Tumayo ako para magbihis. Kailangan ko pang magreview para sa exam ko bukas. Hindi ko pinasa ang law para rito sa gusto ko kaya dapat makapasa ako.
Ayaw. man ni dad, gusto ko pa ring ipakita sa kanyang may mararating
Mahina ako at walang kwenta kaya sana naman dito man lang makaya niyang ipagmalaki ako gaya ng mga kapatid ko pero napakaimposible. Mapait akong napangiti. I took my phone and decided to call my girlfriend. She's the only one who makes me happy and such. Siya na lang ang meron ako.
Napangiti ako nang sagutin niya ang tawag ko.
"What is it, Adler?" Narinig ko ang mahinang halinghing niya. I got curious. What is she doing?
Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon. "Nothing. I just want to talk. How's your day?" malambing kong tanong.
"Oh. Bukas na lang tayo mag-usap. May shooting pa ako. Okay? Bye."
Magsasalita pa sana ako but she disconnected the call. Malungkot kong binaba ang cellphone ko. Naiintindihan ko naman siya dahil isa siyang actress at maraming ginagawa.
Hindi na ako nag-abala pang tawagan ulit siya. I don't want to disturb her. Mag focus na lang ako sa pagrereview.
I was focused on my exam. Sa oras na bumagsak ako, mawawalan na ako ng silbi ng tuluyan. Inayos ko ang suot kong salamin. I have extras dahil sa tuwing sinasampal ako ni dad ay nababasag ang mga ito.
Nang matapos ang exam ay tinawagan ko si Shaniah para sana mag date pero hindi ko siya makontak. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng matapos na ang exam.
Maaga akong nagising para hindi ako maabutan nina dad. Ayaw kong away ang mabubungaran ko. Sapat na sa akin sa tuwing umuuwi ako. Napatingala ako sa langit at mariing napapikit. At least I'm having a peaceful morning everyday, right?
Nagtambay muna ako sa library at nagbasa ng mga kung ano-ano. Ayaw ko na munang umuwi. Nagpalipas ako ng oras dito. Gusto kong puntahan si Shaniah pero baka maistorbo ko lang siya. Ayaw pa naman niya ng gano'n.
Nang magdilim na ay saka ko lang naisipang umuwi na. Bumuntong hininga ako para ihanda ang sarili. Pumara ako ng taxi dahil wala akong sasakyan. Hindi ako binilhan ni dad, total wala rin naman daw akong silbi.
Sinabi ko sa driver ang address namin. Habang nagbibiyahe ay hindi ko mapigilang isipin ang mangyayari. Siguradong itutuloy ni dad ang galit niya sa akin ngayon.
Bigla kong naisip si Richard. Kung sana sa isang kurso lang ako nag focus ay sana sabay kaming gumradruate ng medicine. He's already a surgeon trainee. Naiinggit ako sa kanya dahil nagawa na niya ang gusto niya. But after all, I'm still proud of him.
"Salamat, manong." Inabot ko sa kanya ang pamasahe ko at tumitig muna sa bahay namin. Nakatingala ako at parang ayaw nang pumasok.
Sa huli ay pumasok pa rin ako sa bahay. Dahan-dahan ang lakad ko. Nakayuko ako hanggang sa makapasok. Narinig kong nagtatawanan silang lahat sa kusina.
Mapait akong ngumiti. Sanay na ako. Kumakain silang wala ako. At hindi man lang nila ako inaayang kumain kasama sila. Ang sakit para sa'kin nu'n dahil tinuturing nila akong parang hindi pamilya.
Mula noong bata ako gano'n na sila sa'kin. Laging ako ang hindi pinapaburan. Laging ako ang sinasaktan. My siblings always set me up. Gumagawa sila ng mga kalokohan at ako ang itinuturo kaya laging ako ang pinaparusahan ni dad. Hindi man lang ako pinapakinggan.
"Good evening, dad, mom..." mahina kong usal pagkapasok ng kusina. Natigil ang katuwaan nila at nakita kong nagbago ang mood ng mga kapatid ko. Umirap sa akin si Ate Clareese at tinaasan naman ako ng kilay ni kuya. Hindi ko sila pinansin.
"Kumusta ang exam mo? Baka pati 'yan bagsak ka? Ang tanga mo pa naman." Napayuko ako sa insulto ni dad.
Nakita ko pang ngumiti ang dalawa kong kapatid at tahimik lang si mom.
"Sige na, Adler. Magbihis ka na bago ka kumain." Tumango ako sa utos ni mom at tumalikod na.
"Mom, hindi pa tayo tapos kumain," angal ni ate Clareese.
"Tumahimik ka nga, Clareese. Patapos na rin naman kayo."
Hindi ko na sila pinakinggan pa at dumiretso na sa kwarto ko. Tama, kakain na lang ako kapag tapos na sila. Hindi ko rin naman gustong kasabay sila sa hapag kainan dahil puro insulto lang ang matatanggap ko mula sa kanila.
Kinakabahan akong nakatitig sa laptop ko habang hinihintay ang results ng exam ko. Ngayon na ang ilalabas ang mga resulta. Walang kisap mata kong tinitigan ang screen ng laptop ko.
Pero nang biglang lumabas ang mga resulta ay hindi ako makagalaw at hindi alam ang gagawin. Kinisot-kusot ko pa ang mga mata ko para siguraduhin kung nagkamali ba ako.
Pero hindi. Nakapasa ako. Nakapasa ako! Napatalon ako sa saya. At ako pa ang nasa top. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko.
I passed!
I passed!
Sa wakas ay may ipagmamalaki na ako kay dad. Ako ang nakakuha ng unang rango sa exam. Tinawagan ko agad si Shaniah para sana icelebrate ang pagkapasa ko pero unattended ang cellphone niya.
Ayos lang. Pupuntahan ko na lang siya sa condo niya. Hindi ko na tinawagan si Richard dahil gusto kong si Shaniah ang unang makaalam ang resulta. Sasabihin ko rin kina dad kapag nasabi ko na kay Shaniah.
Lumabas ako ng kwarto ko at naabutang nagkakagulo ang mga kasambahay. Nagtaka ako at tumingin kina ate Clareese at kuya Warren. Masama ang tingin nila sa'king dalawa.
Anong meron?
"Who stole your mom's jewelries?!" walang kasing lakas ang sigaw ni dad na umalingawngaw sa buong bahay at abot na yata sa mga kapitbahay.
Natahimik lahat ng tao sa living. Walang nagsalita sa amin. Pati ang mga kasambahay ay napayuko na lang.
"Antonio, hinaan mo ang boses mo."
"You stole it, Adler?!"
Mabilis akong nag-angat ng tingin kay dad. "N-No. I- I never did, dad."
"Then who?!"
"H-Hindi ko po alam."
"Alangan namang ang mga kapatid mo?! Search his room!" utos niya sa mga kasambahay na agad namang tumalima para sundin si dad.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding takot. Tumingin ako sa mga kapatid ko at nakitang nakangisi sila. Hindi naman nila ako sinet up ulit, 'di ba?
Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong mali ang iniisip ko pero sino nga bang niloloko ko?
"S-Sir, nakita po namin sa loob ng kwarto ni Sir Adler."
Gumuho ang mundo sa sinabi ng kasambahay. Nanlumo ako at handa nang harapin ang susunod na mangyayari. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot. Nakita kong mas matindi ang galit ngayon ni dad kumapara noong nakaraan.
"At talagang nagnakaw ka pa talaga!"
"D-Dad, hindi. Baka po may naglagay—"
Nakatanggap ako ng suntok sa tiyan na halos hindi na ako makahinga. Umubo ako.
"At sinong maglalagay niyan sa kwarto mo?! Ako?! Lumayas ka sa pamamahay ko! Huwag na huwag ka nang babalik at magpapakita sa amin! Mula ngayon hindi na kita ituturing na anak!"
...