MELK, AUSTRIA Mabilis ang bawat hakabang nina Anna at Danilo. Nilibot niya ng tingin ang simpleng lugar kung nasaan sila naroroon. Ang Melk ay isang bayan sa may River Danube na nasa bandang kanluran ng Vienna, ang kapital ng bansang Austria. Tatlong araw na silang nakarating sa bansang Austria at ngayon lang sila nakarating sa bayan ng Melk na ayon kay Danilo ay doon nakita nito si Rex Alfonzo. Mayroong malawak na monasteryo na tinatawag na Melk Abbey, isa sa landmark ng lugar dahil nasa itaas na bahagi ito ng bayan ng Melk nakapwesto. Iilan lang ang populasyon ng Melk at nauunawaan na ni Anna kung bakit dito nagtatago ang hinahanap niya. Umiiwas ito sa maraming tao na maaring makakilala rito o mas tamang sabihin makakilala sa katauhan na gamit na nito ngayon. “There,” turo sa kaniy

