"D-Dad, hindi po ako," mahinang usal ko dahil hindi na ako halos makahinga.
"Lumayas ka rito sa papamahay ko! Wala ka na ngang ginawang tama, magnanakaw ka pa! Wala kang silbi! Hindi ka namin kailangan dito! Anna! Kunin niyo ang mga gamit ni Adler at ilabas niyo!"
Wala na akong nagawa at natahimik na lang. I feel like crying. Ito ang kinatatakutan ko. Gano'n man ang turing nila sa akin but I'm still longing for their love and attention.
Binibigyan lang naman nila ako ng atensyon kapag nagkamali ako. Kinaladkad ako ng guards ni dad palabas at pabalya akong binitawan. Napaupo ako sa kalsada at sakto namang tinapon nila lahat sa akin ang gamit ko.
Naglaglagan ang mga luha ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Tignan mo nga 'yang sarili mo! Kalalaki mong tao umiiyak ka! Hindi kita anak!" Marahas siyang tumalikod at maiwan si mom at mga kapatid ko.
Matalim ang mga tingin sa'kin ni mom at kalaunan din ay sinundan si dad sa loob.
"Pathetic. Kung sana noon ka pa umalis," naiiling at may ngising saad ni ate Clareese.
Tumalikod na rin siya at naiwan lang ay si kuya Warren.
"Umayos ka. Wala akong kapatid na kagaya mo. Walang kwenta." Pagkasabi niya 'yon at umalis na siya.
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Narinig kong sumara ang malaking ng bahay.
Hindi man lang ba niya ako paniniwalan kahit ngayon? Kailan ba niya ako pinaniwalaan. Kahit alam niyang hindi totoo, sa'kin pa rin niya binabaling ang galit niya.
I stayed there for a couple of minutes crying. I'm so pathetic. Really pathetic. May lalaki bang umiiyak? Ako lang naman.
Dahan-dahan kong pinulot ang mga gamit ko at naglakad na palayo. I'm no longer part of their family. Matagal ko ng ramdam iyon. Mula noon ay hindi na talaga ako parte ng pamilya nila.
I'm so messed. My life sucks, everything f****d me up. Iisang tao na lang ang pwede kong paghingian ng tulong.
Pinunasan ko ang luha ko at pinunasan ko na rin ang salamin kong nabasa na ng luha. Binalik ko iyon sa mga mata ko at pumara ng masasakyan. I told the driver where Shaniah's condo. Sigurado akong papayag si Shaniah na doon na muna ako manunuluyan pansamantala. She's my girlfriend after all.
Binayaran ko ang driver nang itigil niya ang sasakyan sa building kung saan nakatira si Shaniah. Lumabas ako at napatingala sa mataas na building. It's belongs to Shaniah's family.
Mayaman ang pamilya niya kaya hindi na rin tumutol si dad noon sa amin. Naglakad na ako papasok ng building. Nakukuha ko pa ang mga tingin ng mga nadadaanan ko pero hindi ko na sila pinansin.
Judge me all they want. I don't care. Magdodoor bell na sana ako sa condo ni Shaniah nang mapansing hindi ito nakasara. Nagtaka ako. Hindi niya ito sinara?
Inayos ko muna ang sarili ko bago dahan-dahang tinulak ang pintuan pabukas.
"Shaniah?" tawag ko pero walang sumasagot. Inulit ko pa iyon pero wala akong natanggap na sagot.
Tinignan ko ang living kung nandoon siya at tinignan ko na rin ang kusina pero wala siya. I walked directly to her room.
Gaya ng kwarto niya ay hindi rin nakasara. I'm about to open the door when I heard something.
I heard a girl's voice moaning. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Sigurado akong boses iyon ni Shaniah. Muling namuo ang mga luha ko at pinigilan ang sariling mapaiyak ulit. Nang sumilip ako ay mas dumoble ang sakit.
The most two important people in my life was betraying me right in front of my two eyes. Richard and Shaniah are having s*x. Kitang-kita ko kung paano bumayo si Richard sa ibabaw niya while she's begging for more.
Napaatras ako. Sumandal ako sa pader nang manghina ang mga tuhod ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Paano nila ginagawa sa akin ito? Kailan pa nila ako ginagago?
Mas lumakas ang ungol nilang dalawa na parang malakas na ingay sa aking pandinig. Nabibingi ako sa naghalong mga boses nila. Halos mahimatay ako sa naririnig.
Ang mga taong akala ko meron ako ay tinatraydor na pala ako. Kaya ba laging busy si Shaniah? Busy nga siya kay Richard.
Ako na nagdudusa sa gilid tapos sila na nagpapakasaya. Hindi man lang ba nila naisip ang mararamdaman ko? How cruel world is?
Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay at nagdesisyong umalis. Babalik na lang ako bukas kapag tapos na sila. Durog ang puso kong lumabas ng tahimik sa condo ni Shaniah.
Ang taong akala ko ay bubuo sa akin, siya pala ang dudurog sa'kin ng tuluyan. Pumara ulit ako ng masasakyan at nagpahatid sa malapit na hotel.
Nagtanong pa ang driver kung ayos lang ako dahil nakita niyang umiiyak ako, sinagot ko na lang siya na ayos lang ako.
Hirap kong pigilan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata ko. Isa na lang, baka mabaliw na ako sa sakit. Ang lalim ng sakit na dinulot nila sa akin. Tarak na tarak sa dibdib ko. Sa loob ng hotel ko nilabas lahat ng hinanakit ko.
Tinaboy ako ng pamilya ko, kung matatawag pa bang pamilya ko sila, tinraydor ako ng kaibigan at girlfriend ko. Ano pang sakit ang matatanggap ko ngayon? Sana kung meron pa, pwedeng kinabukasan na lang ulit? Hindi ko kasi kakayanin kung ngayon, e.
Hirap akong makatulog sa gabing iyon. Ang dami kong iniisip at ang dami kong nararamdaman. Sakit, poot at galit. Naghalo-halo na. Galit ako sa sarili ko, galit ako sa mundo.
Kung sana hindi ako pinanganak na mahina hindi mangyayari sa akin ang mga ito. Akala ko pa naman matutulog akong masaya ngayong gabi, hindi pala. Sobrang saya ko nang makapasa ako sa exam pero may kapalit pa lang matinding sakit.
Kaya ayaw kong maging masaya. Sa tuwing masaya ako, may karugtong na sakit at kalungkutan. Gusto ko lang naman maging masaya, a. Anong mali doon?
Iyon lang ang hinihingi ko. Gusto kong maging masaya. At mas gusto kong magpahinga. Pagod na ako sa lahat. Baka bukas mawawala na rin ito.
Oo, bukas wala na 'to, Adler. Itulog mo na lang iyan dahil mawawala rin lahat kinabukasan. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko hanggang sa makatulog ako.
"Dad, look! I drew this for you!" Masaya kong pinakita kay dad ang isang ginuhit ko. Mukha niya iyon at katabi ako sa ginuhit ko.
Nasira ang mukha niya nang makita ang ginuhit ko.
"You drew that?"
I nodded repeatedly. He took the paper and stared at it for seconds. I thought he liked it but what he did next broke my little heart.
He ripped it apart and threw it in the trash can. "You're doing nonsense things. Go read your books."
That’s the first time he broke my little heart.
...