GINABI NA SIYA NG DATING SA VILLA NI ALLEJO. Matapos niya nakausap si Lorraine ay dumiretso na siya kanina sa mansion niya at doon niya naabutan na tino-torture ni Allejo ang driver na dinala nina Alessandro at Leandro para rito. Nakita niya rin si Anna na noong makita siya ay mabilis na nagtatakbo palapit sa kaniya, niyakap siya at hinalikan. Nang patigilin niya ito ay nakita niya na malungkot ito dahil sa hindi niya natugunan ang mga halik na ibinigay nito sa kaniya. Nagtataka siya sa inaasal nito na pakikipaglapit sa kaniya. Alam naman na nito ang tungkol sa kasal niya kay Julianna at alam din nito ang relasyon niya kay Mira. Nagda-drama pa nga ito nakaraan na kunwari ay natatakot kay Julianna. Ramdam niya ang kakaiba sa mga kilos ni Anna at kung tama nga si Hail ay hindi ito dapat pa

