“MAKONTROL? SINDIKATO?” turan ni Mira na nakatitig sa kaniya. “You know how I wanted to have control with the Agostis people so I could get even with–” “With my sister?!” putol nito sa sasabihin niya. Nasa boses ang sama ng loob na pilit itinatago. “Mira, I don’t know why you are acting strange. Ang alam ko ay malinaw sa ating dalawa ang sitwasyon natin pero parang wala ka na tiwala sa mga plano ko…” “I don’t know, Rex. You married Julianna because you wanted to be the king of her mafia clan, to have control with all underneath its wings but your obsession with my sister ay hindi ko talaga maunawaan. Are you in love with Ate Martha?” Bigla siyang natigilan, tinitigan ito at iniisip kung naiisip ba nito ang mga sinasabi. Humakbang siya palapit dito hanggang sa pulgada na lang ang pag

