Ten months later… ITALY “What the f*ck is this?” galit na sabi ni Julianna matapos makita ang resulta ng pregnancy test nito. Negative pa rin ang result at gusto man niya na tumawa ay hindi niya ginawa dahil siguradong magwawala ang asawa. Isang buwan pagkatapos nila mabawi si Izzy mula kay Johnson ay tinupad niya ang usapan na pakasalan si Julianna at sa loob ng siyam na buwan nilang pagsasama ni Julianna ay bihira lang niya ito paunlakan sa mga pang-aakit nito. “Are you capable of giving me a child?” galit na tanong nito. Napangisi naman siya dahil doon. “Stop smirking at me, Rex!” bulyaw pa nito sa kaniya at susugod sana nang hawakan niya ang leeg nito at itutok ang puluhan ng baril sa noo nito. “Don’t you dare hit me again, Julianna!” sabi niya rito, mahina lang pero punong-p

