Chapter 12- (Helping Izzy)

2229 Words
Nahihiyang ngiti ang nakita ni Allejo na ibinigay ni Mirabella para sa kanila ni Rex pero nahalata niya agad ang hindi maayos na pakikitungo ni Rex dito, na kahit ngiti ay ipinagdadamot na nito ngayon. Rex is truly acting cold and weird but he cannot argue with that. Ito ang boss niya at hindi niya ito pwedeng pilitin sa ayaw nito lalo na at alam niya ang plano nito na pangingidnap kay Mirabella. Nang tanungin siya ni Mirabella kung pwede ba siya nito makausap ng silang dalawa lang ay napatingin siya kay Rex at tumango naman ito bilang pagsang-ayon sa pakikipag-usap niya sa dalaga. Nang tingnan naman niya si Isabel ay nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Mukhang wala itong ideya sa kung ano ang dahilan ng kaibigan para makausap siya. Nagpaalam at humingi siya ng permiso kay Isabel na nakita niyang nag-blush dahil sa ginawa niya at hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kilig sa naging reaksyon nito. Nang balingan niya si Mirabella ay niyaya niya ito na maupo sa mesa na malapit sa pwesto nina Flavio at Stefano at agad naman itong sumunod. “Your name is Mirabella, right?” tanong niya rito nang nakaupo na sila pareho. “Please call me Mira,” sabi nito sa kaniya na nakangiti pero nasa mga mata nito ang pagkabahala. Nakita niya na muling tumingin si Mira sa pwesto kung saan naroroon sina Rex at Isabel at huminga pa ito ng malalim. Mukhang nilalakasan lang nito ang loob para makipag-usap sa kaniya at ang nakita na may kasama siya ay naging dahilan para ma-intimidate ito. Sino ba naman kasi ang hindi mai-intimidate sa mga kilos at tingin na binibigay ni Rex. Ngumiti siya kay Mira and she smiled back again. “What is the reason you want to talk to me anyway, Mira?” tanong niya rito para mawala na ang agam-agam sa dibdib nito. “Actually, I really wanna invite you for the nineteenth birthday celebration of Izzy, it will be four days from now,” Mira said.A smile came to his lips as realization hits him na may imbitasyon na siya para sa birthday ni Izzy means mapupunta na sa kaniya ang sports car na pinangako ni Rex. Alam niya na nakikinig si Rex gamit ang airpods na koneksyon nila sa isa’t isa nang sinasadya niyang ipaulit kay Mira ang imbitasyon. “Are you inviting me? I would be very happy for that,” nakangiti niyang turan sa dalaga. “I wanna invite you but there is no extra invitation card so I will give you mine,” sabi pa ni Mira at kasabay ay ang pagdukot nito ng invitation card mula sa bag nito at ibinigay sa kaniya. He was looking at the beautiful face of Izzy na nasa invitation card nang muling magsalita si Mira… “But please help my friend,” narinig niyang pakiusap nito. “What do you mean?” he curiously asked. Totoong curious siya dahil hindi niya rin talaga maunawaan kung bakit nakikita niya ang pagkabahala sa mukha nito kung iimbitahin lang naman siya at kung bakit nakikiusap ito na tulungan niya si Isabel. Huminga muna ulit si Mira ng malalim, nakatitig ito sa mga mata niya na parang may hinahanap na katotohanan. Nakita niya ang pag-aalinlangan nito na muling magsalita at paghagilap ng salita para masimulan ang gustong sabihin. Nangunot na ang noo niya sa nakikitang alinlangan sa mukha nito. “I’m listening, MIra…” sabi niya rito para mawala ang agam-agam na nasa isip at puso nito. “You need to help Izzy. She will be auctioned by my older sister on her own birthday,” “Are you serious with what you’re saying?” naguluhan na rin niyang sabi. “Please…” ang mga mata ni Mirabella ay punung-puno ng pakiusap, “please don’t ask too much for it’s hard for me to explain why, but please help her.” “I wanna help but I need details.” “Buying her was the only thing you could do to help her. I have money and I could sell all my assets for Izzy’s safety. I will give it all to you so you could help me to buy her. You just need to attend her birthday party and then bid for her once the auction starts.” Hindi siya umiimik dahil hindi na niya alam ang sasabihin, he was waiting for some words coming from Rex pero nag-mute na ito. He nodded as that was the only appropriate gesture that he could do para sa sitwasyon. “Please buy her, Allejo. I’m counting on you,” Mira said with a sad smile on her lips. “How did your friend know Allejo?” tanong sa kaniya ng lalaki na kaharap. Nagtataka siya sa mga tingin na ibinibigay nito sa kaniya. The man is Rex Pellegrini na ayon kay Allejo ay manager nito. She smiled when she heard the man’s name, kapangalan ito ng kuya niya. Rex. It means king in Latin words. How she really missed her brother at nang sulyapan niya ang manager ni Allejo ay parang pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala. There was something odd with the man na kanina niya pa napapansin, the way he drank his water and the way he ate ay hindi niya maintindihan kung bakit ang kuya niya ang tila nakikita niya. Tipid na ngiti ang isinagot niya muna at kibit ng balikat sa tanong nito. Hindi niya sinabi na siya ang talagang rason kung bakit nagkakilala sina Allejo at Mira dahil nahihiya siya at baka pag-isipin pa siya nito ng hindi maganda. “Social media,” she answered, “she’s a fan of Allejo and so am I,” she added with a small smile on her lips. Hindi man safe sa mga babaeng tulad nila ang sagot niya ay mas okay na iyon, bahala na. Muli niyang sinulyapan ang mesa kung saan nakapwesto sina Allejo at Mira. She smiled at Mira when their eyes locked at gumanti rin ng ngiti ang kaibigan niya sa kaniya. Lumingon sa kaniya si Allejo at hindi niya maintindihan ang sarili dahil muli na naman kumabog ang puso niya dahil lang sa tingin at ngiti nito. When he winked at her, she felt her face flushed and the feeling of having butterflies in stomach really hit her. “Are you friends or relatives? Actually you look like sisters,” nariig niyang tiuran ni Rex Pellegrini, kinakausap pala siya pero ang atensyon niya ay na kay Allejo. Napangiti naman siya sa sinabi nito nang rumehistro sa isip niya ang tanong nito. Halos lahat kasi ng mga bagong kakilala nila ay iniisip ang gano’n, na baka magkapatid sila ni Mira. Siguro ay dahil sa palagi silang magkasama ni Mira kaya palagi silang napagkakamalan na magkapatid. “No, we are just friends but we are almost related because her sister was married before with my brother,” imporma niya sa kaharap. Mas mabuti na sabihin niya talaga ang kaugnayan niya kay Mira at baka sakali wala na itong idagdag para itanong pa sa kaniya. “Was married?” curious na tanong nito na halos nagpatahimik sa kaniya. “Yeah, was…” she started talking, “my brother is actually missing until now after his accident and her sister is now living with another man so even if my brother comes back, there is no possibility for them to be together again,” sabi niya. Ang totoo ay hindi niya gusto ikinu-kwento ang tungkol sa kuya niya at kay Martha pero dahil ayaw niya na nagmumukha naman siyang tanga na pangiti-ngiti lang ay mas mabuti makipag-usap na lang siya. Wala naman siguradong problema dahil alam naman niya na wala rin itong pakialam sa kinukwento niya. Sino ba naman ang kuya niya at si Martha para rito na alam niyang mga sikat na tao ang nakakasalamuha? Sino ba sila pagkaabalahan ng mga ito? And that is the truth, alam niyang pampalipas oras lang siya ng tulad ni Allejo kaya hindi niya magawang seryosohin ang mga pinapakita at pinaparamdam nito sa kaniya. She sighed dahil naisip na kung anu-ano kasi ang sinasabi niya pero ganoon naman talaga siguro ang tao, napapakwento bigla sa hindi lubos na kilala dahil sabi nga ay ‘minsan mas madali magkwento ng problema sa taong walang alam sa iyo’ at iyon ang pakiramdam niya kanina. Ang isa pa sigurong dahilan kung bakit napakwento siya ay dahil pakiramdam niya ay magaan ang loob niya sa lalaki. Na sa bawat tingin nito na binibigay sa kaniya ay nararamdaman niya na handa itong ipagtanggol siya. She blushed with her thought at sinulyapan ang likod ni Allejo at lumingon naman ito sa kaniya na parang alam na nakatingin siya rito. Allejo and Rex are both handsome but the feelings she has for Allejo is different from what she was feeling with the man in front of him. The man in front of him shows authority and she feels that she wants to have the man as her brother while she wants Allejo for herself. Kitang-kita ni Rex ang pamumula ng pisngi ng kapatid niya habang sinusulyapan si Allejo. Napabuga siya ng hangin sa pakiramdam na mukhang siya pa ang dahilan kung bakit mukha in love na ang kapatid niya. There is nothing wrong on what his sister felt for Allejo but the fact that Allejo is not into anything seriousness lalo na at inuutos niya lang ang pakikipaglapit nito sa kapatid niya ay nagpapabahala sa kaniya. Nang marinig niya ang usapan nina Mirabella at Allejo ay napatiim-bagang siya sa naririnig na pakiusap ni Mirabella kay Allejo na bilhin ng huli si Isabel sa auction na magaganap, na handa ito ibenta ang lahat ng mayro’n ito basta mailigtas lang ang kaibigan. Gusto niya isipin na hindi niya tamang gamitin si Mirabella para makapaghiganti sa ate nito pero ang karanasan niya sa mga naging panloloko ng mga taong pinagkakatiwalaan niya noon ay ang dahilan kung bakit hindi niya magawang magtiwala sa mga sinasabi ni Mirabella at ang pagiging kadugo ito ni Martha ay isang sampal sa kaniya na hindi siya dapat mag-alinlangan sa plano niya para rito. Nang matapos na ang usapan nila Allejo at Mirabella ay muling bumalik na ang mga ito sa pwesto nila. He was sternly looking at Mirabella’s delicate profile. Napakunot-noo siya nang mapansin na parang may sugat ito sa gilid ng labi na kanina ay hindi niya agad napansin. “Thank you for letting us join you here, Mr. Pellegrini.” Tiningnan niya ang nagsalita na si Mirabella at tinanguan niya lang ito. Ayaw niya makaramdam ng kahit na ano para sa babae, kaibigan man ito ng kapatid niya ay hindi pa rin nababalewala ang totoo na kapatid ito ni Martha. Kapatid ito ni Martha at dapat mag-ingat siya dahil kung ano man ang dugong dumadaloy kay Martha ay kapareho rin ng dugo na dumadaloy kay Mirabella. “We need to go, Allejo. It’s almost three o’clock. Nice meeting you, Mirabella and… Isabel,” he said, muntik pa siyang mapiyok banggitin ang pangalan ng kapatid. He sighed. Tumayo na lang siya para mauna na lumabas as emotion of meeting his sister without her knowing him as her brother really hurts him. Nakita niya na agad na rin sumunod sa kaniya sina Stefano at Flavio matapos bayaran ng mga ito ang bill nila. “Thank you for letting us join you here, Mr. Pellegrini…” nakangiting sabi ni Mira sa manager ni Allejo. Alam niyang kung hindi ito pumayag na makausap niya si Allejo ay wala siyang magagawa. Nakita niya kanina nang tumingin si Allejo rito noong makiusap siya na gusto niya makausap si Allejo ng sarilinan. Tingin lamang at tango ang ibinigay ni Rex Pellegrini sa kaniya pero parang lumukso ang puso niya dahil sa kaba. Hindi niya maunawaan ang sarili, the man is so hostile to her yet she wants to know why he was like that to her samantalang bago pa lang naman sila nito nagkakilala. Kung sana ay pareho lang ang tingin na binibigay nito sa kaniya at kay Isabel ay iisipin na lang niya na baka naiinis ito sa pakikipagkita sa kanila ni Allejo, na naiinis ito sa mga fans ng alaga nito. Nang sabihin ni Rex kay Allejo na malapit na ang three o’clock ay napatingin siya kay Isabel at nakatingin naman ito kay Allejo. Isabel looks like someone na gusto pa sana makausap ang lalaking hinahangaan nito. Napatingin na lamang siya muli kay Rex ng banggitin nito ang pangalan niya at nagtaka siya sa parang napiyok na boses nito sa pagbanggit sa pangalan ni Isabel. Pagpiyok na parang resulta ng pagpigil nito sa emosyon. “I’m sorry for that but I hope you will stay for a while and attend my presscon,” sabi ni Allejo sa kanila ni Isabel. Isabel just smiled and nodded her head. Ngumiti naman siya sa nakikitang obvious na feelings ng kaibigan niya para sa sikat na car racer. How she wished that the two would end up happily and hoping someday she will be like Isabel who will find her prince. Someday… she was really hoping for someday… if sakaling mayroon pa mang someday na naghihintay sa tulad niya, dahil isa lang ang sigurado niya ngayon, na sa paghingi niya ng tulong para kay Isabel ay siya na ang sunod na mapapahamak sa kamay ng sariling kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD