KABANATA 28

3463 Words

PREGNANT BRAT Rico ISANG LUMALAGAPAK NA sampal ang tinamo ni Joey nang sampalin siya ni Bettina. Agad kong hinawakan si Bettina para pigilin pero hinawi niya ang kamay ko. "Para saan 'yon? Pre," nanghihingi ng tulong sa akin si Joey kaya napailing ako sa kanya para sabihin na wala akong magagawa. "Para yan sa pag-aya kay Dominic na uminom. Alam mo, gustong-gusto kitang tirisin." Napahinga ako ng malalim dahil kaninang umaga ko pa hindi makausap ng matino si Bettina. Nang sabihin niya na sasama siya sa akin dito sa headquarters ay kinabahan ako dahil alam ko na may pinaplano siya. At ito nga. Sinalubong kami ni Joey ng ngiti, pero sinalubong siya ni Bettina ng sampal. "Ano namang masama doon? Nag-celebrate lang kami ng team." Lumapit si Bettina kay Joey kaya napaatras si Joey.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD