FIRST DATE
Bettina
ETUDE RESTAURANT?
Dito ako dinala ni Tanda pagkatapos namin sa simbahan. Parang hindi siya restaurant sa akin. Parang ang luma na niya pero very artistic na para kang nasa isang garden o kagubatan.
"What are we doing here?" tanong ko sa kaniya habang hawak niya pa rin ang kamay ko.
"Narito tayo para kumain," aniya kaya napanguso ako.
"Hmm, is it safe to eat here?"
Lumingon siya sa akin at natawa. Pansin ko na palagi siyang nakangiti at nakatawa ngayon. Nung una ko siyang makilala ay more on serious type siya. At ang sungit-sungit talaga niya na hindi man lang ngumingiti, but now, I can see his smile.
"Oo naman," aniya at hinawakan ako sa likod habang sabay kaming maglakad.
Nakakita ako ng blanket na nakalatag sa damuhan at meron doon na basket na may lamang food.
"Safe ang pagkain dito. Dahil ang kakainin natin ay siyang paghihirapan nating kuhanin."
Napakuno't noo ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa reaksyon ko at hinila naman niya ako palapit sa dalawang folded chair. Sa tabi no'n ay may timba at fishing rod.
"Anong ibig mong sabihin?"
Inayos niya ng tayo ang folded chair at pinagpag niya bago ako pinaupo. Naupo rin siya at nilapit ang upuan niya sa akin.
"Walang tao rito sa paligid kundi tayo lang, kaya tayo rin ang magluluto ng huhulihin natin."
"What?!" napakuno't noo ako dahil hindi ko alam bakit niya ako dinala rito.
"Alam mo ba na ang restaurant na 'yan ay parang invisible ang mga tauhan d'yan," aniya habang ina-adjust ang fishing rod niya.
"What do you mean?"
"Kahit na kumuha ka ng alin man na nakapaligid dito ay pwede, pero kailangan na mag-iwan ka ng bayad sa cash box nila.. Kompleto ang gamit nila at dapat na kapag gusto mong magpa-reserve dito ay tatawag ka sa kanila para naigagayak na nila ang lahat ng kailangan mo."
"Paanong nasabi mong invisible ang tauhan dito?" naguguluhan ako.
"Kasi, sa telepono mo lang sila makakausap pero pagdating mo rito ay wala namang tao.. Parang ihahanda na nila ang kailangan ng customer para pagdating ng customer ay wala na sila.. Ewan ko ba. Nung una ay naguguluhan din ako, pero dahil sa mga nakasulat na sign board ay natutunan ko na rin."
Napatango ako at tumingin sa paligid. Napatingin ako sa puno at nakita ko na may sign board nga.
Bingwitin mo ang isdang kakagat sa pain mo. Dahil iyon ang handang mamatay para lang mapunta sa'yo.
Ang weird ng sign board. Parang may hugot. Pero in ferness, it's unique.
Tumingin ako kay Tanda at nakabagsak na sa tubig ang dulo ng fishing rod niya. Pumalumbaba ako at pasimple siyang tinitigan. He's so handsome and very manly. His serious face makes him more attractive.
Ang kilay niya, maitim na maitim at makapal. Ang mga mata niya na may mahahabang pilik-mata ang nakapagbigay sa kaniya ng lalong kaseryosohan sa character niya. Ang ilong niya na matangos na parang kastila, ang ilong na kapag nakikita ko ay parang gusto kong haplusin dahil lalo iyong nagpapagwapo sa kaniya. At huli ay ang labi niya. Napangiti ako dahil masyadong wild ang labi niya.. Akala mo inosente, pero para palang hihigupin ang kaluluwa mo sa sarap niyang humalik.
Napakagat ako ng labi at umiling. God. Bakit ko ba iniisip iyon?
"Ayaw mo?"
Nagtataka na napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya.
"Huh?"
Bumaling siya sa akin pero agad ding tumingin sa fish pond.
"Sabi ko, gusto mo bang i-try?" aniya.
"Ah," napatango ako dahil hindi ko man lang narinig na nagsasalita na pala siya. Ang layo na pala ng iniisip ko para hindi ko marinig ang nasa paligid ko, "But I don't know how?"
Tumayo siya habang hawak pa rin ang fishing rod.
"Hawakan mo ito," tumayo ako at hinawakan ang pinapahawak niya, "Dapat ay steady mo lang," aniya habang hawak ang mga kamay ko na nakahawak sa fishing rod habang nasa likod ko siya. Parang nag-blush ako dahil para na niya akong yakap.. Pero hindi ako nagpahalata kahit na para na akong hihimatayin sa bisig niya.
"Oh my God!" nanlaki ang mata ko nang gumalaw ang lubid ng fishing rod na hawak ko at may mabigat na humihila doon.
"Okay, hilahin mo pataas ang lubid," intruction niya kaya naman ay pinagtulungan namin na itaas.
"Wow!" napangiti ako sa tuwa nang makita ang isang malaking isda sa pag-ahon namin ng fishing rod. Kinuha niya sa akin ang fishing rod at agad niyang nilagay sa timba ang fish..
"Okay, isa pa," aniya kaya tumango ako. Kinuha ko sa kaniya ang fishing rod dahil excited ako muli na makakuha ng isda. Napatingin ako sa kamay niya nang muling hinawakan ang mga kamay ko habang para siyang nakayakap sa akin muli. Napakainit kapag nasa bisig niya. Para akong magkaka-heart attack na naman dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
Napangiti muli ako nang makakuha muli kami. Muli naming nilagay sa timba kaya dalawang malalaking isda na. Hindi ko alam ang tawag sa isda pero malaki siya na itim.
"What kind of fish is that?" I asked.
"Tilapia," tugon niya at binitbit ang timba. Napatango ako at sumunod sa kanya. Inaya niya ako kaya nama'y mabilis akong lumapit sa kaniya. Humawak ako sa braso niya kaya napatingin siyang muli sa akin. Napangiti siya at sabay na kaming naglakad patungo sa loob ng restaurant.
"Alam mo ba kung paano mo lulutuin iyan?"
Pinatong ko ang siko ko sa bar counter at pinanood siya na nilapag ang timba sa isang bar counter.
"Oo, marunong akong magluto,"
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Meron na naman akong nalaman sa kaniya na mas nagpakita ng paghanga sa kaniya.. Me, I don't know how to cook. Alam ko lang ay kumain.
Meron siyang ginawa sa fish at kita ko sa mga braso niya ang pag-igting ng muscles niya dahil sa ginagawa niya. Napakagat ako ng labi at tiningnan ang figure niya habang nakatalikod siya. Malapad ang balikat. At ayos lang ang proporsiyon ng katawan niya na mas lalong nagpa-sexy sa kaniya. At napakagat pa ako ng labi dahil ang sexy ng butt niya. He's perfect. I think, I'm attracted to him.
Pumalumbaba ako at nang medyo napatagilid siya ay nakita ko ang mukha niya. Seryoso siya habang hinahanda ang lulutuin niya. Nakita ko na kompleto nga ang mga gamit. Napatingin ako sa paligid at naisip ko na maganda nga rito. Tahimik at kami lang ang tao rito kaya walang ibang titingin sa amin.
Tiningnan ko muli si Tanda at busy siya sa pag-ihaw ng isda na nakalimutan ko na ang tawag. Umalis ako sa pagkakasandal sa bar counter at naglakad-lakad ako para tingnan ang kabuuan ng restaurant.
Napalapit ako sa mga souvenir at puro couple shirt. Meron ding couple cap and flip flops.. Kinuha ko ang cap at inalis ko ang head band ko. Tumapat ako sa salamin at nang makita kong bagay sa akin ay nagustuhan ko. Nakita ko ang hulugan ng bayad kaya kinuha ko ang wallet ko sa sling bag ko at dumukot ako ng isang libo. Pagkatapos ay hinulog ko sa box.
Binitbit ko ang cap na para kay Tanda. Pagbalik ko ay busy pa rin siya kaya napangiti ako at lumapit sa kaniya.
"Tanda," lumingon siya kaya ngumiti na huminto ako sa harap niya, "May nakita akong souvenir cap kaya terno tayo," sinuot ko sa kaniya ang cap kaya tumingkayad ako dahil ang taas niya.
"Binayaran mo ba ito?" tanong niya.
"Oo, naghulog na ako ng isang libo."
"Ano? Isang libo? Bakit bumili ka pa nito? Ako na lang sana ang pinagbayad mo."
Napairap ako sa kanya, "Nabili ko na, tsaka meron naman akong pera."
Napaasik siya at tila galit pa ang matandang ito. Dahil naiinis ako kaya kinuha ko sa kaniya ang cap.
"Kung ayaw mo, edi wag. Sa iba ko na lang ibibigay ito."
Umirap ako sa kaniya at tumalikod na ako, pero nabigla ako nang pigilan niya ako at agawin niya sa akin ang cap.
"Next time, wag kang gumastos sa mga ganitong bagay. At subukan mong makipaglandian sa iba, yari ka sa akin."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Inayos niya sa ulo niya ang cap at humarap muli sa niluluto niya. Napairap ako at nagdadabog na lumabas.
Napakasungit! Kukunin din pala nya! Tsk.
Humalukipkip ako at huminga ng malalim. Masarap at sakto lang ang hangin. At maganda din ang lugar dahil tahimik at malinis.
Napatingin ako sa blanket na nakalapag sa d**o habang may basket. Naupo ako doon at tiningnan ang laman ng basket. Puro prutas. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa fish pond.
Ang boring naman ka-date ni Tanda. Tapos ang sungit pa at parang habang tumatagal ay pahigpit ng pahigpit siya. Sabagay, matanda na kasi at wala pang karanasan sa relasyon. Baka dapat ay ako ang gumawa ng moves?
Hmm..
"Nakaluto na ako."
Napatingin ako kay Tanda na palapit sa akin habang may bitbit na small tray table. Nilapag niya sa harap ko kaya nakita ko ang inihaw na isda.
"Is this for breakfast?"
"Oo," tugon niya at naupo sa tabi ko.
"But I don't like this. Iba kaya ang kinakain ko for breakfast."
Ramdam ko na napatingin siya sa akin, "Mabuti ang isda sa kalusugan. At kapag ako ang kasama mo, kakainin mo ang ibibigay ko."
Napasimangot ako at walang gana na napabuntong-hininga.
"Ayoko nga nya'n," angal ko.
"Hindi ka pa kumakain. At mauubusan tayo ng oras kung magluluto pa ako ng iba."
"Edi, umorder tayo. Bakit kasi rito pa tayo nagtungo?"
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang paggapang nang kamay niya sa likod ko hanggang pumirmi sa bewang ko.
"Dito kasi ay tahimik at masosolo kita," napapisil ako sa daliri ko nang bumulong siya sa tenga ko. Piling ko rin ay namumula ang pisngi ko sa sobrang dikit niya sa akin. God. Bakit ba siya nagkakaganito? Baka kapag inaraw-araw niya ay hindi ko na makayanan ang kilig.
"Kakain ka na?" masuyong tanong niya kaya tumango ako.
Kinuha niya ang tinidor at kumuha siya ng laman sa isda. Meron pang kamatis at sibuyas na nakapalaman sa loob ng isda. Hinipan niya iyon at inuma sa bibig ko. Tumingin ako sa kaniya bago ko sinubo ang inaalok niya.
Napangiti siya at kumuha muli ng laman ng isda. Inuma niya sa bibig ko kaya isusubo ko sana nang isubo niya iyon. Napasimangot ako kaya napangiti siya.
Gosh! Ang gwapo niya! Para na akong mahihimatay sa kinauupuan ko.
"Meron ngayong perya sa bayan," aniya at sinubuan ako kaya sinubo ko ang inalok niya.
"Ano yung perya?"
Napatigil siya at napatitig sa akin. Napangiti siya at napailing kaya nagtaka ako.
"Damn," bulong niya, "Perya.. Hmm, parang amusement park."
"Ah," napangiti ako at humawak sa hita niya, "Sige, gusto ko doon."
Ngumiti siya at may inalok sa aking tubig kaya kinuha ko. Uminom ako ng kaunti at sinubo ang inalok muli ni Tanda.
"Marami ring pagkain doon, kaya doon na lang natin sulitin ang pagkain pagkatapos dito."
Tumango ako sa plano niya. Nang maubos namin ang isda ay tinabi niya lang sa gilid ang tray table at tumingin siya sa akin.. Pinunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.
"Ipikit mo ang mga mata mo," aniya na kinataka ko.
"Huh? Bakit?"
"Basta," ngumiti siya kaya wala akong choice kundi ang pumikit. Naramdaman ko na gumalaw siya at umalis sa tabi ko. Lumayo ang yapak niya kaya nagtaka ako. Matagal bago ko marinig muli ang yapak niya, "Dumilat ka na," aniya.
Nang sabihin niya iyon ay dumilat ako at napatingin sa kanya. Pero nang mapatingin ako sa paanan ko ay napamaang ako.
"Oh my! Ang cute."
Agad kong kinuha ang cute puppy na isang chowchow breed. Niyakap ko ito at napangiti na tumingin ako kay Tanda.
"Akin na 'to?"
Tumango siya at naupo sa tabi ko. Hinamas niya ang balahibo ng puppy na nasa kandungan ko.
"Saan mo nakuha ito? Wala naman ito kanina sa sasakyan mo?"
"Isa ito sa kasama sa binayaran ko rito sa Etude."
Napangiti ako at napakagat ng labi. Napaisip ako at tumingin sa kaniya. Humawak ako sa balikat niya at nilapit ko ang labi ko sa pisngi niya at hinalikan.
"Thank you, Tanda."
Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. Napangiti ako at hinaplos ang puppy.
"Anong itatawag mo sa kanya?" tanong niya kaya natigilan ako.
"Oo nga," ani ko. Ano nga kaya ang ipapangalan ko sa kanya? Napangiti ako at tumingin sa kaniya nang may maisip agad ako, "Alam ko na."
Ngumiti siya at tila nagkaroon ng excitement sa mukha niya.
"Ano?"
"Baby Chowchow."
Nawala ang ngiti niya at napaasik siya na kinataka ko.
"Bakit?"
"Siya tinawag mong baby."
Napangiti naman ako at kumapit sa braso niya bago ko isandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Asus, pati sa puppy nagseselos ka. Tsaka siya baby pa, ikaw matanda na."
Natawa ako nang alisin niya ang kamay ko sa braso niya at tinalikuran ako. Napangiti ako lalo dahil may nalaman na naman ako sa ugali niya. Binaba ko si Baby Chowchow sa tabi ko at yumakap ako kay Tanda mula sa likod niya bago ko isandal ang mukha ko sa likod niya.
"Tsk," inalis niya ang kamay ko pero binalik ko ulit at hindi ko na hinayaan na maalis niya ang kamay ko.
"Tanda, kahit na hindi pa tayo masyadong magkakilala ng lubusan pero habang tumatagal ay mas lalo kitang nakikilala. I like the older men than men my age. Older men is matured and I want a mature man to love me even though I'm immature. Kaya wag ka nang magagalit kung tinatawag kitang tanda. Like you said, tatanda ka pero tatanda ako sa'yo."
Hindi siya umimik kaya sinilip ko siya at napangiti ako nang makita na namumula ang buong mukha niya. Sinundot ko ang pisngi niya kaya napalingon siya.
"Kinikilig ka, Tanda!"
Napahagikgik ako habang kita ko na mas lalong namula siya. Humarap siya sa akin at agad akong napatawa nang kilitiin niya ako.
"Tanda, stop haha it!"
Pinaghahampas ko siya dahil hindi ko kaya ang ginagawa niyang pangingiliti sa akin. Napahiga ako at napatigil ako nang malaman ko ang posisyon namin. Napatitig siya sa akin kaya nama'y hindi ko mapigilan na matunaw.
Hinampas ko siya sa dibdib at umiwas ako ng tingin. Pero napatingin ako muli sa kaniya at napalunok ako nang ilapit niya ang mukha sa akin.
"Akin ka lang," simpleng salita, ngunit napakalas ng impact sa akin nang binitawan niyang salita.
Napakapit ako sa polo niya at napapikit nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa mukha at batok ko bago niya nilaliman ang halik ngunit puno ng pagsuyo.
Parang isang candy ang labi ko kung kanyang sipsipin. Napakatamis ng kaniyang halik at para akong tinatangay na halos para nang namanhid ang buong katawan ko.
Bumitaw siya kaya napahinga ako ng malalim at dumilat. Nakangiti siya at hinaplos ang mukha ko.
"Paaalalahanan na kita," aniya.
"Huh?"
"Ngayon lang ako nagkagusto at nahulog ang loob sa isang babae. Kaya paaalalahanan kita na sobra akong magseselos oras na may ibang lalakeng umaligid sa'yo. Nakuha ko ang posisyon ko sa pulisya dahil gusto ko. At dahil gustong-gusto kita, kaya tinitiyak ko na magkakaroon ka ng posisyon sa buhay ko. Posisyon bilang asawa at magiging ina ng magiging anak natin."
Hindi ko mapigilan na mapangiti at hinampas siya sa dibdib. Napatakip ako ng mukha dahil tila buong mukha ko ang nag-init sa sinabi niya.
"Hey, namumula ka?" tumawa siya at pilit inaalis ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan na maalis.
"Ang corny mo kasi!"
Natawa siya at naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa kamay ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya kaya inalis ko ang kamay ko sa mukha ko.
"Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko," inalalayan niya akong maupo at nabigla ako nang yakapin niya ako.
Napahawak ako sa braso niya at sumandal sa dibdib niya.
"Ang advance mo kasi. Asawa agad? Paano kung hindi ito mag-work?" napahinto ako sa sinabi ko. Parang kumirot ang dibdib ko dahil parang ayoko ng sinabi ko.
"Magtetrenta na ako kapag disi otso ka na. Pinangako ko sa sarili ko noon na trenta ako magpapamilya. Pasensya na kung mabilis, pero ayokong magsayang ng panahon."
Napalabi ako nang mariin niyang halikan ang pisngi ko. Gosh. Nakakailan na siya? Nanamantala ata itong matandang ito. Hmp! Gusto ko naman. Argh! No, hindi kaya.
"Hindi ako papayagan nila Dad lalo na ng kuya ko na magpakasal agad kapag disi otso. Tsaka baka hindi mo kayanin ang Kuya ko. Dragon iyon kapag nagalit at over protective sa akin."
Natawa siya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Ang sarap naman makulong sa bisig niya. Parang umiinit ang puso ko at parang ligtas ako sa lahat ng bagay na ano mang makakasakit sa akin.
"Kahit na mahirapan pa ako na makuha ang basbas nila, ayos lang. Basta, kapag disi otso ka na ay hihingin ko na ang kamay mo sa pamilya mo."
Humawak ako sa hita niya at medyo tumagilid para makaharap siya.
"Sana ay hindi mabali ang mga sinasabi mo."
Ngumiti siya at inayos ang buhok ko. Sinuot niya ang sumbrero na nahulog pala nang mapahiga ako.
"Hindi, dahil tapat ako sa salitang binibitawan ko. Kung hindi ko magagawa ang sinabi ko, sampalin mo ako ng maraming beses. Dahil isang katangahan kapag ginawa ko iyon."
Napangiti ako at sumaya sa sinabi niya. Nag-stay lang kami sandali rito sa restaurant bago niya ako inaya na para puntahan naman daw namin ang ibang lugar.
Iba ang ine-expect ko. Akala ko ay modern amusement park ang sinasabi niyang perya, pero parang carnival at fiesta ang itsura ng perya.
"Tanda, a-ayokong sumakay."
Lumingon siya sa akin nang makarating kami sa ticket booth. Magka-holding hands kami na pumasok ng perya. Para kasing hindi safe ang rides. Sa amusement park nga ay hindi ako sumasakay, sa ganito pa kaya.
"Wag kang mag-alala, mahulog ka man, sisiguraduhin kong sa akin lang ang bagsak mo."
Umirap ako at hinampas siya dahil hayan na naman siya sa corny pick-up lines niya. Natawa siya at humarap sa cashier ng ticket booth.
"Dalawa nga."
Nagbigay siya ng bayad at kinuha ang ticket. Ngumiti siya sa akin at inakay na ako. Kinabahan ako dahil sasakay agad kami. Sa isang vikings. Nasa dulo pa kami kaya agad akong napakapit sa kaniya nang makaupo kami. Natawa siya at inakbayan ako.
"Wag ka ngang tumawa! Natatakot nga ako."
"Wag ka kasing matakot. Ano mang mangyari, sisiguraduhin kong una akong masasaktan bago ikaw."
Napangiti ako at yumakap sa bewang niya. Nagsisakay rin ang mga gustong sumakay. Nang mailagay na ang safety things para hindi kami mahulog ay pumikit na ako at sobrang kumapit kay Tanda.
Nang gumalaw na ang tila barkong sinasakyan namin ay mas lalo akong natakot.
"Wag kang matakot. Idilat mo ang mga mata mo at hindi mo maeenjoy ang rides."
Dumilat ako nang unti-unti at nanginig ako dahil malakas nang dumuduyan pataas ang pwesto namin. Napatili ako dahil ang taas na. Napapikit akong muli at hindi ko mapigilan na mangilid ang luha dahil kinakabahan talaga ako.
"Ayoko na! Please! Bumaba na tayo!"
"Shhh, sandali na lang, wag ka nang matakot."
"Eh, hindi ko na kaya! Natatakot ako!"
Umiling ako at hindi makadilat dahil para akong mahuhulog dahil parang naiiwan ang kaluluwa ko sa ere sa bawat pag-ugoy ng sinasakyan namin.
Napahikbi ako at napatingala nang hawakan niya ang baba ko. Napatigil ako sa pag-iyak nang sakupin niya ang labi ko. Napadilat ako at nakita ko ang nakapikit niyang mga mata habang sinisiil ako ng halik. Parang nawala ang lahat ng nakapaligid sa amin. At parang hindi ko na naramdaman ang takot at wala akong ibang nasa isip kundi ang labi niyang muling lumapat sa labi ko.
Napapikit ako at napalunok nang hindi ko makayanan ang halik niya. Bibitaw sana ako ngunit hinawakan niya ako sa mukha at mas lumalim ang halik niya.
Hindi ko alam kung paano ang tumugon sa halik, pero sa paraan ng paghagod ng labi niya ay napapasabay ako. Hinapit niya ang bewang ko at marahang sinabunutan ang buhok ko para iangat pa ang mukha ko upang mas mahalikan niya ang labi ko.
"Hoy! Tapos na!"
Napadilat ako at napabitaw kami ng labi nang may sumita sa amin. Halos gusto ko nang lamunin ng lupa dahil nakatingin sa amin ang mga kasabay namin na sumakay sa ride at pati iyong operator ng vikings. Agad kong inakay si Tanda na bumaba habang hindi makatingin sa mga tao dahil sobrang nakakahiya ang nangyari.
Hindi ko man lang naramdaman na tapos na ang ride. Mas ramdam ko pa ang halik sa akin ni Tanda.
"Nakakahiya! Gosh!" napatapik ako sa pisngi ko ng maraming beses nang makalayo kami doon ni Tanda.
"Ano namang nakakahiya doon? Hahalikan kita kahit saan ko gusto."
Napalingon ako sa kaniya at halos mag-init pa ang pisngi ko sa sinabi niya. Ngumiti siya at kumindat sa akin kaya agad akong napatalikod at mabilis na naglakad para iwan siya.
Napapikit ako dahil inaamin ko na kinikilig ako. Ang gwapo niya shocks!
"Hintayin mo ako, Maldita!"
Huminto ako at nilingon siya. Agad siyang nakalapit sa akin at kinuha ang kamay ko bago niya mahigpit na hinawakan.
"Maldita?" umirap ako. Napapansin ko na iyon nga ang tinatawag niya sa akin.
"Maldita. Mahal kita."
"Sus! Palusot ka pa," siniko ko siya kaya natawa siya at inakbayan ako habang pinagsiklop niya ang kamay namin kung saan nakaakbay ang braso niya sa balikat ko.
"Nagsasabi lang ng nararamdaman ko.."
Tiningnan ko siya at nakita ko na nakangiti siya habang nakatingin sa dinadaanan namin. Natatakot ako. Baka sa sobrang kilig ko sa mga pinapakita at sinasabi niya ay baka maging kirot sa dibdib ang kabagsakan ko.
Wag naman sana. Dahil nahuhulog na ako sa kaniya.