Chapter 37

2092 Words
"What is it?" I asked, tired and drained. I just had three surgeries straight. It was exhausting. Wala pa rin si Ley. Nagkukulong lang sa kwarto. Anong inaarte ng lalaking iyon? Ilang araw na, a. But I can't blame him. Hindi naman talaga madaling mamatayan ng pasyente. Iyon ang kahinaan most of the surgeons. They blame themselves if they had failed surgeries. Mas lalo na kapag mga bata ang pasyente at hindi nila nailigtas. It's not that easy. Imagine if that kid is your son. Maiiyak ka na rin sa sakit at awa. Hindi pa niya nararanasan ang totoong buhay tapos mawawala na siya sa mundong ito. Beam sat on the visitor seat in front of my table. "Your father called, puntahan mo raw sa mansyon niyo." Walang pakialam akong tumango. Alam ko na ang sasabihin ng matandang iyon. "Sabihin mong siya ang pumunta rito. He's not a King to order me like I'm his slave." I craned my neck and stretched my arms. f**k, I'm so tired. Pwede na ba akong umuwi? It's already one in the morning. Hindi na nga ako nakakain ng maayos dahil sa diretso ang operasyon ko. Tatlong magkakasunod and it took me hours to finish it. "Hoy, gago! Tatay mo 'yon!" gulantang niyang sabi at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Wala akong pakialam. "Ano naman? Tatay ko lang siya, hindi ko siya hari o boss. Kung ayaw niyang pumunta rito, hayaan mo na. Pupunta rin 'yon dito kapag hindi ako pumunta doon." I yawned as if I didn't care about our conversation. Its actually boring. Ang daming balakid sa plano ko. There's Gifflet's family and Adrienne's. Hindi ko sinasabing harang sa plano ko ang pamilya ni Adrienne. It's just that they are one of people who distracted me. "Gago ka talaga. Kung nandito lang si Ley." Mabilis akong napatingin sa kanya. "Kumusta na pala ang gagong 'yon? Ayos na siya?" "Hindi pa. Ilang araw na ngang hindi naliligo, e. Hindi na rin niya nadadalaw ang girlfriend niya." "What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Imposible, hindi 'yon lumiliban halikan ang girlfriend niya. Ayos lang ba talaga 'yon?" He shook his head then sighed. Natahimik kami ng ilang segundo nang pareho kaming napatingin sa gilid nang makaramdam ng ibang presensya. "Hindi ako lumiban. Hindi niyo lang nakikita," it was Ley. Medyo mahaba na ang begote at buhok na tila galing sa bilangguan. Magulo ang buhok at nangingitim ang baba ng mga mata niya. Medyo pumayat na rin siya sa itsura niya. "You're back? Kung maligo ka na kaya muna," Beam suggested na parang walang nangyari. Ley smirked but a little pain was plastered on his face. Mabilis niya iyon itinago at umupo sa single sofa at pinaharap iyon sa amin. "Bukas. Bukas na muna ako babalik. Aayusin ko muna sarili ko," sabi ni Ley na nakangisi pero seryoso ang tinig. Napatango ako sa sagot niya. "That's better. Para naman hindi ka mamatay kakamukmok." "Hindi pa kayo uuwi? Paano mga asawa niyo?" tanong niya sa amin at nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. I heard Beam sighed problematic. "She will understand but she would kill me once I got home. Mainit lagi ang ulo sa'kin since she's two months pregnant." "What?" sabay naming tanong ni Ley, gulat na gulat. "She's pregnant? Are you serious?" naniniguradong tanong ko dahil baka guni-guni ko lang iyon. "Did I hear it right?" Para namang nabingi si Ley sa narinig. Beam shook his head while smiling widely. He looks happy and in love. "She's pregnant. After four years of marriage, ngayon lang kami magkakaanak. You know the feeling na hindi pa naipapanganak ang anak mo, sobra mo ng mahal?" Biglang nabura ang emosyon sa mga mata ko at napansin iyon ni Beam. I looked to Ley who was looking at Beam, listening to him. Pasimple ring nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ni Beam nang makuha ang gusto kong iparating. This will broke Ley once again. Napaiwas ako ng tingin nang hindi ko makayanan ang iniisip. Iniisip ko pa lang 'yung mangyayari pero nakikita ko kay Ley ang mangyayari. Natahimik kami ng ilang minuto. Naiintindihan