Chapter 52

2004 Words
"I don't know. I just know they planted something in me," bigong tugon ni Aris sa kanya. "Shanaiah planned it. She's wiser than her boyfriend. We have to be careful on her. She's a wise woman." He's right. Matalino ang babae kaya mas mahirap itong patumbahin. Kaya naisip ni Gifflet na ito ang unahing unti-unti sirain dahil mas mahirap itong kalaban. Kung matalino ang babae, kailangan nilang mas maging matalino para manalo. "I know. Siya ang dahilan kung bakit ka naging sunud-sunuran?" tanong nito kahit alam na niya ang sagot. Sinimulan niyang gamintin ang x-ray para makita sa braso ni Aris kung nandoon ba ang hinahanap nila and before he could proceed to the other arm, he saw it. Nakita niya ito sa gilid ng braso ni Aris. "Yeah. She knows about my daughter and she used her against me." "There, I saw the tracking device. Now shut up and let me take it out. Let's talk later," sabi niya sa seryosong tinig. "Why don't talk while your taking it out?" kunot-noong tanong ni Aris. They usually talk with their patients if they were operating minor injuries or dislocation of bones. He didn't speak and he put chlorhexidine gluconate on Aris' skin before ripping his skin for him to be able to remove the device. Napangiwi si Aris sa sobrang sakit nu'n. Pigil ang sarili niyang mapasigaw sa ginagawa ni Gifflet na pagtanggal ng kung ano man doon. Bumilis ang paghinga niya at panay ang igik niya para pigilan ang sariling mapasigaw sa sakit. Sa kabilang banda ay nagkalat ang tauhan ni Richard sa ospital nang matrack nila ang location ni Aris sa ospital mismo. Napangisi ng malawak si Aris habang tinitignan ang pulang tuldok sa computer niya na hindi gumagalaw at nananatili lamang sa iisang lugar. Pinakalat niya ang mga tao niyang doctor sin sa ospital para magmanman at puntahan mismo ang kinaroroonan ni Aris. Nang hindi siya nakatiis ay tumayo siya para siya na mismo ang pumunta roon. Hindi niya kasama ngayon ang nobya niya dahil may inaasikaso rin ito. Nagdirediretso ang lakad niya dahil alam niya kung saan banda ang kinaroroonan ni Aris. May nakatagong hand gun sa bulsa niya para iyon ang gagamitin para patayin ang dati nilang tauhan. Wala siyang pakialam kung mababahiran man ang mga kamay niya basta ang importante ay hindi sila mabubuking sa mga ginawa nilang labag sa batas. Pangisi-ngisi siya habang naglalakad sa pasilyo at may pasayaw-sayaw pa siyang ginagawa. He looks like a total serial killer who enjoys killing people around without any reason. Na tila kaligayahan nito ang kumuha ng buhay ng mga taong walang ginawa na kahit ano sa kanya. Pakanta-kanta pa siya habang papalapit at papalapit siya sa kwartong kinaroroonan ng pakay niya. He was dancing and humming something creepy as he was near the room. Lumawak pa lalo ang ngisi niya nang nasa harap na siya mismo kwarto. Naiiba ito dahil ito ang parte ng ospital na hindi masyadong napupuntahan ng mga doctor dahil pribado ito. Ginagamit lang sa mga espesyal na tao kaya walang katao-tao pero kumpleto naman ang mga gamit. He readied his hand gun and opened the door aggressively. Itututok na niya sana ang baril niya pero nanlaki ang mga mata niya nang iba ang naabutan niya. He looked at the two doctors that was operating a patient with two nurses. Hindi siya pwedeng magkamali. Dito mismo ang kwarto kung saan ang lokasyon ng target niya kaya bakit iba? Nalilito siya at hindi alam ang susunod na gagawin dahil wala siyang maisip. Hindi siya pwedeng magkamali. Dito iyon, dito mismo. Pasimple niyang ibinaba ang hand gun na hindi nakikita ng mga tao sa loob na ngayon ay nakatitig na sa kanya. "What made you come here, Doctor Wilson?" tanong itong doctor na isa sa kinaiinisan niya rin dito sa ospital. 