DICE VON Bettina NAKAKA-STRESS DIN ANG pagbabalik trabaho ko pagkatapos kong sugurin ang babae ni Tanda at malaman na buntis ako. Pero wala naman akong gagawin sa bahay kaya nagpumilit akong pumasok kahit ayaw ni Tanda. Kumagat ako ng mangga na pinabili ko pa kay Joaquin dahil sinuggest iyon ng isang kasama ko rito sa trabaho, na isang designer at katuwang ko. At sobrang nagustuhan ko ang mangga na may sawsawang bagoong. Nag-sketch ako ng gown at para naman ito sa magiging baby ko. Kahit na hindi pa malalaman ang gender niya ay gusto ko pa rin ng girl. Kaya gagawa na ako para maisuot ko sa kaniya kapag nailabas ko na siya. "Ma'am, may customer tayo." Napaangat ako ng tingin kay Alice nang pumasok siya sa opisina ko. "Sabihin mo kay Louisa." "Eh, Ma'am, kayo ang gusto ng customer.

