NAG-AAYOS SI MIRA ng higaan nang maramdaman niya ang pagyakap sa bewang niya ni Rex. Napangiti siya at hinarap ito. Nagulat siya nang mapansin na bihis na pala ito, akala niya ay mamaya pa ito pagkatapos ng tanghalian aalis. Mukhang napaaga na naman ang pag-iwan nito sa kanila. Ilang linggo niya ito hindi nakasama simula bumalik sila galing Switzerland. Nang dumating sila sa bansa ay dumiretso na sila sa Pellegrini’s mansion at sumunod na araw ay iniwan na sila nito dahil parating na si Julianna. Ibinilin na lang sila nito kay Allejo para ihatid sa villa ng huli at iniwan rin sila ni Allejo agad na walang paalam. “I just kiss Art at kunin ko sana pero kakatulog lang sabi ni Greta kaya iniwan ko na lang sa kwarto niya,” nakangiting sabi nito sa kaniya. “Naka– nakabihis ka na, akala ko

