Two weeks ago… PELLEGRINI’s MANSION, ITALY “Did you check this one? I found it in the drawer of your desk,” tanong kay Don Gabriel ng asawa habang may ipinapakitang isang sobre sa kaniya Nginitian niya ito at kinuha ang envelope na hawak nito na kulay black and white. Binasa niya ang pangalan kung saan galing ang sobre. Benedikt Rurik Petrov-Silva. Kay Brix galing. Napangiti siya, masyado niya nakagaanan ng loob ang bunsong anak ni Svetlana Petrov at natutuwa rin siya sa napangasawa nito. Huling kita niya sa mga ito ay noong kasal ng dalawa at nasa comatose pa noon si Rex kaya siya lang ang dumalo. Ayaw niya sanang umalis noon dahil sa kalagayan ni Rex pero ibinilin niya na lang ito noon kina Dr. Collins at Marcus. Nasa America na rin naman noon si Rex at inihahanda sa operasyon at a

