“HOW ON EARTH that this boy looks almost exactly like me?” kunot ang noong tanong ni Gabriel. “Yeah… you look exactly like this boy except for his… his eyes,” sabi naman niya na nagtataka rin at tinititigan ang asawa. May pilit na bumabangon na hinala pero napakaimposible naman kung iisipin niya na iyon nga ang dahilan. Ang totoo ay kanina niya pa naisip na malaki ang hawig ng bata na apo ni Svetlana sa painting na larawan ni Rex noong pitong taon ito. Iyon ang naisip niya kaya hinanap niya ang mga larawan ni Rex noong baby at bata pa ito. Nakita naman niya na kahawig nga ito ng anak pero marami naman kasing magkakahawig talagang tao kaya hindi nakontento na hinanap naman niya ang mga lumang larawan ng asawa at napatunayan niya nga ang lumalaro sa isip niya. Kahawig ni Rex ang bata pero