'Marley Finnegan,' bulong ng isip niya. Konti na lang ay iisipin niyang magkakampi ito at ni Gifflet pero hindi niya makita kung magkakampi man sila. Magkaibigan nga sila pero hindi niya nakikita ang tiwala sa dalawa. Hindi nawala ang titig nilang apat sa kanya. Natauhan siya at pumasok sa isip niyang napaglaruan siya. They tricked him. Ang galit niya ay mas nadagdagan pa. Gusto na niyang patayin lahat ng mga balakid ng buhay nila para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ito pwedeng magpatuloy. Binulsa niya ulit ang hand gun niya at sinubukang pakalmahin ang sarili. Hindi na siya natutuwa sa nangyayari. "I thought I've seen si ethics here. I'm sorry," sabi niya at walang sabing tumalikod at umalis sa lugar na iyon. Dali-dali siyang bumalik sa opisina ng ama-amahan niya para tignan ulit ang tinitignan niya kanina para kumpirmahin ang nakita. Hindi pwedeng nangyari iyon dahil kitang-kita mismo ng dalawang mata niya na roon ang itnuturo ng tracking device na kinaroroonan nj Aris. Nang makabalik siya sa opisina ng ama-amahan ay agad niyang tinignan ulit iyon na ikinasabog niya sa galit. Wala na ang pulang tuldok na nagpapahiwatig ng lokasyon ni Aris. They tricked him. Sana pala binilisan niya ang lakad niya para naabutan niya ang mga iyon. And now, they lost track on Aris. Wala na silang paraan para mahanap ulit ang lalaki. Matalino pa naman itong magtago at lalo na ngayon na pinaprotektahan siya at tinatago ng makapangyarihan nilang kalaban. Masasabi niyang hindi nila pinatay si Aris dahil pwede nila itong gawing tauhan nila laban sa kanila. Magaling ang doctor na iyon at siguradong mahihirapan na sila sa ganito. Paano na, wala na si Aris at hindi na nila ito mahahanap. Kailangan nilang maghanap agad ng mas malakas dito para hindi sila matalo sa paparating na gyera. Kinuha niya ang telepono niya at tinawagan ang nobya para sabihin ang nangyari. Agad naman siyang sinagot ng nobya. "Yes, babe?" "They found out, Shanaiah and now, they took out the device and we just lost track on Aris. Paano na ito?" nag-aalala na niyang tanong dahil wala talaga siyang ideya kung paano na ito. Paano nila hahanapin ulit si Aris? Napabuntong hininga siya habang hinihintay ang tugon ng nobya. "Okay, calm down, baby. Nakahanap ako ng mas magaling at mas malakas kay Aris. Huwag kang mag-alala, hawak na ulit natin siya sa leeg at hindi niya susubukang gawin ang ginawa ni Aris." At doon bumalik ang ngisi sa mga labi niya. Napakatalino talaga ng nobya niya. "For now, hayaan muna natin si Aris dahil hindi niya susubukan tayong ibuking dahil kayang-kaya nating baliktarin ang sitwasyon. You got me, babe? Calm down and relax. I told you, hindi tayo basta-basta masisira ng gano'n-gano'n lang." Right. He shouldn't be scared like this. Hindi dapat siya umaktong duwag dahil hindi sila basta-basta masisira. Tama ang nobya niya, makapangyarihan sila at walang makakatumba sa kanila. Iyan dapat ang itatak niya sa utak niya pero hindi niya maiwasang mag-isip ng mga ganoong bagay. "I knew you're really the one. Buti at inagaw kita sa kanya," sabi niya at naalala ang kaibigan niyang kaawa-awa. Kaibigan niyang hindi pinagsisisihang patayin. Natutuwa siya sa tuwing naaalala ang itsura nito nang sabihin nilang isa siyang basura at kahit kailan ay hindi nila siya tinuring na kaibigan, na ginamit lang nila siya dahil iyon lang naman ang silbi niya. Nagtawanan silang dalawa dahil sa mga naaalala nila tungkol sa lalaking iyon. Hindi nila mapigilang matuwa sa tuwing naaalala nila ang pagpapatay nila sa kanya. Wala ng balakid sa kanila at nakuha naman na nila lahat ng gusto nila kaya wala ng silbi pa sa kanila ang lalaking iyon. "Argh! That pathetic bed friend of yours." "That pathetic ex of yours." Parehas ulit silang nagtawanan at hindi na natigil iyon hanggang sa tumungo sa landian. Nagdidiwang silang patay na ang lalaki pero hindi nila alam na buhay pa ito, sa ibang katawan nga lang. Buhay ito sa ibang katawan na kahit nino ay walang mag-iisip ng bagay na iyon. GIFFLET'S POINT OF VIEW "How was the surgery?" tanong ko sa dalawa na dumiretso rito sa office ko pagkatapos ng operasyon nila kanina. Oh, f**k. Hindi ko mapigilang purihin ang sarili ko dahil sa katalinuhan ko. I used these two to cover what I'm planning earlier. I drive Aris all the way to Beam's house where his daughter is. Nanghihina pa nga siya pero mapilit siyang gustong makita ang anak. I was planning to send him with Ley but I did in anyways. I have to use them for cover up. Alam kong nilolocate na nila si Aris mas lalo at nasa iisang lugar na lang kami. Buti at agad natapos ang patanggal ko sa device at maliit lang na sugat na iyon kaya madaling tahiin. Pagod silang dalawa na sumampa sa couch. Si Ley ang humiga sa mahabang couch at umupo lang si Beam sa single sofa pero kung umakto sila ay parang bahay nila ang opisina ko. "Richard came as what you said. Hindi makapaniwala ang itsura niya nang iba ang nakita niya," si Beam ang sumagot dahil parang walang lakas si Ley na magsalita. Ilang oras din ang surgery nila at hindi naman madali ang trabaho nila. I nodded while smirking lightly. As expected, mayabang ang lalaking iyon at hindi tumatanggap ng mga pagkatalo o mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa kanya. He has a high pride and couldn't lower himself for a bit. Hindi niya iyon gagawin dahil napakataas ng pride niya. Hindi niya alam na iyon ang magpapabagsak sa kanya. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga walang utak ang lalaking iyon. Padaloy-daloy lahat ng desisyon at hindi napag-iisipan. "Nahatid mo na si Aris?" si Beam ulit ang sumagot dahil hindi na nakayanan ni Ley at nakatulog na. Nawalan yata ng enerhiya dahil hindi matigil ang salita niya kanina. Tumango ako bilang sagot. "Yeah. Siya na rin ang magiging bantay ng tatlo habang nagtatrabaho tayo." Since I can't just do the plan right now, we still have to work. Hindi ako kagaya ni Richard na hindi pinag-iisipan ang mga ginagawa. He's a dumb ass who doesn't use his brain even for once. He's confident that he will never be on the ground. Let's see kung hindi ka sasamlampak sa lupa pagkatapos ng mangyari ang mga plano ko. Ako ang unang tao ang tatawa ng malakas kapag nangyari 'yon. Hindi ko nakakalimutan kung paano nila ako pagtawanan at insultuhin noong gawin iyon. Ang gabing iyon ang hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Kahit gaano ako tinatakwil at hindi tinuturing na anak ng aking mga magulang, sila pa rin ang kinamumuhian kong tao. I gave them my full trust before and they just broke it. Tumango si Beam na tila wala na ring lakas para magsalita pa. "Rest. Matulog na muna kayo, ako na ang magche-check ng mga pasyente." Tumango ulit siya bago pagod na tumayo at siya ang pumunta sa secret room dito para roon matulog. Since Ley was sleeping here, doon na lang siya. Bumuntong hininga ako ng malalim bago tinapos ang natitirang mga papeles bago nag-check ng mga pasyente. I did that for an hour before going back go my office. Tulog pa rin si Ley sa couch nang maabutan ko pero may kumot nang nakabalot sa kanya. Binigay siguro ni Beam. Bumalik ako sa kinauupuan ko at nagsimula na namang mag-isip ng malalim. Now that Aris did what I asked him for the last time, this is the time to start ruining them little by little. Titig na titig ako sa kisame at tuluyan na ngang lumipad ang isip ko. Everything was settled and all I have to do is to start the plan. Bigla lang akong napatigil nang pumasok ang isang tao sa isip ko. Trinity May isa pa palang problema na kailangan ko munang takpan hanggat hindi natatapos ang lahat. Napapikit ako nang mariin dahil hindi lang maliit na problema ang naidulot ng babaeng iyon. Though hindi lang naman siya ang gumawa, they both did it but f**k. I forgot to ask Beam about her kung kumusta na siya. Isa pa pala, about the dinner last night. It went good but not that good at all. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD