KABANATA 12

3060 Words
CAUGHT IN ACT Rico PAUWI NA KAMI at ihahatid ko si Bettina. Ginabi na kami sa date namin ng hindi namin namamalayan. Masaya ako dahil mukhang napasaya ko naman siya. Simple lamang ngunit pinakita ko sa kaniya ang effort ko. Gusto kong ipaalam sa kanya na pwedeng maging masaya kahit sa simpleng lugar. Nakarating na kami sa kanila at bumaba ako para ihatid siya. "Thank you, Tanda. Masaya ako sa date natin," ngumiti siya na lalo niyang kinaganda, "Sige, umuwi ka na at gabi na. Ingat sa daan." Ambang tatalikod siya ay agad na pinigil ko siya sa kamay. Napatingin siya sa akin nang nagtataka kaya lumapit pa ako sa kanya. "Pabaunan mo ako." Kumunot ang noo niya kaya napangiti ako at hinila siya palapit sa akin sa pamamagitan ng paghawak ko likod niya. Tumitig ako sa mga mata niya, pababa sa ilong niya, hanggang sa labi niya. Tumingin muli ako sa mga mata niya at kita ko ang tatag ng loob niyang makipagtitigan sa akin. Nilapit ko ang mukha ko at hindi ko natiis na halikan siyang muli sa kaniyang labi. Pagkalapat na pagkalapat pa lang ay tila ako nakatikim ng masarap na candy. Mariin kong sinakop ang labi niya at dinama sa labi ko.  Masuyong hinawakan ko siya sa mukha niya habang mariing nakalapat ang labi ko. "T-Tanda..." Medyo humilaway siya sa labi ko pero muli kong nilapat ang labi ko sa kanya. Saglit lang din at matunog na binitawan ko ang labi niya. Napangiti ako nang makita kong namumula siyang nagbaba ng tingin kaya hinawakan ko ang ulo niya at hinalikan siya sa noo. "Sige, pumasok ka na. Aalis lang ako kapag nakapasok ka na." Tumango siya at tumingin sa akin bago siya tumalikod. Pinagmasdan ko siya na pumasok at sinara ang gate nila. "Umuwi ka na." "Uuwi sabi ako kapag nakapasok ka na. Pumasok ka na at baka may kitain ka pang iba." Napairap siya kaya natawa ako. Napailing ako dahil napaka-maldita talaga ng gusto kong babae. Nang masiguro kong nakapasok na siya ay saka ko pinagpasyahang umuwi na. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko habang pinapaandar ang owner ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa kaniya. Nakaalis na ako sa tapat ng bahay nila nang makita ko ang isang lalakeng naglakad palapit sa bahay nila Bettina. Nalagpasan ko na ito at tiningnan ko sa side mirror. Huminto ito sa tapat ng bahay nila Bettina. Base sa itsura niya ay mas bata lang siguro sa akin ito ng kaunti. May itsura at mukhang mayaman. Mukha ding chinese. Hindi naman siguro si Bettina ang sadya niya? Napahinga ako ng malalim at hindi napalagay. Nais kong tawagan si Bettina pero baka sabihin nito masyado akong paranoid. Hindi ko lang mapigilan dahil hangga't hindi pa ako sigurado kay Bettina ay hindi ako mapapalagay. Unang beses ko 'tong umibig sa isang babae, at gusto kong ito ang huli ko. Inalis ko na lang sa sarili ang isipang iyon at napagpasyahan kong pumunta sa police station para tingnan ang nangyayari doon.. Bumaba ako ng owner at sinalubong ako nila Acosta kaya sumaludo ako sa mga ito. "Oh, Pre, musta ang date?" pagkaupo na pagkaupo ko sa swivel chair ko ay iyon agad ang bungad ni Joey. "Ano pa, edi enjoy," ngumiti ako kaya ngumisi siya. "Ano, saan mo siya dinala? May progress na ba?" tumaas-baba ang kilay ni Joey habang mapanuksong ngumisi. Alam ko na ang nasa isip niya kaya binato ko siya ng ballpen na nasalo niya. "Ano bang pinagsasabi mo?" "C'mon, Pre! Alam mo ang nasa isip ko. Huwag mong sabihin na walang nangyari? Kahit kiss?" Napahimas ako sa batok ko at ngumiti. Kaya napaturo sa akin si Joey na ngingisi-ngisi. "Kitam! Naka-score ka na naman!" "Bumalik ka na nga sa pwesto mo." Tawang tawa ito na umalis kaya napailing ako at napangiti. Bumalik siya at may nginuso sa likod niya at sumenyas. "Rico.." Napatingin ako sa pinto nang lumabas mula sa likod niya si Mariz. Napakunot noo ako at tumayo nang may mapansin akong kakaiba sa kaniya. "Oh, Mariz.." "Rico.." Nagtaka naman ako nang umiyak siya at agad na lumapit sa akin. Nabigla ako nang yakapin niya ako at tuluyan na siyang napahagulhol. "Mariz, anong problema?" "Rico, hindi ko alam ang gagawin. Samahan mo ako sa hospital. Hindi ko kaya mag-isa." Hindi ko siya maunawaan at nagulat ako nang bigla siyang mahimatay. Agad na hinawakan ko siya para hindi bumagsak sa sahig. Namumutla siya kaya agad na pinangko ko siya at agad na tinakbo siya. "Pre, anong nangyari d'yan?" tanong ni Joey na nakasunod sa akin. "Bigla na lang siyang nahimatay," nang maayos na maisakay ko si Mariz ay hinarap ko si Joey, "Ikaw muna bahala ulit dito." "Oo, walang problema. Balitaan mo ako." Tumango ako at sumakay sa owner ko para dalhin si Mariz sa hospital. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko mapigilan na tumingin sa kanya. Nitong nakaraan ay hindi ko siya nakikita dahil siguro busy rin ako kay Bettina. Pero ngayon ay parang nangayayat siya at pagod na pagod ang itsura niya. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala sa kanya. Matagal ko na siyang kakilala at kaibigan. Hindi ko mapigilan na iyon ang maramdaman. Agad na sinugod ko siya sa hospital at agad na inasikaso siya ng mga doctor at nurse. Nasa gilid lamang ako habang tinitingnan ang pagsusuri kay Mariz. "Doc, kumusta na ho si Mariz?" "Ngayon ay ayos na siya. Masyado siyang stress at pagod na pagod ang katawan kaya bumigay ang katawan niya. Kailangan niya na magpahinga at kumain ng sapat." Tumango ako at mas lalong nalungkot dahil siguro sa pagod sa trabaho kaya hindi na nakayanan ni Mariz. Lumapit ako sa higaan niya at nakita kong payapa na siyang natutulog. Sa hospital ako nagpalipas ng gabi para bantayan si Mariz. - Bettina KINABUKASAN, PARA PA rin akong may hang-over sa date namin ni Tanda. At tuwing hahawak at titingin ako sa labi ko ay hindi ko mapigilang kiligin tuwing maaalala ang halik niya. Ngayon ay papasok ako dahil gusto ko siyang makita at makasama kahit na kagabi lang naman kami naghiwalay. Tinatawagan ko rin kasi siya kanina pa pero hindi siya sumasagot. Kadalasan ay siya ang tumatawag o nag-te-text sa akin para pumasok. Ngayon ay himala at hindi man lang nag-text o tumawag. Nagpahatid ako kay Kuya Joaquin sa presinto dahil alam kong nandoon na si Tanda. Pagkadating doon ay agad na bumaba ako. "Oh, Bettina!" Napatingin ako kay Joey na lumabas nang presinto at lumapit sa akin. "Mabuti at narito ka. Nand'yan na ba si Dominic? Kanina ko pa kasi tinatawagan pero hindi ko ma-contact." "Nako, wala rito ngayon. Nasa hospital kasama si Mariz." Tila naman nawala ang maliwanag at masaya kong mood sa sinabi nito. Nagsalubong ang kilay ko dahil bakit nasa hospital si Tanda at Mariz? "Bakit sila nasa hospital?" "Nahimatay si Mariz kaya agad na sinugod ni Rico sa hospital. Kagabi pa iyon." Para namang may sariling isip ang mga paa ko at agad na sumakay muli ng kotse. "Oh, Ma'am, bakit po?" "Sa hospital tayo ng Santa Iñez, Kuya Joaquin." Kaya ba hindi ko siya ma-contact dahil busy siya sa pag-asikaso kay Mariz? Ni hindi man lang siya nag-text kagabi kung nakauwi na ba siya. Pagkadating ko sa hospital ay agad na nagtanong ako sa nurse kung nasaan si Mariz naka-room. At nang sabihin nito ang kwarto nito ay pinuntahan ko iyon. Huminga ako ng malalim at maingat na binuksan ang pinto. - RICO "RICO.." NAPADILAT AKO AT napatingin kay Mariz na gising na. Napatingin ako sa orasan at alas syete na pala ng umaga. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Mariz, ayos na ba ang pakiramdam mo? Gusto mong ipatawag ko ang doctor?" Umiling siya at humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kamay niya. "Rico, wala na si Lola.." Napamaang ako sa sinabi niya. Napaiyak siya kaya agad na hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko para pakalmahin siya. "Anong ibig mong sabihin?" "Inatake si Lola sa puso. Tinatawagan kita at pinuntahan kita sa inyo para manghingi ng tulong pero wala ka. Hindi ko alam ang gagawin kaya mag-isa kong sinugod dito si Lola, ngunit huli na dahil binawian na siya ng buhay." "Hindi ko alam," hindi ako makapaniwala na wala si Lola. "Nagbago ka na.. Na-miss ko 'yung dati na nand'yan ka agad kapag kailangan kita.. Mula nang umepal si Bettina ay nakalimutan mo na ako." "Mariz, walang kinalaman dito si Bettina. At hindi ko kinakalimutan ang pagkakaibigan natin. Sadyang may mga bagay lang ako na unang dapat gawin at hindi ko kayang pagsabayin lahat." Napayuko siya, "Rico, hindi ko na alam ang gagawin. Mag-isa na lang ako ngayon. Tapos tila mawawala ka rin sa akin." Napahinga ako ng malalim at inaya siya na yakapin para pagaanin ang loob niya. "Hindi ako mawawala sa iyo. Narito lang ako, Mariz." - Hindi alam nina Rico na narinig at nakita ni Bettina ang sinabi at ginawa niya kay Mariz. 'Yon ang naabutang eksena ni Bettina kaya hindi na niya nagawa pang pumasok at dali-dali siyang umalis doon na may inis at sakit na nararamdaman. - Bettina WALANG HIYANG MATANDANG iyon! Kaya pala hindi man lang nag-text or sumasagot sa missed calls ko kasi busy nga siya, busy kay Mariz! Niyakap at nangako pa ito sa babaeng iyon. Sabi na, e! Sabi na, ang kagaya niyang matanda ay hindi dapat pinagkakatiwalaan! Naiinis ako dahil kung hindi ko nakita at narinig ang pinangako niya kay Mariz ay magmumukha na naman akong tanga. Mauulit na naman ang nangyari sa first heart break ko. "Oh, Ma'am, wala ba d'yan si Pulis?" "Huwag mo akong kausapin at mainit ang ulo ko. Gusto ko nang umuwi." Hindi na sumagot si Kuya Joaquin dahil tila nauunawaan niya na wala ako sa mood. Napatingin ako sa bintana at bigla akong nalungkot habang naalala ang yakapan at pangakuan ng dalawa sa isa't-isa. Inaamin ko na mas malalim at mahal na mahal ko na si Tanda. At sobrang sakit na makitang kayakap niya si Mariz. Pinigilan ko ang luha ko dahil hindi na muli ako iiyak. Ako si Bettina Serina Ford. At 'yung matandang iyon, oras na magpakita siya ay patay siya sa akin! - Rico NAPAHINGA AKO NG malalim nang makatulog na si Mariz matapos itong makaramdam ng antok dahil na rin sa gamot na pinainom sa kanya para mag-relax ang katawan at isip niya. Kinapa-kapa ko ang bulsa ko at mabigat na napabuga ako ng hangin nang maalalang nakalimutan ko nga pala ang phone ko sa table ko sa opisina. Hindi ako mapakali dahil baka tumatawag na si Bettina. Kaya lumabas ako para makitawag. Lumapit ako sa nurse na nasa information desk. "Nurse, pwede bang makitawag?" "Sure, Sir." Kaya naman ay nagpasalamat ako at tinawagan si Mama. "Anak, bakit hindi ka umuwi? Alalang-alala ako dahil hindi din kita ma-contact." "Mama, narito po ako ngayon sa hospital. Sinugod ko rito si Mariz." "Huh? Bakit? Anong nangyari kay Mariz?" Napahinga ako nang malalim, "Nahimatay po siya dahil sa sobrang stress. Wala na po ang Lola niya." Narinig ko ang pagsinghap niya na inaasahan ko. Dahil kung ako ay nagulat sa pagkawala ni Lola ay lalo naman si Mama. "Anong nangyari? Bakit namatay ang Lola niya?" kinuwento ko kay Mama ang nangyari kaya nalungkot siya, "Kaya pala nang dalhan ko sila ng pagkain mula sa uwi kong pagkain sa birthday-han ay walang tao at patay ang ilaw. 'Yun pala ay may nangyari nang hindi maganda." "Kaya, Mama, pwede po ba kayong pumunta rito? Kayo po muna ang bahala kay Mariz at ako na ang mag-aasikaso sa labi ni Lola para makatulong na rin tayo sa kaniya." "Oo ba. Sige, pupunta na agad ako d'yan." "Salamat, Ma." Binaba ko na ang tawag at nagpasalamat muli sa Nurse bago ko naisipang bumalik sa room ni Mariz para magpaalam. Pero napahinto ako dahil naisip ko na baka hindi siya pumayag na umalis ako at asikasuhin ang labi ng Lola niya. Baka siya pa ang magpumilit na mag-ayos kahit masama ang pakiramdam niya. Kaya minabuti kong hintayin na lang sa labas ng room ni Mariz si Mama. At nang makarating ito ay agad akong nagpaalam para pumunta sa opisina. "Oh, Pre! Kumusta si Mariz?" "Ayos na siya. Wait, kunin ko lang ang phone ko sa opisina." Nagmamadali akong pumunta sa opisina ko para makuha lang ang cell phone ko. At nang mahawakan ko ito ay nagulat ako dahil maraming missed calls si Bettina. Napalunok ako at kinabahan kaya dali-dali ko itong tinawagan. Pero nagtaka ako nang babaan niya ako ng telepono. Nang i-dial ko muli ang number niya ay pinatay na niya. Hindi ako mapakali kaya lumabas ako ng opisina at nilapitan ako ni Joey. "Kumusta ang presinto? Wala bang problema?" "Wala, Pre." Napahinga ako ng malalim, "Joey, ipagbibilin ko muna sa iyo ang presinto. Kailangan ni Mariz ng tulong ko ngayon." "Huh? Bakit? Malubha ba ang sakit niya kaya siya nahimatay?" Umiling ako, "Namatay kasi ang Lola niya. At walang mag-aasikaso lalo't na-hospital siya. Kaya ako na ang mag-aasikaso. Kaya habang wala ako ay i-report mo sa akin lahat ng mangyayari rito. Maaasahan ba kita, Joey?" Hinawakan niya ako sa balikat at tinapik, "No problem, Pre. Pero oo nga pala, nagpunta rito si Bettina. Sinabi ko na nasa hospital ka. Hindi mo ba nakita?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Joey. Hindi ko nakita sa hospital si Bettina. Lalo tuloy akong hindi mapakali at kinabahan dahil baka may problema kaya hindi ako sinasagot ni Bettina sa tawag ko. Napahilamos ako ng mukha dahil hindi ko alam ang uunahin ko. Pero naisip ko na uunahin ko muna ang labi ni Lola bago ko pagtuunan ang sa amin ni Bettina. Hindi ako mapapakali nito sa hindi niya pagsagot sa tawag ko. Umuwi ako sa bahay at nandoon sila Daniella. Kaya inaya ko ang dalawa na pagtulungan namin na ayusin ang bahay nila Mariz para kapag dumating ang labi ni Lola ay ayos na. Sinusubukan ko pa ring tawagan si Bettina pero nakapatay talaga. Napahinga ako ng malalim. "Kuya, juice ka muna." Napatingin ako kay Daniella na may dalang juice at tinapay. Kumuha ako at uminom ng kaunti. At sinubukan na tawagan muli si Maldita. "Pansin ko na kanina ka pa hindi mapakali, Kuya? May problema ba?" Tumingin muli ako kay Daniella at binulsa sa pantalon ko ang cell phone. "Hindi ako sinasagot ng Ate Bettina mo. Nung una ay binababaan ako, tapos ngayon nakapatay na kahapon pa." Natawa si Daniella, "Sabi na nga ba at si Ate Bettina nga. Baka may ibang katawagan." Matalim na tiningnan ko siya kaya lalo siyang natawa. Nagsalubong ang kilay ko sa inis dahil tinamaan na naman ako. "Joke lang, hindi ka mabiro, Kuya. Bakit hindi mo i-try puntahan? Wala pa namang tao at labi ni Lola. Baka galit sa iyo si Ate Bettina kaya ayaw niya sagutin." Lalo namang nagsalubong ang kilay ko, "Ano naman ikagagalit no'n? Wala naman akong ginagawa.." "Kaya nga mabuting puntahan mo, Kuya. Bahala ka, baka mamaya ay may ibang manliligaw na iyon. Bet ko pa naman si Ate para sa iyo." Natagis naman ang bagang ko at nilapag ang baso ng juice sa tray. Hindi na ako nakatiis kaya ginawa ko ang sinabi ni Daniella. Mahigpit na nakahawak ako sa manibela habang naaatat na akong makapunta sa bahay nila Bettina. - Bettina NARITO AKO SA sala at walang gana. Buhay ang telebisyon pero wala naman doon ang isip at tingin ko. Inis na inis pa rin ako kay Tanda. Naiisip ko kung ano na kaya ginagawa nila ni Mariz sa hospital. Siguro ay naglalandian na. Tsk. Tapos may pa-ligaw-ligaw pa siyang nalalaman. 'Yun pala ay kagaya lang din siya ni Chard. "Tina, may bisita ka." Tumingin ako kay Yaya at napaayos ako ng upo nang makita ko kung sino ang kasunod niya. Pero nang maalala ko ang ginawa niya ay umirap ako at humalukipkip. Iniwan na kami ni Yaya kaya ramdam ko ang paglapit niya. Pinatili kong mataray ang itsura ko para ipaalam sa kanya na galit ako. "Bakit hindi ka sumasagot?" Hindi ako sumagot. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan sa ulo si Baby Chowchow na nasa kandungan ko. "Hey, galit ka ba?" Tiningnan ko siya at nagulat siya nang sampalin ko siya. "Bakit mo ako sinampal?" "'Di ba sabi mo sampalin kita kapag nanloko ka o sinaktan mo ako? You deserve it. Nanliligaw ka pa lang, pero nagloloko ka na agad. Pare-pareho lang kayong mga lalake." Hindi ko mapigilan ang luha ko kaya napatakip ako ng mukha. Napakabigat sa loob ko kagabi pa habang naiisip ko na niloloko lang ako ni Tanda. "Ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba umiiyak?" Inalis niya ang mga kamay ko sa mukha ko at pinunasan ang luha ko. Inalis ko ang kamay niya pero muli niyang hinawakan ang mukha ko. "Nakita ko kayo ni Mariz. Niyakap mo siya tapos sinabi mo na hindi mo siya iiwan." Oo, ako na ang iyakin, pero hindi ko mapigilan na mangamba dahil kung kailan hulog na hulog na ako sa kanya ay saka ko pa makikita ang ginawa at sinabi niya kay Mariz na alam kong mas matagal niyang kakilala. Natawa siya at napailing kaya binayo ko ang dibdib niya at tinulak palayo sa akin kaya napahalakhak siya lalo at pinigil ako. "Umalis ka na nga rito! Nakakabwisit ka!" "Maldita ko, wala lang 'yon, ano ka ba." "Anong wala? Niyakap mo siya at narinig ko mismo sa bibig mo na hindi ka mawawala sa tabi niya. Kaya pala hindi ka nagre-reply at sumasagot sa text at tawag ko. I hate you!" Tumayo ako para iwanan siya pero bigla niya akong kinabig at napaupo ako sa kandungan niya. Napatingin ako sa kaniya. "Namatay ang Lola ni Mariz kaya dinamayan ko siya. Mali ang iniisip mong niyakap ko siya dahil may nararamdaman ako sa kanya. At hindi ko nasagot ang text at tawag mo kasi nga naiwan ko sa opisina ang phone ko nang isugod si Mariz sa hospital nang mahimatay ito." "Totoo?" Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko, "Totoo. Hindi kita lolokohin.. Kapag nanligaw ako ay seryoso ako at hindi biro iyon, Maldita ko. Totoo ang hangad ko sa iyo. Saan mo ba nakuha na lahat ng lalake ay manloloko?" Napaiwas naman ako ng tingin kaya hinawakan niya ako sa baba para ipatingin sa kaniya muli. "Saan?" "Wala.." "Sigurado ka?" Umirap ako kaya napangiti siya. Tumingin siya sa paligid at muling tumingin sa akin. "Parents mo?" "Wala sila umalis." "E, ang mga kapatid mo?" Naguluhan naman ako sa tinatanong niya pero sumagot pa rin ako. "Wala din." Napangiti siya at mas hinapit niya ako sa kanya kaya napayakap ako sa leeg niya. "I miss you," aniya kaya hindi ko mapigilang mag-blush. "I miss you, too." Tumitig siya sa akin at bumilis na naman ang t***k ng puso ko nang lumapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako at napahigpit ang kapit ko sa leeg niya nang maramdaman ko ang labi niya. Mariin niya akong hinalikan kaya para akong nanghihina. Bumuka ang labi niya para tuluyang sakupin ang labi ko na kinalambot ata lalo ng mga kamay ko. "What's the meaning of this?!!" Pareho kaming nagulat ni Tanda at nagbitaw tuloy kami ng labi agad. Napatingin kami sa sumigaw at nakita ko si Diko Diesel na matalim ang tingin sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD