KABANATA 14

3900 Words
REALIZATION Bettina NAPAHINGA AKO NG malalim nang makababa ako sa sasakyan ni Tanda. Huminto ako sa harap ng gate namin at hinarap siya. Medyo nagkaroon ako ng ilang dahil sa aksidenteng nakita niya ang halos balat ng katawan ko. Pero tila balewala naman sa kanya dahil kanina ay parang cool lang siya. "Tanda," nais ko sanang sabihin sa kaniya ang pinakita sa akin ni Daniella sa laptop nito. Pero napailing ako dahil baka mapahamak siya kung mali naman kami ni Daniella ng hula. "Bakit?" Tumingin ako sa kaniya at lumapit. Tiningnan ko siya at umangkla ang mga kamay ko sa leeg niya. "I love you," sabi ko na kinamaang niya. Ngumiti ako at tumingkayad para abutin ang labi niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko at pagsalubong sa labi ko. Gumalaw ang labi namin at napangiti kami sa isa't-isa bago nagbitaw. "Mahal na din kita. Mahal na mahal," aniya kaya napangiti ako. "Sige na, mag-iingat ka sa pag-uwi." Tumango siya pero ayaw pa niya akong bitawan. Nilapit niya muli ang labi sa akin at muling sinakop ang labi ko kaya napatugon ako at pumikit. "S-Sige na," ayaw pa niyang bitawan ang labi ko kahit na bumitaw na ako. "Okay," napahinga siya ng malalim at binitawan ang bewang ko, "Kapag hindi mo nahanap ang phone mo, tawagan mo agad ako." "I will." Tumango siya at nag-flying kiss pa sa akin habang patalikod na naglalakad palayo sa akin. Natawa ako at napahalukipkip habang tinitingnan siya. Kumindat siya kaya napangiti ako at napailing. "Pasok na. Baka may kitain ka pang iba," aniya kaya umirap ako na tinalikuran siya. Ang sigurista talaga ng matandang iyon. Anong akala niya sa akin may iba pa akong kikitain bukod sa ? Sinabihan ko na nga na mahal ko na siya, naghihinala pa rin at nagseselos. Sinara ko na ang gate nang makapasok ako. Tiningnan ko siya na nakasandal sa sasakyan niya habang pinapanood na pumasok ako. "Umalis ka na. Gabi na at baka mapano ka pa sa daan." "Kaya ko ang sarili ko. Pulis ako, kaya sila ang dapat na matakot sa akin." Napailing ako at pumasok na ako sa loob. Pagsara ko ng pinto ay nagulat pa ako nang bumungad si Yaya Lyn na namumuti ang buong mukha dahil sa nilagay niya na face mask. "Yaya naman!" "Gabi na, uwi ba ng matinong babae iyan? Mabuti na lang at hindi uuwi ngayon ang parents mo. Ang mga kapatid mo naman ay hindi rin dahil nandoon sa mga babae nila." "Yaya, kela Tanda lang naman ako galing. Tsaka bakit hindi uuwi sila mommy?" Lumakad ako patungong sala habang kasunod siya. Naupo ako sa sofa at bagot na sinandal ang likod ko. "Ewan ko lang, basta tumawag lang na hindi sila uuwi at ako na raw ang bahala sa'yo." "Okay." "Kumain ka na ba? Ipaghahain kita," tanong niya. "No need, Ya. I'm full. Kumain ako kela Tanda." "Oh, sya-sya. Pumanhik ka na sa taas at matulog ka na." Tumango ako at tumayo rin agad mula sa pagkakaupo sa sofa. Bitbit ko ang bag ko at halamang bigay ni Tanda na pumanhik sa taas. Nakangiti na nilapag ko sa side table sa tabi ng kama ko at tabi ng bintana ang halamang bigay ni Tanda. Para pagsikat ng araw ay maaarawan siya. Ang sweet talaga ni Tanda. Kaya kahit na saglit na panahon pa lang kaming magkakilala at saglit na panahon pa lang niya akong nililigawan ay nahulog na ako sa kaniya. Napakagat ako ng labi at napahawak sa labi ko dahil ang sarap niyang humalik. Nahiga ako sa kama ko at kinuha ko ang unan ko bago ito niyakap habang iniisip ko na si Tanda ito. Hay, miss ko na agad siya. Sayang, dapat pala sa kanila na lang ako natulog. Nawala pa kasi ang phone ko. Speaking of phone. Bumangon ako at tiningnan ang buong kwarto ko para hagilapin ang phone ko. Tumayo ako at lumapit sa tukador dahil baka doon ko lang nailapag, pero wala rin. Tumungo rin ako sa walk-in closet, banyo, sa side table, at ilalim ng kama, pero wala rin sa mga iyon. Saan ko kaya nailapag iyon? Napahinga ako ng malalim dahil ang totoo ay naka-wallpaper pa rin sa phone ko ang picture namin ni Chad. Dapat pala binura ko na rin agad. Nasaan ba kasi iyon? Napatingin ako sa landline phone ko nang mag-ring iyon. Bagot na lumapit ako at kinuha ang phone bago tinapat sa tenga ko. "Yes, hello?" bagot kong bungad. (Bettina.) Natigilan ako at bumigat ang hininga ko nang makilala ko ang boses ng tumawag. "What do you want?" malamig kong tanong. (Mahal pa rin kita. Wala na kami ni Tanya.. Hindi ko pala siya mahal, kundi ikaw. Please, magkita tayo.) "Sorry, but I don't love you anymore. Stop calling me, or else I will tell this to Kuya.) Bago pa siya makasagot ay binaba ko na ang phone. Napapikit ako at napakuyom ng kamay dahil bakit kung kelan sinaktan niya ako at matagal nang tapos ang sa amin ay saka niya sasabihin iyon. Manigas siya. May Tanda na ako. Nag-ring muli ang landline phone pero hindi ko na sinagot.. Makababad na nga lang sa bathtub. - Rico NAPATITIG AKO SA screen ng phone na pagmamay-ari ni Bettina. Nahulog niya lang pala sa ilalim ng upuan ng owner ko. Napakuyom ang kamay ko nang makita ang wallpaper niya habang may kasamang lalake. Ang lalakeng mukhang mayaman at chinese na nakasalubong ko sa harap ng bahay nila Bettina. Balak ko sanang ibalik pero nang makita ko ang wallpaper ay nakaramdam ako ng selos. Sino ang lalakeng ito kay Bettina? Ex niya? Niloloko niya ba ako? May nag-text kaya binuksan ko. Hindi nakarehistro ang numero pero tiningnan ko pa rin. I still love you, Tina. Please, come back to me. Halos gusto kong lakumusin ang cellphone sa nabasa ko. Napasuntok ako sa manibela habang nakahinto ako sa gitna ng daan. Nireplyan ko ang nag-text na iyon at sinabi ko na magkita kami ngayon. Sabi ko ay sa dalampasigan ng BF Island. Bumalik ako ulit sa BF Island habang mahigpit na nakahawak sa manibela.. Napatiim-bagang ako habang seryoso ang mababakas sa mukha ko. Kung sino man siya sa buhay ni Bettina, pwes, huli na siya, dahil hindi ko hahayaan na kuhanin niya sa akin si Bettina.. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan ko para lang agad na makapunta sa pagkikitaan namin ng lalakeng iyon. Wala pa sigurong ten minutes ay nakarating na agad ako. Bumaba agad ako ng owner ko at binulsa ang phone ni Bettina. Tumingin ako sa paligid at naglakad patungong dalampasigan.. Tumitingin ako sa mga taong nasa beach pa.. Naglakad-lakad ako habang tinitingnan ang bawat lalakeng nakikita ko. Napahinto ako nang makita ang isang lalake na nakatayo habang nakatanaw sa dagat.. Nang maaninag ko ang kalahati ng mukha niya ay napakuyom ako ng kamay na lumapit dito. Huminto ako nang kaunti na lang ang pagitan namin. "Tina," lumingon siya habang nakangiti, pero nawala ang ngiti niya nang hindi niya inaasahan na hindi si Bettina ang nasa likod niya, "Sino ka? Pasensya na, napagkamalan kita na nobya ko." Natawa ako ng pagak sa sinabi niya. Kumuyom ang kamay ko at napailing bago siya bigyan ng suntok sa mukha na kinatumba niya. Kita ko ang gulat sa mukha niya pero agad siyang tumayo at sinapak din ako pero napaatras lang ako. "Sino ka ba at nananapak ka?" galit niyang tanong. "Tigilan mo ang kaka-text kay Bettina. At hindi mo siya nobya dahil nobya ko na siya!" Natawa ito at tiningnan ako tila ba nasisiraan ako ng ulo. "Bro, hindi kami nag-break ni Bettina kaya paanong girlfriend mo siya? Tsaka, saglit na iniwanan ko lang siya pero hindi ko siya hiniwalayan." Umiling siya at lalagpasan sana ako pero pinigil ko siya sa braso at binigyan muli ng sapak pero binawian niya rin ako. "Gag* ka pala, e! Hindi ako makakakuha ng approval sa parents at kapatid niya na ligawan si Bettina kung meron pa siyang nobyo! Kaya wag kang gag*! Dahil akin ang babaeng iyon!" Natigilan siya nang ambang sasapakin niya ako. Sinikmuraan ko siya kaya napaupo siya. Pinahid ko ang dugo sa labi ko habang matalim akong nakatingin sa kaniya. "Anong sabi mo? Approve sa pamilya niya ang panliligaw mo sa kaniya?" Ngumisi ako at tiningnan siya ng seryoso, "Oo, at papakasalan ko si Bettina pagdating niya sa edad na disi otso. Tila nahihibang ka. Kung iniwan mo noon si Bettina, pwes, pasensyahan na lang pero ako na ang lalake sa buhay niya. Subukan mong lapitan si Bettina, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin." Tumalikod na ako habang iniwan ko siyang natulala. Napakuyom ako ng kamay dahil meron palang dating kasintahan si Maldita na tila hindi pa alam ng parents niya. Sumakay ako sa sasakyan ko at napadukdok ako sa manibela habang napapahinga ng malalim. Nagtatagis ang bagang ko at parang sinisilaban ako sa galit. Tangna! Ngayon lang ako nakamura ng tao. Nakaramdam ako ng takot dahil kung hindi pa inaalis ni Bettina ang larawan nila ng lalakeng iyon ay meron pa siyang pagtingin dito. Napakuyom ako ng kamay sa galit dahil bakit niya sinabing mahal niya ako pero meron palang ibang laman ang isip niya at siguro pati ang puso niya. Tumunghay ako at pinaandar paalis sa dalampasigan ang sasakyan ko. Tinungo ko muli ang bahay nila Bettina. Patalon na bumaba ako sa owner ko kahit na kapapatay ko pa lang ng makina. Nag-door bell ako at hindi ako nakatiis kaya maraming beses akong nag-door bell. Napahinga ako ng malalim nang bumukas ang ilaw sa sala. "Sino iyan?" si Yaya Lyn. "Yaya Lyn, si Bettina po?" umayos ako kahit na atat na atat na akong makaharap si Bettina. "Ikaw pala, Hijo. Nasa kwarto na niya. Tara, pumasok ka at puntahan mo na lang sa kwarto niya." Agad akong pumasok nang papasukin niya ako. Sumunod ako sa kanya at tinuro niya ang taas. "Kulay pink ang pintuan niya. Ano ba ang kailangan mo at nagbalik ka?" "Ah, may ibibigay po ako sa kanya." Tumango ito at sinenyasan ako na umakyat kaya naman ay umakyat agad ako. Pag-akyat ko ay nakita ko ang maraming pinto. Pero nang makita ko ang pink na pinto ay mabibigat ang paa ko na tinungo iyon. Huminto ako sa harap ng pinto at kumatok. Matagal bago ako pinagbuksan. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako. "T-Tanda, paanong?" Tinulak ko siya para makapasok ako. Sinara ko ang pinto niya at ni-lock. "Bakit?" tanong niya habang nagtataka ang mukha. "Niloloko mo ako!" galit kong sabi. "Huh? Ano bang pinagsasabi mo?" "Heto! Sinabihan mo ako na mahal mo ako, pero narito pa rin sa cellphone mo ang larawan ng ex mo!" Kinuha niya sa akin ang phone niya at tiningnan ang wallpaper. "Let me explain.. Dapat..." Sinuntok ko ang pader sa gilid ng mukha niya kaya napasinghap siya at napailag. "Ayoko ng paliwanag mo! Akin ka lang!" Mahigpit na hinawakan ko siya sa batok at sinunggaban ko siya ng halik. Umiwas siya kaya sa leeg ko siya hinalikan. "A-Ano ba!" Tinulak niya ako at tumakbo siya paalis sa harap ko. Agad ko siyang hinabol at sinandal ko siya muli sa pader at sinunggaban muli ang labi niya ng halik. Hinawakan ko ang t-shirt niya at sa sobrang galit ko ay winarak ko iyon. Bumaba ang halik ko at hinalikan ang leeg niya. "T-Tama na, please.." Napatigil ako nang marinig ko ang pag-iyak niya. Napahinga ako ng malalim at hinalikan ang labi niya at buong mukha niya hanggang sa noo niya. "Pasensya na. Nagseselos lang ako," napahinga ako ng malalim at mariing hinalikan ang noo niya, "Sabi ko naman sa'yo, kapag nililigawan na kita ay ayokong may iba. Mahal na mahal kita, kaya akin ka lang." Agad na tumalikod na ako sa kaniya at naglakad palabas ng kwarto niya. Napahagod ako ng buhok ko dahil hanggang ngayon ay nanginginig ako sa galit. "Oh, hijo, ayos ka lang?" Tumingin ako kay Yaya Lyn at ngumiti rito ng tipid. "Oho, Yaya. Aalis na ho ako." "Sige, ihahatid na kita palabas." Tumango ako at sumunod sa kaniya. Paglabas ko ay tiningala ko ang taas ng bahay kung saan ang bukas na ilaw sa kwarto. Na mismong bintana ng kwarto ni Bettina. "Yaya Lyn, meron bang naging nobyo si Bettina?" "Ah, si Chad. Sekreto lang ang relasyon nila dati dahil ayaw ng kuya ni Bettina na maging nobyo ng kapatid niya ang kaibigan niya. Pero wala na sila ni Chad. Dahil ang walanghiyang iyon ay matapos itakas si Bettina ay iiwan din sa ere. Tapos ay hinayaan pa ang magulang nito na sabihan ng masama ang alaga ko. Kaya galit na galit ang pamilya ni Bettina sa mga Yuan. Kaya tiyak din ako na nakamove-on na ang alaga ko sa walanghiyang iyon." Napatango ako at napahinga ng malalim, "Sige po, mauna na ako." "Sige, mag-iingat ka." Tumango ako at bago ako lumapit sa sasakyan ko ay sinulyapan ko pa ng isang beses ang kwarto ni Bettina. Hindi ko pinagsisihan na maging marahas. Alam niya siguro kung paano ako magselos. Ngayon na mahal na mahal ko na siya ay hindi pwedeng maagaw siya sa akin ng iba. - Bettina NAKATINGALA AKO SA kisame ng kwarto ko habang iniisip pa rin ang naging reaksyon ni Tanda. Sinikatan na ako ng araw pero hindi ako nakatulog. Naupo ako at niyakap ang mga binti ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako natakot. Nakita ko kagabi kung gaano katindi ang galit sa mata at mukha ni Dominic. Para siyang hindi si Tanda. Parang meron pa sa kaniya na lumabas na hindi ko pa nakikita. Binura ko na ang picture namin ni Chad at pinalitan ko ng simpleng wallpaper ang phone ko. "Tina!" si Mommy. Bumangon ako sa kama at lumapit sa pinto. Nakasuot ng apron si Mommy tila kakatapos niya lang magluto. "Kakain na. Bakit tila ka puyat? May eyebags ka." "Wala po ito, Mommy." Lumabas ako ng kwarto ko at nilagpasan si Mommy para maunang bumaba. Natutulala ako dahil naiisip ko pa rin si Tanda. Alam ko naman na kasalanan ko rin kung bakit siya nagalit. Mahal ko naman siya, pero ang mali ko lang ay hindi ko pa inalis ang picture namin ni Chad. Hindi iyon ang cellphone na gamit ko kapag ka-text ko si Tanda. Nagkataon lang na nasira ang phone ko na gamit ko nang mahulog ko iyon. Kaya ang ginamit ko ay ang isang cellphone ko na kakapalit ko lang kahapon. Kaya dahil din sa biglaan niyang pagdating kahapon ay hindi ko na naasikasong palitan ang wallpaper at burahin ang litrato namin ni Chad. Pagdating sa dining area ay nandoon si Daddy, Benj, Diko Diesel, Sangko Seige, Samuel at Magnolia. Hindi ko pinahalata ang panlalata ko. Tiyak na uulanin nila ako ng tanong. "Tina, may problema ka ba, Anak?" tanong ni Mommy kaya napatingin sa akin ang lahat. "Wala po, Mommy. Napuyat lang po ako sa pinanood kong movie sa laptop ko," pagsisinungaling ko at ngumiti ako. "Hay, akala ko naman." Tumingin ako kela Sangko Seige at Mags na parang may sariling mundo. Balita ko ay may nobya na rin si Diko Deo na ang name ay Lara. At si Diko Diesel rin ay si Ate Akina ang gusto.. Si Samuel ay syempre halata naman na merong namamagitan sa kanila ni Ate Catherine.. Si Benj na lang ang wala pa dahil bata pa siya. Si Diko Diesel pa lang ang nakakakilala kay Tanda. "Oo nga pala, Tina. Hindi ka ba mag-aaral muli? Vocational lang ang pinag-aralan mo sa States. Kung gusto mo ay pag-aralan mo ang fashion. Para naman ay merong hahalili sa akin." Ngumiti ako kay Mommy, "Sige po, pagkatapos po ng penalty ko. Ilang buwan na lang po iyon." Tumango si Mommy at inasikaso ang pagkain ni Benj. Kumuha ako ng tinapay at walang gana na kumagat ng kaunti. Tinitingnan ko lang ang pag-uusap ng pamilya ko at nakikingiti lang ako kahit na wala doon ang isip ko. Parang naubos ang lakas ko kagabi. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Tanda. Hindi naman siya tiyak papasok sa head quarters nila kaya pwede siguro akong pumasok para makompleto ko ang araw ng penalty ko. Namiss ko na rin ang mga halaman ko. "Ma'am, sa Santa Iñez ba tayo?" tanong ni Kuya Joaquin na pinagdadrive ko. "Oo," tugon ko habang nakatingin sa bintana at tulala. Alam ko na magtataka si Kuya Joaquin sa katahimikan ko at pagbabago ko. Pero nagpapasalamat ako at nanahimik siya. Nawala lang ako sa pagkakatulala ko nang huminto ang sasakyan. Nakita ko ang presinto nila Tanda kaya tumingin ako kay Kuya Joaquin. "Tatawag na lang ako kapag magpapasundo ako." "Sige, Ma'am." Bubuksan ko sana ang pinto ngunit tumingin muli ako kay Kuya Joaquin. "Kuya Joaquin, magaling ka ba sa paghahagilap ng information?" Tumingin siya sa akin mula sa rear view mirror, "Oo, Ma'am. Hindi lang alam ni Sir Dimitri pero may talento naman ako sa paghahanap ng information. Parang detective ba," natawa siya kaya tumango ako. "May ipapahanap sana ako sa'yo, pero gusto ko na sa atin lang ito." "Sige, ano ba iyon?" Huminga ako ng malalim at binuksan ang bag ko. Kinuha ko ang papel kung saan naka-print ang isang tattoo. Inabot ko sa kaniya na agad niya namang kinuha. "Hanapin mo ang mga may tattoong ganyan sa Santa Iñez." "Bakit mo pinapahanap ito?" tanong niya. "Basta. Importante dahil gusto kong makatulong sa iba." Ngumiti siya at tumango kaya binuksan ko na ang pinto at bumaba ako. Tiningnan ko pa ang kotse bago ito umalis. Pag-alis ni Kuya Joaquin ay tsaka ako pumasok sa head quarter or police station nila Tanda. "Oh, Bettina. Akala ko ay hindi ka papasok?" bungad ni Joey na may kausap na pulis pero iniwanan niya iyon at nilapitan ako. "Wala naman akong gagawin, kaya gagawin ko na lang ang parati kong ginagawa rito." "Alam ba ni Rico ito? Saglit, tatawagan ko siya." Pinigil ko siya sa braso pero agad ko ring binitawan bago ako umiling. "Please, no. Leave niya ngayon at alam ko na busy din iyon sa pagtulong sa patay kaya hayaan mo na siya." Nagtataka na tumango siya. Tipid na ngumiti ako at nilagpasan na siya. Tinungo ko ang opisina ni Tanda at pumasok ako. Malinis ang table ni Tanda kaya sinara ko ang pinto.. Lumapit ako sa lamesa at hinubad ko sa katawan ko ang sling bag ko at nilapag sa table. Hinaplos ko ang name plate ni Tanda at bagay na bagay ang bago niyang posisyon sa pangalan niya. Director General Rico Dominic Esquivar. Binitawan ko ang name plate niya at naglakad ako patungo sa swivel chair. Naupo ako at pinaglaruan ang upuan niya. Parang sanay na ang swivel chair sa kaniya. Naamoy ko rin ang amoy ni Tanda. Binuksan ko ang drawer at puro lapis, pero ang ballpen ang pinakamarami. Tila siya supplier ng ballpen. Napangiti ako at hinila pa ang drawer. May nakita akong maliit na notebook kaya kinuha ko iyon. Mga listahan lang pala niya ng ginagastos niya. Napakapractical pala niya sa pera. Naisip ko ang mga binili ko nung date namin na siya ang halos nagbayad. Tapos pati yung bulaklak na binigay ko sa lola ni Mariz, siya rin ang nagbayad. Hindi ko naisip na baka nagtitipid siya sa pera. Baka nag-iipon siya ng pera para sa pamilya niya. Binuklat ko pa ang papel at isang calendar ang sumunod. Napatitig ako sa isang numero sa kalendaryo. "Birthday na niya sa susunod na linggo," bulalas ko. Napatigil ako pero napangiti rin dahil atleast alam ko na ang birthday niya. Nakalagay kasi sa numerong 25 ang 'it's my birthday'. Kaya alam kong birthday niya nga iyon. Binalik ko na sa drawer ang notes at tumayo na ako. Mapuntahan na nga lang ang mga halaman ko. Tinungo ko ang likod ng head quarters at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kaagad ang mga halaman ko na meron nang mga bunga lahat. Mabilis akong lumapit at napangiti ako dahil meron nang baby egg plant. Baby okra. Yung dating baby tomato ay teen tomato na sila. Ang saya ko. Nagbunga na sila. Tinungo ko ang gripo at kinuha ang hose.. Hinila ko ang hose palapit sa halaman ko at diniligan ko sila. Dahil pinasaya nila ako ay papainumin ko sila ng tubig. Nang sapat na ang pagdilig ko ay pinatay ko na ang gripo. Naupo ako sa harap ng baby eggplant at napalumbaba ako habang nakatitig sa kanila. Kapag mas lumaki na sila at kapag naubos na sila dahil sa takdang pagpitas sa kanila ay iyon din ang takdang oras na matatapos na ang three months na penalty ko. Gusto ko pa sana kahit na dagdagan pa ng isang taon ni Tanda, pero siguro ay kailangan ko na rin magseryoso sa buhay ko. Kumpara kay Mariz na may natapos at may stable job siya. Eh, ako? Wala man lang maipagmamalaki. Tapos nga ako ng seven months agriculture vocational pero balewala rin iyon. Tsaka, naiinggit ako kay Tanda. Kahit na sobra silang naghirap ng pamilya niya noong mawala ang papa niya ay nakaya niyang makarating kung nasaan man siya ngayong profession. Ngayon ko narealize na boring pala ang buhay ko. Na sobra akong nasisisi dahil naging pasaway ako. Napahinga ako ng malalim at tumayo bago humarap na para bumalik sa loob. Pero napaangat ako ng tingin nang may huminto sa harap ko. Napamaang ako nang makita si Tanda na hingal na hingal pa. Nagkatinginan kami sa mata at nang maalala ko ang galit sa mata niya kagabi ay napayuko ako. "Bakit hindi mo sinabi na papasok ka?" tanong niya. "Wala naman akong gagawin sa bahay, tsaka leave mo kaya hindi ko na sinabi dahil baka busy ka." Napaangat ako ng tingin nang lumapit pa siya. Napaatras ako pero napalapit ako sa kanya nang hapitin niya ang bewang ko kaya napahawak ako sa dibdib niya at tiningala siya. "Pasensya na sa nagawa ko kagabi," aniya kaya tumango ako at napatingin sa leeg niya, "Galit ka ba sa akin?" Umiling ako, "Hindi." Napatingin ako sa kaniya nang inangat niya ang baba ko para ipatingin ako sa mukha niya. Ngumiti siya at pinaglapat ang noo namin. "Pasensya na, selos na selos lang ako kagabi." Tumango ako at napapikit ako nang lumapat ang labi niya sa labi ko. "Wag mo na akong pagseselosin," aniya nang magbitaw ang labi namin. Dumilat ako at ngumiti. Ngumiti siyang muli at tumingin sa mga mata ko bago muli sinakop ang labi ko. Napakapit ako sa damit niya at napatugon sa halik niya. Mas hinapit pa niya ako na halos iangat na niya ako para mas maabot lang niya ang labi ko. Nanghihina ako sa halik niya at para na naman akong magkaka-heart attack. Umatras ako dahil nais ko sanang bumitiw sa halik niya pero ayaw niya akong pakawalan at napaabante siya habang yakap-yakap ako. Napadaing ako nang matumba kami. Napadilat ako at nagkatinginan kami. Natawa siya kaya hinampas ko siya sa dibdib at natawa rin. "Oh my gosh!" nanlaki ang mata ko nang maalala ang halaman ko. "Bakit?" tanong niya. "Ang baby eggplant ko." Tinulak ko siya paalis sa ibabaw ko. Naupo ako at agad na tiningnan ang baby eggplant ko. Napipi ito kaya nalungkot ako. "Akala ko." Tumingin ako kay Tanda dahil sa sinabi niya, "Huh?" Ngumiti siya at inayos ang nadaganan naming egg plant. "Akala ko kaya ka napatili dahil naputikan ka, hindi pala." Natigilan ako at tiningnan ang pang-upo ko. Puro putik nga ang short ko at likod ko, at maging ang siko ko't braso ko. "Malilinis ko rin naman ito," sabi ko. Tumingin siya sa akin at nabigla ako nang pahiran niya ang pisngi ko ng putik. "Tanda!" tili ko kaya natawa siya na tumayo agad. Agad din akong tumayo at hinabol ko siya nang tumakbo siya, "Nakakainis ka!" Agad ko siyang sinampa sa likod nang maabutan ko siya. Pinahiran ko rin ang mukha niya kaya natawa kami pareho. Yumakap ako sa leeg niya at sinandal ko ang mukha ko sa balikat niya. "Tanda, salamat," ani ko. "Para saan?" tanong niya at hinawakan ang mga hita ko para hindi ako mahulog. "Basta." Ngumiti ako at tinitigan siya. Dahil sa kanya ay meron ako na-realize na matagal nang gustong ipabago sa akin ni Dad. At masaya ako dahil masasabi ko na mas malalim ang nararamdaman ko kay Tanda kesa kay Chad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD