TINITITIGAN NI REX si Lorraine na nakaupo lang sa harap niya at katabi si Miranda. Napipikon na siya makipag-usap dito dahil bawat tanong niya ay iiling at tatango lang ito. “Ma…” tawag niya sa atensyon ni Miranda. Ang akala niya kanina ay madali niya lang makakausap si Lorraine dahil kasama nila si Miranda sa study ni Don Gabriel pero mukhang mas malakas ang loob nito na magpatigas ng ulo dahil doon dahil pakiramdam nito ay nakahanap ito ng kakampi. Umiling naman si Miranda sa kaniya bilang tugon na ayaw nito iwanan ang dalaga sa kaniya. Nakikiusap ang mga tingin na binibigay ni Miranda para kay Lorraine. Mukhang kahit ito ay iniisip na baka kung ano ang gawin niya sa dalagang matigas ang ulo. Napahinga siya ng malalim at inis na ibinuga ang hangin palabas sa kaniyang sistema, ayaw