din ni Beam dahil masaya siyang magkakaanak na, hindi siya mapapanatag sa konsensya. Dahil sa bawat kasiyahan naming dalawa, iyon namang ikakasakit ni Ley. It's for the better. Lahat ng bagay may tamang pagkakataon. Pakiramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko para sa kanya. Ngayon pa lang ramdam ko na ang sakit. Binalik ko ang tingin kay Beam at nakasalubong ang mga mata niyang diretso rin ang tingin sa akin. Hindi lang basta tingin pero may kahulugan ang bawat paggalaw ng mata niya. I looked to my side to see Ley, and he was staring both of us, observing and reading the two of us. Kumurap ako at umiling. "Whatever, uuwi na ako baka hinahanap na ako ng asawa ko," paalam ni Beam at tumayo na. He waved his hand while his back was facing us. But before he could open the door of my office to leave, Ley spoke. "You both keep something from me." His was voice cold. Walang kahit anong mababakas doon kundi ang alam ko lang ay malamig iyon, sobrang lamig na pwede kang tumigas at maging yelo. Hindi humarap si Beam at nanatili ang kamay sa doorknob. "We have to," mahina kong sagot habang binabalik ang tingin niya. Blangko ang mga mata niya na tila ba patay siya. Hindi na nagsalita si Ley at gano'n din si Beam. He slowly opened the door instead and got out of the room. Matagal kaming nagtitigan ni Ley. After minutes of staring at each other, he stood up. "I'll be off. Bibisitahin ko lang ang girlfriend ko." Then he left. Matagal akong napatitig sa kawalan. Tangina, paano ba ako napasok sa ganito? Nahihirapan ako at mas mahihirapan siya. Wala akong maisip na kahit anong solusyon at gano'n din si Beam. Kaya wala kaming magawa kundi itago sa kanya. Ang hirap naman nito, makauwi na nga. Tumayo na rin ako at nag-ayos bago lumabas ng opisina ko. While I'm walking towards my car, I saw Beam leaning on the door of his car. Napatigil ako ng bahagya. Napansin niya ako kaya nag-angat siya ng tingin. Lumapit ako sa kanya. "What is it?" seryoso kong tanong. Ramdam kong seryosong bagay ang sasabihin niya. "It could kill him, F," simpleng sabi niya pero milyon ang ibig sabihin. Alam ko. Alam na alam ko. Kaya nga ako nag-iisip ng paraan kahit alam kong wala na talaga. "What's your plan?" Nag-iwas siya ng tingin sa'kin at diretso at malalim ang tingin. "I don't have a plan. Hindi ako makikialam hanggat hindi nailalabas." "What do you think we should do?" I asked, seriously. Kahit alam ko na ang magiging sagot niya at tinanong ko pa rin siya. Nakapamulsa siya at nakasandal sa kotse niya. Malayo pa rin ang tingin na tila hirap na hirap sa pag-iisip. "Keep it. Hindi natin sila kaya sa oras na may ginawa si Ley." We better keep it bago masira ang plano ko. Mawawala lahat ng mga pinaghirapan at mga sinakripisyo ko para rito. Hindi ko lang ito ginagawa para sa sarili ko. Ginagawa ko rin ito para sa kanya. Kahit para sa kanya, walang kwenta ang ginagawa ko. "So you really knew?" Doon siya napatingin sa akin. He shot his head sideways to face me. "Lahat alam ko. I'm aware, Gifflet." Napatango ako. He knows everything but not about my reincarnation. Walang may alam na iba na pala ang may-ari ng katawang ito. I'm not sure if they will believe me once I confess. Sino ba namang maniniwala sa nangyari sa'kin? Noon una, akala ko panaginip din ang lahat pero hindi. Hindi kapani-paniwala ang nangyari sa akin. Malalim ang iniisip ko at hindi ako makatulog. Nakaupo lang ako sa couch dito sa kwarto namin ni Adrienne habang pinapanood siyang natutulog. Ang plano ko noong una, maghihiganti lang ako at tapos na. Pero ngayon, ang layo ng pinag-bago ng plano ko. Naging mas malalim at komplikado. Maraming madadamay na noong una ay wala akong pakialam pero ngayon, wala na. I care about them that much and I couldn't just let them be into this. Iyon ang alam ni Beam na hindi alam ni Ley dahil isa siya doon. Napasabunot ako sa buhok ko because of frustration. Sumasakit na naman ulo ko sa kakaisip nito. "Gifflet?" nakuha ng malamyos na boses ang atensyon ko. Her voice is so soft and comforting. Binalik ko ang tingin sa kama at nakita doon ang babaeng napakaganda sa paningin ko. Nakaupo siya habang hinahanap ako ng mga mata niya. Nakapatay ang ilaw at hindi ko iyon binuksan dahil baka magising siya. "I'm here." Tumayo ako at naglakad patungo sa kama. I sat on it and hugged her waist. Isinubsob ko ang mukha sa leeg niya na parang batang desperado sa atensyon ng kanyang ina. "What happened, hmm?" marahang tanong niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay mga daliri. "I'm so tired. Ang dami kong operasyon kanina." Tapos alas dos na nang makauwi ako. Baka alas tres na ngayon at hindi pa ako natutulog. Inaantok ako pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko para matulog dahil sa pag-iisip ko ng kung ano-ano. "Then sleep." She caressed my back while playing with my hair. Dahil doon ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa malakas ng ring ng cellphone. Tangina. Sino ba 'yon? Istorbo. Inaantok kong inabot kung saan man ang cellphone ko at sinagot iyon na hindi tinitignan ang caller. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at ipagpapatuloy ko na sanang matulog nang magsalita ang nasa kabilang linya. "Where the f**k are you!" it was Beam's voice. Naririnig ko pa ang boses ko Ley sa background. "Bakit ang tagal ng lalaking iyan? Ang daming duming nakakalat dito." Halatang boses ni Ley. Bumalik na nga siya sa rati na parang walang nangyari sa kaniya. "Feeling hari ang gago." "Tumahimik ka nga, Ley. Bakit hindi ka pa umaalis? Asikasuhin mo na ang mga appointment mo at team mo. Ikaw ang kalat dito," rinig kong kontra ni Beam sa kanya. These two. Ngayong nakahanap na ng katumbas si Ley, dalawang tao na tuloy ang sakit sa ulo ko. "Wow. Nahiya naman ako sa'yong mas malaking kalat," sumabat pa ni Ley. Narinig akong parang may umagaw ng cellphone sa kabilang linya. "Ako na nga kakausap, ang tangeks mo, e." "Whatever," bulong ni Beam pero rinig ko naman. "Hoy! Huwag kang piling prinsipe diyan. Asikasuhin mo itong ospital mo! Huwag kang pabigat," malakas na sabi ni Ley na ikinalayo ko sa telepono. Puta, hindi ako bingi. Kung makapagsalita ito parang hindi ako nakakarinig. "Parang hindi ikaw ang pabigat—" "Shut up, Beam!" "Ang iingay niyo. Hintayin niyo ako diyan." I ended the call before I hear them arguing. Nakakairita ang mga boses nila. Si Ley nga na sobrang sumasakit na ang ulo ko, ngayong dalawa pa kaya sila. Tumatahimik na lang ako at napapailing sa tuwing nag-aaway sila sa harapan ko. Si Ley na laging rason na mas mataas daw ang posisyon niya kaya hindj dapat gano'n ang tratong makukuha niya kay Beam since he was my assistant and secretary. Wala namang pakialam doon si Beam at hindi pa rin tinitigil ang trato kay Ley because he knows I will never fire him. Tumayo na ako ng kama pero bago ako tuluyang makapasok ng banyo, may nakita akong sticky note and a note on it. Anong oras na rin, for sure Adrienne went to work already. :> take a shower properly and fix the bathroom after, okay? Napangiti ako ng wala sa oras sa nabasa. Alam niyang magulo ako maligo kaya nasabi niya iyan. Siya lagi ang nag-aayos ng banyo dahil siya ang huling naliligo sa amin kadalasan. Minsan nagsasabay kami pero iba tumutungo kaya tumanggi na siyang sumabay dahil lagi kaming nalalate sa trabaho. "Anong meron? Bakit nandito kayo? Wala kayong mga trabaho o sadyang tamad lang kayo?" Nakataas ang kilay kong nakatingin sa dalawa na ginawa ng bahay ang opisina ko. Nakaupo sila sa couch na parang nasa bahay lang sila habang nasa table 'yung laptop ko at nanonood sila. Nakapatong pa ang mga paa nila sa table na walang suot sa paa. Ang gulo-gulo rin ng damit nila na parang may nangyari. Aba, ginawa pang bahay ang opisina ko. "Hindi ba pwedeng rest hour namin ngayon? Wala ka ngang binigay na day off namin." I glared at Ley. Bumalik na ulit siya sa dating sakit sa ulo. Napailing-iling na lang ako at hinayaang silang gano'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD