Chapter 11- (Promises)

2155 Words
“What time is the press conference later?” tanong niya kay Allejo na nakita niya na pangiti-ngiti habang may mini-message. “Three,” maiksing sagot nito at ang atensyon ay nasa phone pa rin. “You are kinda busy, Allejo.” “Yeah, I was chatting with Izzy actually. I initiated the chat and followed her back as she already following me in IG,” natatawang sabi nito na hindi siya tinitingnan at naka-glue ang mga mata sa phone nito. Inis niyang hinablot ang phone mula rito at binasa niya ang chat box ng dalawa. The two are flirting at napabuga na lang siya ng hangin bago ibinalik ang phone nito. Pakiramdam niya ay siya pa ang dahilan kaya natuto ang kapatid na mag-entertain ng manliligaw, kung manliligaw ba mako-consider si Allejo. “You allowed me to flirt with her, right?” alanganin na sabi ni Allejo, mukhang kinabahan na baka magalit siya. Nagtaka naman siya at bakit parang seryoso na ito at nag-aalangan na sa ginagawa. Is Allejo falling for Izzy? He wanna ask that pero mas mabuting hindi na. “If Izzy would really like you and you feel the same then I advise you to stop working with me,” seryosong sabi niya rito. Nakita niya na parang natulala ito at tumingin sa labas ng bintana ng kotse kung saan sila nakasakay pareho sa hulihan at nasa unahan sina Flavio at Stefano. “You know how important it is to me to be part of your clan’s organization. You know my reasons,” sabi naman nito sa kaniya. “You are the only one who knows the truth behind my eagerness to work with you,” malungkot na sabi nito. “So you choose the organization more than Isabel?” pagtatantiyang tanong niya rito. “I just knew Izzy for days and I admit that I like her personality, I like her even for the small time that we shared. But liking is different from falling and you know I am not capable of being in love, Rex. I just flirted with her because you told me to,” paliwanag nito sa kaniya at napangiti siya dahil halatang naguguluhan din ito sa nararamdaman. Nakilala niya si Allejo dahil noong nagpapalakas siya mula sa mahabang pagkatulog ayon sa ama ni Rex Pellegrini na si Don Gabriel ay minsan naisama siya nito sa race track. Iniisip ni Don Gabriel na maaring makaalala siya kapag muli siyang nadala sa race track dahil iyon ang paborito niyang sports ayon sa kinikilala na ngayon na ama. The real Rex Pellegrini was into car racing. He met Allejo there dahil ito ang lumapit sa kaniya at sinabi na idolo siya nito sa pagkakarera at nalungkot umano ito noong hindi na siya muli pang bumalik sa car racing. Wala siyang masabi at dahil ang alam naman ng lahat ay may amnesia siya ay hinayaan na lang niya ang sitwasyon. Hindi niya maintindihan ang sarili pero nakikita niya sa mga mata ni Allejo ang katulad ng nakikita niya sa mga mata niya sa tuwing tumitingin siya sa salamin. Tila may gusto itong gawin sa buhay, na may gusto itong gawin, na may misyon ito at may gustong pagbayarin o paghigantihan. Nang sabihin niya sa ama na gusto niya gawing personal assistant si Allejo ay agad itong ipinahanap ng don. Hindi naman ito mahirap hanapin dahil sikat na pala itong car racer. Ang sabi ng ama niya ay ganoon din siya kasikat noon bago ang aksidente na kinasangkutan niya kaya ilang interview rin ang naganap pagkatapos siya mamataan ng mg paparazzi noong namasyal sila ng ama sa race track. Dahil hindi naman niya talaga hilig ang car racing ay ginawa na lang niyang dahilan na hindi na siya babalik sa pagkakarera dahil hindi na iyon ang nais niyang gawin. Sinabi niya na mas gusto niyang maging pribado na lang na ikinatuwa naman ni Don Gabriel at sinabi na ang organisasyon na lang ang asikasuhin niya kaysa ibang bagay lalo na at hindi niya maalala kung sino ang nagtangka sa buhay niya, na delikado pa rin ang buhay niya hangga’t hindi nalalaman ang may gawa ng aksidente niya. Kahit siya ay gustong malaman kung sino ang may pakana sa kamatayan ni Rex Pellegrini. Dahil sa katotohanan na nanganganib pa rin si Rex Pellegrini ay minabuti niyang maghanap ng mapagkakatiwalaan at si Allejo na nga ang napili niya. Nang magkausap sila ni Allejo sa pangalawang pagkakataon at alukin na niya ito ng trabaho at sabihin dito na kailangan sabayan siya nito sa pagti-training ay tuwang-tuwa na pumayag ito at malaki ang pasasalamat sa kaniya. They both trained and they both became what they are now. Alam niya ang mga pinagdaanan ni Allejo, naikwento sa kaniya nito ang dahilan kaya pumayag ito sa delikadong mundo na inaalok niya na pasukin nito. Sinabi sa kaniya ni Allejo ang sikreto ng nakaraan nito na kahit pilit nitong limutin ay hindi nito magawa. Allejo told him as he trusted him about his plans. Alam na alam niya ang lahat ng mga plano nito. Nang umamin si Allejo sa kaniya na gusto nito mahanap ang grupo na dahilan ng kamatayan ng mga magulang at ng mga nakatatandang kapatid ay kinailangan nito gumawa ng paraan at ang naging paraan nito ay ang makilala siya dahil alam na siya ang susunod na mafia king ng angkan nila. Ang mga plano at mga sikreto nito na sinabi at ipinagkatiwala sa kaniya ay hindi kabilang ang umibig ito at magpamilya. “If you really can’t fall in love then you need to be careful with Izzy, I don’t want her to get hurt,” sabi niya rito. Tumango na lamang si Allejo at hindi na siya sinagot. Kung ano man ang nasa isip nito ay hindi na niya mabasa, isa lang ang nakikita niya. Nakikita niya na naguguluhan ito sa nararamdaman para sa kapatid niya. “Mabuti at pumayag si Basti at nakumbinsi si Martha na payagan tayo,” sabi ni Isabel sa kaniya. “Yeah,” tanging sabi niya rito. Ang totoo ay ilang ulit siyang nakiusap kanina kay Martha pero hindi ito pumapayag hanggang sa galit na iniwan siya nito sa salas. Nagkataon na lumapit si Basti sa kaniya at sinimulan na naman himasin ang mga braso niya at paglandasin ang kamay sa likod niya at batok. Naisip niya na subukan daanin ito sa paglalambing at baka pagbigyan siya na nangyari naman pero halos hindi bitawan ang kamay niya na hinawakan pa nito. Hahalikan pa sana siya nito pero mabilis siyang umiwas kaya dumapo na lang sa pisngi niya ang mga labi nito. Diring-diri na agad siyang naghilamos nang makapasok sa kwarto at pagkatapos ay minadaling puntahan si Isabel sa kwarto nito. Kailangan nila makapunta sa press conference ni Allejo Serra, sobrang tuwa niya kaninang umaga nang naka-chat niya ang lalaki at sinabi rito na gusto niya ito makausap para sa kaibigan niya. Mukhang tama naman ang hinala niya na gusto rin nito si Izzy kaya pumayag ito at inimbita sila na pumunta sa press conference. Ang sabi ni Allejo ay mag-usap sila bago magsimula ang presscon na agad naman niyang sinang-ayunan. Hila-hila niya si Isabel at papunta sila sa restaurant kung saan nila katatagpuin si Allejo. Walang alam si Isabel sa ginawa niyang pag-chat sa binata at hindi niya rin hahayaan na mainis ito sa kaniya kaya gagawa na lang siya ng paraan mamaya na makausap si Allejo ng mag-isa. Siguradong may kasama rin si Allejo na mga myembro ng team nito kaya hindi na siya matatakot iwan saglit si Isabel sa mga ito. “Akala ko ba ay sa presscon tayo ni Allejo pupunta? Bakit tayo kakain eh wala pa dalawang oras mula nang kumain tayo ng lunch?” natatawang tanong nito sa kaniya. “Just follow me as someone actually invited us here,” nakangiti niyang sabi sa kaibigan. “Who?” takang tanong ni Isabel na sumusunod pa rin sa kaniya hanggang sa lumapit na sila sa isang lalaking nakatalikod sa kanila na nakaupo kaharap ang isang gwapong foreigner na hindi niya maintindihan kung bakit ramdam niya na biglang dumagundong ang puso niya dahil sa mga tingin nito. “Hello!” she hesitantly said at doon naman lumingon si Allejo sa kanila. “Allejo!” Isabel said at naramdaman niya ang simpleng pagkurot nito sa tagiliran niya. “Hi, Izzy! I’m glad you came,” nakangiting bati ni Allejo rito at inaya silang maupo. Naupo naman sila at saktong katapat niya ang kasamang lalaki ni Allejo na ang totoo ay nakakaramdam siya ng takot dito. Takot na hindi katulad ng takot na nararamdaman niya sa tuwing kasama ang ate niya at si Basti. Ibang klase ng takot na hindi niya rin mai-categorize. The man kept looking at her and Isabel pero kung gaano kasama ang tingin nito sa kaniya ay kabaligtaran naman sa nakikita niyang masuyong tingin nito kay Isabel. She sigh. Two gorgeous men in front of them at parehong si Izzy ang parehong nagugustuhan. “This is my manager, Rex Pellegrini,” pagpapakilala ni Allejo sa kasama nito. She tried to smile pero nakasimangot na anyo pa rin nito ang nakikita niya pero ginantihan naman nito ng ngiti si Isabel. She sighed. This is her first time na makakilala ng lalaki na sinusupladuhan siya. Napangiti siya dahil doon, as the common thought of ‘there is always a first to everything’ entered her mind. Her eyes travelled to the man’s face and deeply breathed in as she was looking at the way the man drank his water and how the man chewed some food that he ate. The man is truly sexy and his oozing s*x appeal made her feel how soft she is. Ipinilig niya ang ulo, she cannot stay and sit there while being enchanted by the handsomeness of the man called Rex Pellegrini. She needs to do what she intended to do and that is to beg for Allejo’s help for Isabel’s safety. Gaano man kagwapo ang Rex Pellegrini na ito ay hindi niya ito dapat pagtuunan ng atensyon. Rex saw them coming dahil siya ang nakaharap sa entrada ng restaurant. He saw the two beautiful young women na palapit sa mesa nila ni Allejo. Nilingon niya ang dalawang kasama na sina Flavio at Stefano at nakita niya na nasa dulong mesa ang mga ito and he signaled them at alam na ng mga ito ang ibig niyang sabihin. He instructed them bago sila umalis na mansion na kapag may kahina-hinala na sumusunod sa dalawang babae ay maging alerto sila agad. Alam ni Allejo na nagdududa siya sa mensahe ni Mirabella na ipinadala rito pero ang sabi ng kaibigan niya ay pakinggang lang nila muna kung ano ang gusto ni Mirabella, kung ano ang gusto nitong sabihin na concern ang kaptid niya. When Mirabella smiled to him nang makalapit na ang mga ito ay nagulat siya dahil bigla siyang natulala sa ngiti nito. Martha sister may not look like her but she surely liked her sister’s s****l aura to men. Bata pa si Mirabella, mas matanda lang ito ng isang taon sa kapatid niya at kahit inosente ang mukha nito ay umaapaw pa rin ang karisma at s*x appeal nito na kahit sinong ordinaryong lalaki ay pwedeng mahumaling dito. Ordinaryo and he was not ordinary but he felt his manhood hardened just by the simple smile coming from her. Naiinis na hindi na niya pinansin ang nararamdaman at balewala na sinusulyapan lamang ito at ibinaling na niya ang buong atensyon sa kapatid niya na mukhang hindi siya nag-e-exist sa paningin nito dahil ang atensyon ay na kay Allejo lamang. He sighed boringly. How he wished to hug Izzy but he can’t do that for he was just a stranger to her. Tahimik naman na nakatingin lang si Mirabella at Isabel sa kanila ni Allejo at nang muling magkabanggaan ang tingin nila ni Mirabella ay masamang tingin ang ibinigay niya para rito at nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito. Mirabella Ocampo possessed a beautiful set of eyes, and she just not only have beauiful eyes but everything from her looks beautiful. Ngumisi siya sa biglang naisip, sigurado siya na hindi talaga matatahimik si Martha kapag nakuha niya ang kapatid nito. “Can I talk to you alone, Allejo?” narinig niyang winika ni Mirabella na halata sa boses nito na nahihiya ito. “Yeah, of course. Is it okay, Izzy?” sabi ni Allejo na ikinakunot-noo niya. Why Allejo acting strange and gentle sa harap ng kapatid niya. Nang maiwan na lang sila ni Isabel sa mesa ay muli niyang amsuyong nginitian ito at tipid na ngiti naman ang iginanti sa kaniya. He wanna asked his sister kung kumusta ito pero hindi niya magawa. Ayaw niya magmukhang weirdo sa harapan ng kapatid. Ang kailangan niya lang ay gumawa ng paraan para maging maayos ito at okay na iyon as that what he promised to their parents and to her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD