I can still remember my Dad said. Kaya hindi rin kami nagtagal ni Adrienne doon dahil mas lalo ko lang siyang kinamuhian kahit hindi naman siya ang tunay kong ama.
He's reminding me my real Dad. Him being demanding and so on. Palautos din at gustong lagi siyang nasusunod. I won't give him satisfaction.
Hindi na ako ng anak niya kaya hindi ako magiging manika ng sino man sa buhay na ito. I've been my dad's puppet before and that won't happen in this life anymore.
Though I didn't see Gifflet's brother. What's his name again? Nash? Oh yeah, Nash Whitlock.
"Why don't you pass the hospital to your brother, Gifflet?" tanong ni Dad ng mapag-isa kaming dalawa. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"I can handle, Dad. Kaya kong hawakan ang ospital even without anyone's help," malamig iong sagot sa kanya na nakapagpabago nang itsura niya.
"Bakit hindi mo na lang ibigay ang ospital sa kapatid mo? Ganyan na ba kalakas ang loob mo dahil nasa parte mo ang mga Pantaleon?" galit na niyang ani. Hindi maipinta ang mukha niyang galit na pinipigilan ang galit.
"No. I can do it even before," sagot ko muling walang kabuhay-buhay. Huwag niyang subukang takutin akong mawawalan ng koneksyon dahil wala akong pakialam.
May kapit ako sa mga Pantaleon at sapat na silang koneksyon ko. Makapangyarihan sila at kahit magsama-sama pa ang limang makapangyarihang tao ay walang-wala pa rin sila sa mga Pantaleon. No one knows kung paano sila kalakas sa business world.
Kahit retiro na ay hindi ibig sabihin ay humina na rin sila.
"Aba! Ang lakas na talaga ng loob mo!" galit niyang sigaw at akma niya akong sasampalin nang mahuli ko ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko at tinignan ko lamang siya ng malamig na tingin.
Hindi ko pinansin si Mom na kasama na si Adrienne nang marinig nila ang sigaw ni Dad dito sa labas. Adrienne was about to walk towards me when Mom stopped her.
Binitawan ko ang kamay ni Dad bago nagsalita. "Hindi ko ipapasa ang ospital. Aalis na kami, Dad, Mom." Then I looked at Mom who only nodded.
Naglakad ako palapit kay Adrienne na nag-aalala at hinawakan ang kamay niya para makaalis na kami sa bahay na ito. This is the first and last that I will be here. Hindi na ako babalik dito kahit hingin nila ang presensya ko.
Walang lingon-lingon kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa sasakyan ko. I opened the door for her before circling to the other side of the car. Pumasok na rin ako at doon lang ako nakahingang maluwag.
"He still wants you to pass the hospital?" mahinang tanong ng asawa ko. Tumingin ako sa kanya at doon lang ako nakakalma.
"Yeah. He still wanted to have the hospital himself. Nagagalit siya dahil hindi na niya ako makontrol ngayon," sabi ko base sa mga naobserbahan ko. Hindi lang naman ang hindi ko pagbibigay ng ospital sa kanila ay ikinagagalit niya, nagagalit din siya dahil hindi na niya ako kayang makontrol.
Hinaplos niya ang braso ko kaya hindi ko napigilang hilahin siya para mayakap. f**k, I love this woman so much.
"I love you, baby..."
Nabalik lang ako sa sarili nang makarating na ako sa bahay ni Beam para sunduin si Adrienne. Dito na siya namamalagi dahil may kausap na siya at nandito si Kyrie. Dito na rin siya nagtatrabaho at sinasamahan ko siya aa tuwing magpapasa siya ng projects sa pinatatrabahuan niya. Ayos lang naman sa asawa ni Beam dahil wala rin daw kausap kaya mas mabuti nang doon muna ang asawa ko.
Hinayaan ko na rin siya dahil nakikita kong masaya siya at nagiging ina kay Kyrie. Naiintindihan naman niyang hindi ko pa iyon maibigay dahil sa sitwasyon namin. Kahit noong nakaraang buwan lang ay naisipan kong buntisin siya pero hindi na muna dapat.
Hindi ko sila mapoprotektahan pareho kung sakali at hindi lang naman iyon ang dahilan. Ayaw ko rin siyang buntisin aa katawang ito pero wala akong magagawa dahil patay na ang tunay kong katawan. Ito na ang katawan ko at ito na rin ang buhay ko.
I entered my car in their parking area when the gate opened. Lagi akong nag-iingat sa tuwin pumupunta ako rito dahil alam kong pinapabantayan ako ni Richard ng maigi. Iyon din ang bilin ko sa dalawa para hindi kami masundan.
Lumabas ako ng kotse ko at naglakad para pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko silang nagtatawanan nang pumasok ako.
Mamaya pa raw si Beam dahil may tinatapos lang. Susunod din agad pagkatapos at sigurado akong sasama si Ley. Lagi na rin siya rito pero sa ospital pa rin natutulog dahil binabantayan ang girlfriend.
Hindi ko pa iyon napupuntahan mula noong malaman ko ang nangyari. Siguro kapag nag-aya na si Ley na samahan namin siya roon. I really feel bad for him. Nasasaktan din ako sa pinagdadaanan niya.
I never saw him crying but I know he's just hiding himself. Ayaw niyang makita namin siyang nasasaktan kaya tinatago niya iyon.
Naabutan kong si Ara at Adrienne na lang ang naglalaro sa living room. They were playing PS2.
"Hide, Aranelle! An enemy's coming your way!"
"Okay, okay! You don't have to shout!"
"Bakit gising pa kayo?" tanong ko at tumabi sa asawa ko pagkatapos kong halikan ang ulo niya. Hindi niya ako binigyang pansin at tutok na tutok sa nilalaro.
Parang hindi ako napansin. Bumuntong hininga ako, kaya ayaw ko siyang naglalaro nito, e. Hindi niya ako pinapansin at kinakausap.
"Aranelle, bakit hindi pa kayo natutulog?" I asked Ara instead. Hindi niya ako binalingan ng tingin pero sumagot naman.
"She wanted to play. Hindi naman pwede si Aris dahil pinatulog si Kyrie—oh s**t! Why didn't you help me!"
Napailing-iling na lang ako. "Ara, you're pregnant and Beam won't be glad knowing this. Anong oras na, it's not good for you."
Parang doon lang nag-sink in sa kanya na buntis siya. Agad niya pinatay ang nilalaro niya na ikinadaing ni Adrienne.
"Oo nga pala, I have to sleep na Adrienne!" sabi niya at nagmamadali pero may pag-iingat na tumalikod.
...