NIGHT
Rico
TINIGNAN KO ANG lahat ng profile ng mga mayayamang lalakeng residente ng Santa Iñez. At napakarami kaya nahihirapan akong malaman kung sino kaya ang posibleng nang-r**e sa batang babae.
Napasandal ako sa swivel chair ko at napahilot sa tulay ng ilong ko. Napahinga ako ng malalim dahil tila mahihirapan akong hanapin kung sino nga ba ang tatlong lalakeng pumatay kay Papa.
Bumukas ang pinto kaya napatingin ako sa pumasok. Umayos ako ng upo at tiningnan si Joey.
"Pre, may pinapabigay sa ating invitation si Chief. Wedding anniversary pala nila ng asawa niya."
Napatingin ako sa invitation na nilapag niya sa lamesa ko. Kaya nama'y inabot ko at tiningnan ang harap ng invitation.
"Golden anniversary na pala nila ng asawa niya."
Hindi na ako magtataka kung umabot sa ganoong punto si Chief at Mrs. Trinidad. Nakita ko naman kung gaano kaloyal at kamahal ni Chief ang asawa niya, kaya hindi na nakakapagtaka na umbot sila ng golden anniversary.
"Loyal si Chief at alam mo naman, kahit minsang mapagbiro si Chief ay hindi pa natin nakita na nagbago siya at maging sa asawa't mga anak niya."
Napangiti ako at napatango sa pangsang-ayon sa sinabi ni Joey. Kung ako, ganoon din ang pananaw ko sa buhay. Isa lang ang mamahalin ko at isa lang ang babaeng gusto kong iharap sa altar.
"Isama mo si Bettina nang may ka-date ka naman. Baka ma-out of place ka," ngising udyok sa akin ni Joey.
"Bakit, may isasama ka ba?"
Sa tagal ng pagsasama namin at pagkakaibigan namin ni Joey sa trabaho ay wala pa siyang nagiging matinong relasyon.. siya rin naman ang may kasalanan dahil minsan ay makakita lang ng maganda ay pinapatos na. Kaya kapag nagkagirlpren ay laging nauuwi sa hiwalayan ang relasyon niya sa mga babae.
"Oo naman, ako pa."
Ngumisi na lang ako dahil bakit ba natanong ko pa. Napatitig muli ako sa invitation at lihim na napangiti ako dahil pag nagkataon ay ito ang unang beses na may ka-date ako sa party na dadaluhan ko.
Pagkaalis ni Joey sa opisina ko ay nilabas ko ang phone ko. Napahaplos ako sa larawan ni Bettina na ginawa kong wallpaper ng phone ko. Bumawi siya sa akin at nakita ko na lang na tadtad ng selfie niya ang gallery ko.
Pagkatapos kong magselos at mahimasmasan ay doon ko napagtanto ang nagawa ko. Akala ko ay galit siya sa akin. Kaya nang malaman ko kay Joey na nagtungo siya nung nakaraang araw sa headquarters ay dali-dali akong nagpunta. Pero simula ng araw ding iyon ay mas naging malambing siya sa akin at bumawi talaga.
(Hi, Tanda.)
Napangiti ako nang mauna pa siyang bumati sa akin nang tawagan ko siya. Napasandal ako sa swivel chair at napahawak sa labi ko habang nakangiti.
"Hi, Maldita," tugon ko.
(Napatawag ka?)
"Namiss kita, e," ani ko at napangisi.
(Talaga, namiss mo ako?) aniya.
"Miss na miss. Saan ka ba ngayon at anong ginagawa mo?" tanong ko. Alam kong demanding ang tono ko pero hindi pa rin ako matatahimik dahil baka umaaligid pa rin sa kanya ang ex-boyfriend niya..
(Meron lang gatherings na in-attendan ang pamilya namin. Pero boring, wala nga akong ginagawa kundi umupo at kumain habang pinapanood ang mga nangyayari sa paligid ko.)
Napangiti naman ako at napakagat ng labi, "Mamaya ba ay makakauwi ka?"
(Hmm, oo. Bakit?)
"Sunduin kita. Samin ka matulog."
(Sige, pero magpapaalam muna ako kela Daddy.)
Napakuyom ako ng kamay sa tuwa, "Okay. Ah," napahawak ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya aayain. Kahit na sa mata ng magulang niya ay nililigawan ko pa siya, pero sa aming dalawa ay meron na kaming relasyon ay nahihiya pa rin ako pagdating sa ganito.
(May sasabihin ka ba, Tanda ko?) tanong niya.
"Ah, hindi, mamaya ko na lang sasabihin. Susunduin na lang kita para maipagpaalam na rin kita."
(Sige.. Mamaya na lang?)
Ayaw ko na maputol agad ang tawag namin dahil gusto ko pang marinig ang boses niya, pero baka meron pa siyang ginagawa kaya wala akong pagpipilian.
"Sige. I love you,"
(I love you, too, Tanda. Muaahh!)
Natawa ako dahil may pahabol pa talaga siya. Napailing na binaba ko ang tawag at napangiti na napatitig ako muli sa larawan niya.
Hindi ko akalain na mababaliw ako sa babae.. Inaamin ko na mas mapaghanap ako kesa sa kanya. Kung hindi ko ite-text o tatawagan ay hindi pa siya magpaparamdam. Kaya hindi ako mapakali kapag ganoon siya.
Baka mamaya ay naiisahan na ako. Ayoko ng ganoon dahil iisipin ko pa lang ay kumukulo na ang dugo ko.
Pagkatapos ng duty ko ay umalis na ako sa presinto upang sunduin si Bettina. Mabuti rin naman at walang masyadong krimen ngayon. Tila nakatunog din ang mga walanghiyang kriminal na nang-r**e ng bata kaya hindi sila ngayon lumalabas.
Nasa proteksyon pa rin namin si Mr. Leonardo ang witness sa nangyaring krimen sa bata. Hangga't hindi nahuhuli ang kriminal ay hindi siya maaaring umalis ng walang bantay. Nakatoka doon ang ilang pulis na inassign ko.
May tumatawag sa akin kaya hininto ko muna sa gilid ng daan ang owner para sagutin ang tawag. Malapit na ako kela Maldita. Ilang patakbo na lang.
Napangiti ako nang makita ko sa screen ng phone ko ang pangalan ng babaeng mahal ko.
"Oh?"
(Anong 'oh? Nasaan ka na? Kanina pa kaya kita hinihintay.)
Napangiti ako lalo sa sinabi niya. Tila namiss ako ng maldita ko.
"Malapit na ako."
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya natawa ako dahil halatang naiinip na siya.
(Sige, bilisan mo. Kapag nawala ako sa mood baka hindi na ako sumama sa'yo, bahala ka.) pananakot niya.
"Oo nga. Heto na, sige na, ibababa ko na at nagmamaneho pa ako."
(Okay.)
Binabaan na niya ako kaya napailing ako at napangiti na binulsa ang phone ko. Bilisan ko na nga at baka totohanin niya ang sinabi niya.
Bago ako pumunta sa kanila ay dumaan muna ako sa flower shop.. Bumili ako ng bulaklak para sa mommy niya at sa kaniya. At pagkatapos ay tumuloy na ako sa kanila.
Ilang minuto lang din ay nakahinto na ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila. Nakita ko na may mga nakaparadang sasakyan kaya nagtaka ako.
Bumaba ako na bitbit ang mga bulaklak at invitation. Inayos ko muna ang buhok ko at lumapit ako sa doorbell.
Nakita ko ang paglabas ni Bettina kaya napangiti ako.
"Finally," aniya at pinagbuksan ako ng gate.
"Bulaklak para sa'yo," binigay ko agad ang bulaklak na kinangiti niya.
"Nag-abala ka pa. Pero salamat. Tara,"
Kumapit siya sa braso ko at hinila na ako papasok..
"Kanino ang sasakyan sa labas ng bahay niyo?" tanong ko.
"Ah, sa mga kapatid ko."
Napahinto ako sa sinabi niya. Natawa siya sa reaksyon ko at hinatak na ako. Pagpasok namin ay rinig agad ang ingay. Sa sala ay nandoon ang parents niya at ilang lalake. May isang bata din.
"Mommy, Daddy, brothers, meet my handsome suitor: Rico Dominic Esquivar."
Nahihiya ako nang mapatingin sila sa akin. Agad na kumunot ang noo ng ilang lalake.
"Ano? Anong suitor?" may nagsalita na maangas ang tono.
"Ano ka ba, Duke, mabait kaya 'tong si Rico."
Hinila pa ako ni Bettina kaya nilakasan ko ang loob ko at agad ko ring nilahad kay Mrs. Beatrice ang bulaklak na dala ko.
"Bulaklak para sa inyo, Madamé."
"Oh, thank you, Rico. Maupo kayo," aniya na ngiting-ngiti, kaya naupo kami ni Bettina sa isang sofa habang kaharap namin ang pamilya niya. Ramdam ko ang tingin ng mga kapatid niya na matatalim.
"Oo nga pala Rico, sila ang mga nakakatandang kapatid na lalake ni Bettina. Si Duke na kuya ni Bettina," tumingin ako sa nag-react kanina. Ngumiti ako rito kaya tumango ito pero pinagmamasdan ako nito tila ba hinahanapan ako ng mali, "At ang mga diko niya na triplets. Wala si Drake dito, kaya itong si Diesel at Deo lang ang narito," ngumiti ako kay Diesel at tumango naman ito sa akin at nag-thumbs up. Napatingin naman ako sa isa na mukhang mas maangas. Ngumisi ito habang nakahalukipkip na nakaupo, "At ito naman ang mga sangko niya. Si Seige at Samuel.."
Ngumiti din ako sa dalawa at ang Seige ay nakakunot ang noo habang ang isa ay seryoso lang.
"At last, ang pinaka-cute na pinakabunso, si Baby Benj ko. Baby Benj, say hi to Kuya Rico."
Kumaway ito kaya napangiti ako dahil mukhang mabait itong bunso.
"Hi po."
"Hello din," ngumiti ako rito kaya lumapit ito.
"Pulis ka po? Nanghuhuli ka ba ng bad guys?" tanong niya kaya tumango ako.
"Oo."
"Kung ganoon, hulihin niyo po sila," turo niya sa mga kuya niya na kinataka ko, "Inaagaw nila ang mga girlpren ko."
"Tsk," react nung Duke.
"Hoy bubwit! Tigilan mo nga ang pagba-baby talk, damulag ka na," sabi nung Seige.
"See, they are bad guys,"
Napangiti ako sa sinabi ni Benj. Ginulo ko ang buhok nito dahil ang cute, parang Ate niya.
"Oo nga pala, Hijo, bakit ka nga pala napunta rito? Wala ka bang duty ngayon?" tanong ng Mommy ni Bettina.
Tumingin ako kay Maldita at ngumiti siya sa akin at humawak sa kamay ko kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.
"Ah, Madamé, ipagpaalam ko po sana kung pwede kong maging ka-date si Bettina sa wedding anniversary ng Chief General namin," binigay ko ang invitation kaya kinuha iyon ni Bettina at tiningnan.
"Pwede naman. Kelan ba 'yan?"
"Mom, manliligaw pa lang pero hinahayaan niyo nang sumama?" sabi nung Duke.
"Duke," suway ni Mr. Dimitri kaya napahinga ng malalim si Duke.
"Mabuting tao naman itong si Rico, at katunayan ay formal naman niyang sinusuyo kami para magpaalam lagi kapag aayain niya ang kapatid niyo."
"Ilang taon ka na ba? Tila matanda ka pa kay Kuya?" maangas na tanong nung Deo.
"Twenty seven na ako."
"Twelve years ang agwat niyo?" gulat na bulalas ni Duke.
"Eh, ano naman, Kuya? I love him and he's a good man. Wag niyo nang panghimasukan ang lovelife ko, kasi kahit anong mangyari, gusto ko si Dominic," sabat ni Bettina.
Natahimik ang mga kapatid niya kaya nagkaroon ng ilang sa paligid.
"Okay, hindi na kami makikialam. Wag kang iiyak, kundi babalian ko ng buto 'yan."
Tumayo ang Kuya niya at umalis ng bahay. Hindi ko alam kung approve ba sa akin o hindi. Tumingin ako kay Bettina nang pisilin niya ang kamay ko. Ngumiti siya kaya ngumiti ako.
"Kung payag si Kuya, wala na rin kaming tutol. Pero oras na saktan mo ang kapatid namin," tumingin ako kay Deo, Seige, at Samuel na tumayo na rin. Nagsenyas pa sila sa akin na gigilitan daw ako sa leeg.
"Mom, Dad, hindi ako magi-stay ngayon dito. Pupuntahan ko pa si Mags," sabi nung Seige at bumeso sa mommy nila at tumango sa daddy nila.
"Okay, mag-iingat ka," sabi ni Mrs. Beatrice.
Umalis na rin ito habang ang Samuel ay umalis sa sala at tila nagtungo sa taas.
"Ako man, Mom, Dad," si Deo.
Kaya ang naiwan na lang ay si Diesel at Benj. Tumayo si Diesel at ngumiti na lumapit sa akin. Tinapik nito ang balikat ko.
"Thanks sa advice, Bro."
Tumango ako at ngumiti rito, "Walang anuman, bayaw."
"Bayaw?" bulong ni Bettina pagkaalis ni Diesel at umakyat rin sa taas.
Nginitian ko lang siya at tumingin ako sa parents niya.
"Ah, madamé, sir, ipagpapaalam ko rin po pala sana kung pwedeng matulog sa amin si Bettina?"
"Ano? Bakit?" kumuno't ang noo ng mommy ni Bettina, maging ang Dad niya.
"Mom, sige na. Tsaka sa kwarto ng kapatid niyang babae naman ako matutulog. At birthday kasi ni Dominic bukas. May date kami ng maaga."
Oo, nagulat ako nang alam niya ang birthday ko. At gusto niya na mag-date kami kasama ng pamilya ko.
Napahinga ng malalim si Mrs. Beatrice at tumingin kay Sir Dimitri.
"Okay, pero wag nyong gagawin ang hindi dapat."
Tumango ako kahit na nahiya ako sa banta ni Mrs. Beatrice.
"Syempre naman, Mom. Sige po, kukunin ko na po ang dadalhin kong damit," sabi ni Bettina at tumingin sa akin, "Tara, samahan mo ako," aya niya kaya tumango ako at tumingin sa parents niya. Tumango ang mga ito kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pagdating sa loob ng kwarto ni Bettina ay binitawan niya ang kamay ko at naglakad siya na dumiretso patungo sa isang area ng room niya. Namulsa ako sa suot kong slacks ng police uniform ko at tiningnan ang buong kwarto niya. Katulad nga sila ng itsura ng kwarto ni Daniella. Pero mas maluwang lang ang kay Bettina at tila may sariling banyo at lalagyan ng damit.
May malaki siyang portrait sa pader kung saan nakaharap ang head board ng kama niya. Napangiti ako dahil ang ganda niya doon lalo. Nadako ang tingin ko sa gilid ng kama niya, sa tapat ng bintana. Lumapit ako doon at napangiti nang makita ang pamilyar na halaman. Ito yung bigay ko sa kanya.
"Tanda," lumingon ako kay Bettina at may hatak-hatak siyang maleta. Napailing ako at natawa dahil parang mangingibang bansa siya sa itsura ng dala niya.
"Bakit ang dami mong dala?"
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang dala niyang maleta.
"Nandiyan ang pantulog ko, isusuot ko sa paggising ko. Tapos nandiyan din ang pang-alis ko at maging ang bikini ko. Basta, nandiyan ang mga isusuot ko at gamit ko sa katawan."
Napailing na lang ako dahil sa isang araw ay ang dami niyang isusuot. Kinuha ko rin ang dala niyang bag at sinukbit ko sa balikat ko.
"Wala ka na bang dadalhin?" tanong ko.
"Wala na," aniya kaya tumango ako at hinawakan siya sa kamay para akayin na.
Pagbaba namin ay nagpaalam na kami sa parents niya. At lumabas na rin kami ng bahay.
"May party ka palang dadaluhan, bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?" tanong niya habang sinasakay ko sa likod ng owner ko ang maleta niya.
"Mas mainam nang maipagpaalam muna kita sa magulang mo."
Inakay ko siya at inalalayan sa pagsakay sa unahan. Nang makasakay siya ay umikot agad ako at sumakay na rin.
"Mabuti na lang at approve na sa'yo ang mga kapatid ko. Grabe, kinabahan ako dahil akala ko ay pipigilan na naman nila ako."
Natahimik ako na binuhay ang sasakyan. Napahinga ako ng malalim at tiningnan siya.
"Bakit, kung hindi ka ba nila pinigilan sa ex mo ay posibleng masaya ka ngayon?"
"Ano naman ba? Binabanggit mo, hindi naman iyon ang pinag-uusapan natin."
"Ano? Tinatanong ko lang naman."
Umirap siya at humalukipkip, "Syempre, hindi. Edi sana ay hindi ako naging masaya ngayon."
Napangiti ako sa sagot niya. Napadaing ako nang pisilin niya ang pisngi ko.
"Napakaseloso mong matanda ka. Tapos ngayon ay pangiti-ngiti ka na."
Hinawakan ko ang kamay niya para alisin ang kamay niya sa pagkakapisil sa pisngi ko.
"Syempre, baka mamaya ay iniisip mo pa rin ang ex mo."
"Tsk," aniya at umirap kaya napangiti ako at hinalikan ang kamay niya.
"Tara na sa amin," tumango siya.
"Ako ang magda-drive,"
Kumandong siya sa akin kaya lihim na napadaing ako.
"Damn, pinapahirapan mo talaga ako, ha?" bulong ko at umusog ako ng upo para paupuin siya sa pagitan ng hita ko. s**t!
Lumingon siya at ngumiti, "Hindi kaya," aniya at tumingin sa harapan bago paandarin ang owner ko.
Humawak ako sa bewang niya at napasandal na lang sa upuan. Isang beses ko pa lang siya na pinag-drive ay natuto na agad siya. Mabagal nga lang kaya matagal pa akong magtitiis.
"Tanda, wag mo akong landiin, baka mabangga tayo," aniya. Hinahaplos ko kasi ang bewang niya.
"Hayaan mong pareho tayong mahirapan. Kumandong-kandong ka, kaya magtiis ka," bulong ko sa tenga niya.
"Ah, kaya pala hindi ka mapakali," aniya kaya napangiti ako. Yumakap ako sa bewang niya at pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.
"Nanggigigil ako sa'yo," bulong ko.
"Baka nakakalimutan mo ang banta ni Mommy. Sige ka," aniya kaya natawa ako dahil halata sa boses niya ang kaba.
"Bakit, ano ba ang banta ng mommy mo? Nakalimutan ko na."
"Tanda!" aniya kaya natawa ako at bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya.
"Wag ka kasing nang-aakit," sabi ko at tinulungan ko na siya sa pagmamaneho dahil hirap na hirap na ako.
"Nagpaakit ka naman," binitawan niya ang manibela at humawak sa hita ko kaya napakagat ako ng labi at lihim na humugot ng hangin.
Binilisan ko na ang pagmamaneho nang makarating na kami agad sa bahay. Hindi ko na siya sinagot dahil malalaman niyang naaakit nga ako sa kanya. Syete, lumabas na naman ang imahe ng katawan niya sa isip ko. Pahirap talaga sa akin si Bettina.
Nang makarating kami sa bahay ay bumuga ako nang hangin at pinababa na siya agad. Bumaba na rin ako at tinungo ang maleta niya sa likod.
"Bakit ka pinagpapawisan, Tanda? May sakit ka ba?" inosenteng tanong ni Bettina nang maibaba ko ang maleta niya. Napahawak ako sa noo ko at namamawis nga ako ng malamig.
"Wala, mainit kasi ngayon."
Tumango siya at kumapit sa braso ko. Napahinga ako nang malalim at lumakad na kami palapit sa bahay.
"Kuya! Ate!" bungad ni Daniella at Danilo nang makapasok kami.
Binaba ko sa sahig ang maleta ni Bettina at ngumiti ako kay Mama na kakalabas lang ng kusina.
"Ma, dito matutulog si Bettina."
"Talaga, Kuya? Yehey! Tabi ulit tayo, Ate," kumapit sa braso ni Bettina si Daniella tila ba tuko.
"Sige ba," sabi ni Bettina.
"Mabuti at pinayagan ka ulit ng magulang mo," sabi ni Mama na agad ding lumapit kay Bettina at gaya ng nakagawian niya ay hinaplos niya ang buhok nito.
"Opo. Sabi ko po kasi ay magda-date kami ng maaga para sa birthday ni Dominic. Tsaka po, kasama kayo."
"Talaga? Kasama kami?" ngiting-ngiting tanong ni Daniella.
"Oo. Meron na akong pina-reserve na pupuntahan natin, kaya tiyak na mag-eenjoy kayo."
"Oh, sya-sya. Kumain na ba kayo? Nakahain na ako."
"Hindi pa, Ma," tugon ko kaya ngumiti sa akin si Mama nang mapanukso.
"O sige, tara na kayo at nang makakain na," aya niya.
Napangiti ako at sinara ang pinto. Dinala ko sa kwarto ni Daniella ang maleta ni Bettina at sumunod na rin ako sa kanila na nagtungo sa kusina.
Masaya ako dahil botong-boto ang pamilya ko kay Bettina. At kahit na simpleng ulam ay hindi ko akalain na magugustuhan ni Bettina.
Pagkatapos ng hapunan ay nagtaka ako nang ayain agad ni Daniella si Bettina sa kwarto niya. Kaya ako at si Danilo na lang ang tumulong kay Mama sa pagligpit ng pinagkainan.
"Anak, ako na rito at si Danilo. Kakauwi mo lang galing sa duty mo, kaya magpalit ka na ng damit at magpahinga."
"Mama, kami na rito ni Danilo. Hindi naman ako pagod kaya ayos lang. Tsaka, bakit ba hindi nagliligpit si Daniella? Lumalaking tamad iyon."
"Ano ka ba, syempre nandiyan si Bettina. Hayaan mong merong makausap si Bettina. Baka mainip iyon dito."
Napailing na lang ako at nilagay sa lababo ang mga plato. Hindi ko hinayaan na si Mama ang maglinis kaya wala siyang nagawa kundi ang iwan kami ni Danilo sa kusina.
"Kuya, seryoso ka ba kay Ate Bettina?"
"Oo naman. Ano bang tanong 'yan?"
Nilingon ko siya sa gawing lamesa dahil nagpupunas siya ng lamesa.
"Mabuti naman. Gustong-gusto ko siya para sa'yo. Ang bait-bait kasi niya tapos ang ganda-ganda pa. Kapag nagkagirlpren ako ay gusto ko na katulad ni Ate Bettina."
Natawa ako at hinarap ang inuurungan ko, "Wala nang katulad si Bettina sa mundo. Kaya mahihirapan kang makahanap."
"Sinabi mo, e."
Natawa kami at tinapos na ang gawain. Nasa kwarto pa rin ang dalawa kaya tinungo ko ang kwarto ko at naglinis ng katawan. Sinuot ko rin pagkatapos ang sandong itim at sweat short.
Lumabas ako ng kwarto pero si Danilo lang ang naabutan ko sa sala. Tumingin ako sa kwarto ni Daniella at nakapamulsa na lumapit ako kay Danilo na gumagawa ng assignment.
"Wala bang assignment si Daniella? Bakit hindi kayo sabay na gumagawa?"
Naupo ako sa sofa at sumandal sa upuan bago tiningnan muli ang kwarto ni Daniella.
"Sa kwarto na lang daw siya gagawa ng assignment," sagot ni Danilo habang nasa libro nakatutok ang mata niya.
Ano kaya ang ginagawa ng dalawa at hindi pa lumalabas? Ayoko naman na tangkain na buksan ulit ang pinto dahil baka may makita na naman ako.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at naisip ko na itext na lang si Maldita.
Ako:
Anong ginagawa niyo?
Sinandal ko ang ulo ko sa backrest ng upuan habang nakatitig sa text ko para abangan ang reply niya.
Maldita:
Wala, tinutulungan ko lang sa assignment si Daniella.
Napataas ang kilay ko at napangisi. Maniwala ako.
Ako:
Dito mo na lang pagawain si Daniella sa sala.
Maldita:
Wag na, machichikahan pa kami pagkatapos.
Napailing ako dahil ano ba ang pag-uusapan nila at ayaw pang iparinig sa akin.
Ako:
Okay.
Napahinga ako ng malalim at umayos ng upo. Tiningnan ko si Danilo at tumayo na ako para magpunta sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko at inunan ko ang mga braso ko. Napatitig ako sa kisame at napangiti.
Kinuha ko muli ang phone ko at tinext si Bettina.
Ako:
Wag ka munang matutulog. Hintayin mong makatulog si Daniella.
Sya:
Bakit?
Ako:
Basta.
Napangisi ako at inunan muli ang braso ko. Hinintay ko na sumapit ang malalim na gabi bago ako bumangon sa kama. Tinext ko si Bettina na lumabas ng kwarto kaya pagka-send ko ng text sa kanya ay lumabas ako ng kwarto ko na hindi gumagawa ng ingay.
Patay na ang lahat ng ilaw kaya tinungo ko ang kwarto ni Daniella.. Nakita kong bumukas ang pinto kaya nang makalabas si Bettina ay agad ko siyang hinila.
"Bakit ba?" tanong niya.
"Shhh," saway ko sa kaniya at hinila siya papasok sa kwarto ko.
"Bakit mo ako dinala rito?" tanong niya kaya napangiti ako.
"Dito ka na matulog. Mamaya ay lumipat ka na lang kapag pasikat na ang araw."
"Ayoko nga," ambang aalis siya at agad ko siyang pinigilan sa bewang. Ni-lock ko ang pinto at tiningnan siya.
"Dali na," niyakap ko siya at tinitigan sa mata.
"O sige,"
Napangiti ako at umabante para makalapit kami sa kama habang yakap ko siya.
"Pwede ba kitang halikan?" tanong ko at huminto kami sa gilid ng kama ko.
"Tulog lang, Tanda," aniya at hinawakan ang kamay ko para alisin sa pagkakayakap sa bewang niya, pero hindi niya maalis dahil mas mahigpit ko siyang niyakap.
"Bakit, gusto lang naman kitang halikan? Bawal ba?"
"Tss," asik niya at pinisil ang ilong ko. Napaisip siya at tumingkayad bago ako halikan sa pisngi.
"Hindi d'yan," sabi ko at binaba ko ang mukha ko para abutin ang labi niya. Umiwas siya kaya napangiti ako at hinuli ko pa rin ang labi niya at siniil ng halik.
Hiniga ko siya sa kama habang yakap-yakap ko. Hinaplos ko ang mukha niya habang pinapalalim ko ang halik sa kaniya. Bumitaw siya at pinigil ang mukha ko kaya nagkatinginan kami.
"Matulog na tayo. Inaantok na ako," aniya kaya napahinga ako ng malalim at umalis sa ibabaw niya.
Tumagilid siya ng higa patalikod sa akin. Kinuha ko ang kumot kong makapal at kinumot sa amin. Napakagat ako ng labi at umusog palapit sa kaniya. Sinilip ko siya at napangiti ako na niyakap siya ng mahigpit.
-
Bettina
Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinabahan ako sa halik ni Tanda. Niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likod ko at dinantay pa niya ang binti sa binti ko. Napapikit ako ng mariin dahil kaya ko siya pinahinto ay naramdaman ko na hindi siya makapagpigil. Ngayon nga ay ramdam ko siya kaya naiilang ako at namumula. Pilya ako pero takot din pala ako dahil mas pilyo siya.
Pinaunan niya ako sa braso niya kaya mas dikit na dikit siya sa akin. Napahawak ako sa braso niyang nakayakap sa bewang ko.
"Hindi ko na mapigilan," bulong niya at inamoy ang buhok ko. Hindi ko siya sinagot para isipin niyang tulog ako. Ngayon ata ako hindi mapapakali sa pagtulog. Napakainit ng bisig niya at para akong kinukulong. Naiilang din ako dahil gusto na niyang magpahiwatig.
Anong gagawin ko? Hindi ko alam ang gagawin ko? Kinakabahan ako.
"Natutusok ako," napapikit pa ako ng mariin at napakagat ng labi nang mabulalas ko iyon.
Natawa siya na tila nang-aakit at naramdaman ko ang mukha niya sa leeg ko.
"Pasensya na, hindi ko kasi mapigilan lalo na't katabi kita sa pagtulog," bulong niya.
Siniko ko siya kaya napadaing siya. Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at maging ang binti niya. Kinuha ko ang unan niya at humarap ako sa kaniya bago ko ilagay sa gitna namin ang unan.
"Wag kang lalagpas d'yan," banta ko.
Natawa siya na hinarap ako. Kinuha niya ang unan at ginawang unan. Nanlaki ang mata ko sa inis.
"Hindi ka pa pala inaantok. Akala ko ba inaantok ka na?" tanong niya at ngumisi na umusog palapit sa akin kaya napausog ako hanggang sa wala na akong maatrasan. Dahil pader na ang nasa likod ko.
"Tanda, tumigil ka nga. Matulog na tayo."
Tinulak ko siya sa dibdib pero hinawakan niya lang ang kamay ko at inalis sa dibdib niya.
"Hindi ka pa naman inaantok. Ako man, hindi pa," aniya at bumangon ng kaunti kaya kinuha ko sa kanya ang kamay ko at napatakip ako ng mukha sa balak niya.
Natawa siya at naramdaman ko ang paghapit niya sa akin.
"Wag kang mag-alala. Hindi naman kita gagalawin hangga't hindi pa tayo kasal."
Napaalis ang kamay ko sa mukha ko at napatingin sa kanya. Ngumiti siya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. Napangiti ako at yumakap sa bewang niya.
"Nakakainis ka! Tinakot mo ako."
Natawa siya at napalunok naman ako nang ilapit niya ang mukha sa akin.
"Pero hindi ko sinabi na hindi ko aangkin ang labi mo."
Bago pa ako maka-react sa sinabi niya ay hinalikan niya ako. Bumigat ang hininga ko at napakapit ako sa damit niya nang lumalim ang halik niya na kinatugon ko.
"T-Tanda..hmmp!" ungot ko habang nasa pagitan ng halikan namin.
Napatihaya ako nang dumagan siya akin. Hindi siya natinag at sabik na sabik akong hinalikan ngunit puno ng pagsuyo at tamis.
Naramdaman ko ang pagkuha niya sa mga kamay ko at pinayakap sa leeg niya. Napahigpit ang yakap ko sa leeg niya nang mas uminit ang palitan namin ng halik.
Naramdaman ko ang pag-ikot ko upang mapunta sa ibabaw niya. Pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko habang patuloy kami sa palitan ng halik.
Umikot muli kami hanggang siya naman ang nasa ibabaw ko muli. Napadilat ako at tiningnan siya na nakapikit habang sinisiil ako ng halik.
Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong tagpo. Kinakabahan ako na lumagpas kami sa limit kung ganitong hindi niya mapigilan ang sarili at hindi ko mapigilan na bumigay rin.
Nalulunod ako sa halik niya at halos hindi gumagana ang isip ko sa sarap niyang humalik. Parang cotton candy ang labi niya at naparahas na nakakadala ng damdamin.
Nagbitaw kami ng labi nang pareho naming hindi makayanan.. Napapikit ako nang halikan niya ang buong mukha ko at napadiin ang kapit ko sa leeg niya nang bumaba ang halik niya sa leeg ko.
"T-Tanda," pigil ko sa kaniya nang bumaba ang labi niya sa leeg ko. Tumigil siya at pinagdikit ang noo namin. Tumatama ang hininga niya sa mukha ko kaya naamoy ko ang bango ng bibig niya.
"Banyo lang ako," bulong niya at kinintilan ako ng halik ng isa pang beses bago siya umalis sa ibabaw ko.
Napasunod ako sa kanya nang tingin na lumabas nang kwarto. Napahawak ako sa labi ko at napapikit. Gosh, kung hindi ko siya pinigilan ay baka lumagpas na kami.
Napaupo ako at napahawak sa blouse ko. Namula ako dahil hindi ko naramdaman na naalis na niya ang tatlong butones ng blouse ko.
"God. Hindi ko man lang naramdaman," bulalas ko at napatakip ng mukha sa pamumula ko.