Chapter 8

1336 Words
Hindi ako makapaniwala nang ihinto niya ang sasakyan sa parking lot na katabi ng isang restaurant. She's really good at it, huh. Nang tumingin ako sa kanya ay nakatingin na rin siya sa'kin. "You okay?" Tumaas ang kilay ko. I'm not that weak. That made me stop for seconds. Not weak anymore. Hindi na. "You'll meet her here?" tanong ko. "Who said she's her?" Nagtataka ko siyang tinignan. Sabi niya 'yan kanina, a. "You said it earlier." "I never mentioned a name nor the person's sex." Totoo ba 'yon? Malay ko. Pinagkibit-balikat ko na lang iyon at lumabas ng sasakyan. Ako na ang nagbukas ng pintuan niya. If her husband doesn't treats her well, I'll do it myself. She deserves it after all. Binuksan ko ang pintuan niya pero nakatitig lang siya sa'kin. I'm acting weird again, right? "Hindi ka lalabas?" Umiling siya pero lumabas din. I feel like a different person. Pakiramdam ko hindi ako 'yung taong inapi-api lang. paninindigan ko 'to. Aaralin ko muna ang lahat sa may-ari ng katawang ito bago ako magplano sa paghihiganti. Kailangan ko munang alamin kung nasa iisang lugar lang ba kami. Sinara ko ang pintuan bago humarap sa kanya. "What?" tanong ko ng hindi pa rin maiwas-iwas ang titig sa akin. "Nothing." Umiling siya at tumalikod sa'kin. Tumaas ang kilay ko at mabilis na lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang dulo ng dress niyang nakataas at hinila pababa. "Your underwear is showing." Natigil siya at napatingin sa'kin. Nanlalaki ang mga matang tinignan ang sariling bistida. "The dress looks good on you but it's exposing some skin." "You always wanted me to show skin whenever we go out." Nagtagal ang titig ko sa kanya. Klarong-klaro ang kulay ng kanyang mga mata sa paningin ko habang nakatitig sa kanya. It reminds me of someone I knew. "Then I don't want it anymore. Wear whatever you want, just not those offensive clothes." Nagtagal ang tingin niya sa'kin at tumango na rin. "Who are going to meet?" "A friend," tipid niyang tugon. "A guy?" Tumango siya. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at sinamahan siya sa loob ng restaurant. Sabi kong ihahatid ko lanb siya but I ended up going with her. Saan naman ako pupunta pagkatapos? Hindi nga ako sigurado kung naisaulo ko ba 'yung dinaanan namin kanina. Nasa harap ko siya at nasa likod lang niya akong nakasunod sa kanya. Now I know our heights difference. Hanggang balikat lang siya ng may-ari ng katawang ito at ang liit pa ng pangangatawan ng babaeng ito. Matangkad din naman ako noong buhay pa ako. Habang naglalakad kami ay may tumawag ng pangalan niya. Sabay namin itong hinanap at hindi kami nahirapan dahil kumakaway ito. Gaya ng sabi niya, lalaki ito. Sumunod ako sa kanya nang maglakad siya patungo doon. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napansing pangmamahalin ito. "You came, Adrienne!" I was taken a back hearing that name. She's who? Her name's Adrienne? Tumingin ako sa lalaki at ang lawak ng ngiti nito. Umupo ang asawa ng may-ari ng katawang ito sa kaharap nitong upuan. Saka lang ako napansin ng lalaki nang umupo ako sa tabi ng babae. I know her name but we're not close to call her by her name. It's just weird. Nawala ang ngiti ng lalaki at takang tumingin kay Adrienne. Wala namang problema kung tatawagin ko siya sa pangalan niya, hindi ba? Tumingin siya kay Adrienne at sa akin. Nang tumingin ako kay Adrienne ay nakatingin lang din ito sa akin. "You can go home now. Uuwi na lang akong mag-isa mamaya," she said. Nagduda pa ako noong una pero pumayag din. They have rights for their privacy after all. Hindi naman niya siguro niloloko ang asawa niya, 'di ba? "Susunduin na lang kita mamaya. Text me after..." That's when I realized I don't have a phone. Ba't hindi ko naisip iyon? Meron sigurong telopono ang may-ari ng katawang ito, hindi ko lang alam kung saan. Kinuha niya ang bag niya at may kinalkal saglit doon. May kinuha siyang cellphone mula doon at inabot sa akin. Taka ko siyanh tinignan. "Your phone. Alam kong lagi mo 'yan dala at nagtaka ako nang iniwan mo lang kanina." Kinuha ko iyon nang sabihin niyang pagmamay-ari ko raw. I mean, the body's owner. But for now, akin na muna dahil ako ang nasa katawan niya. "Okay, text me after." Tumingin muna ako sa lalaking kasama niya bago tumalikod. "That's new. He's not jealous now?" narinig kong sabi ng kasama niya. The body's owner is possessive? Why is that? Hindi naman sila magtatalik sa harap ko, 'no? Sa bagay, I never felt jealous before. Because I trusted Shaniah before so much na ako lang. 'Yon pala parang ako 'yung naging kabit. Tumigil muna ako nang makarating sa tapat ng sasakyan at sumandal doon. Tumingala ako at nag-isip. What now? Ano ng susunod kong gagawin? Kailangan kong simulang pag-aralan ang taong may-ari nito para alam ko ang gagawin ko. Right. Binuksan ko ang pintuan ng driver's seat at nagdesisyong bumalik ng bahay. Baka may makakalap ako doon. Umupo ako sa driver's seat at nagpalipas muna ng ilang minuto doon. I opened the phone and was confused. Walang password. Ang pangit pa ng lock screen. Who is this? Tumaas ang kilay ko sa babaeng nasa lock screen. This isn't his wife. So he's really cheating? I tsked and opened the phone. Pinalitan ko ang lock screen pati na rin ang home screen. Parehong babae. Hindi man lang ba siya mahihiya sa asawa niya. He's disrespecting her so much. When I go through the phone, I received a call from someone. It named Trinity and obviously it's a girl's name. Nagtaas ako ng kilay and ignored the call. Hindi ko siya kilala. Kung kilala siya ng may-ari ng katawang ito, ako hindi. Tumawag ulit 'yung babae but I kept ignoring the call. Pumunta ako sa messages at punong-puno ito ng mga unread messages. Marami ring missed calls. Isa-isa ko iyong binasa. From Dr. Viray: Doc, the operation will start at 8:00 but your not here yet. Doc, are you coming? Mag-aassign na lang ako ng ibang doctor na gagawa kapag hindi ka pupunta. From Trinity: What the f**k, Gifflet? Why aren't you answering my calls? I scrolled up to read some more messages from whoever this Trinity was. From Trinity: Hey, are you coming tonight? I'll cook you dinner. You know I'm better than your wife. Come over, I'll make you happy. Marami pang ibang mensahe galing sa kanya pero hindi na ako nag-abalang basahin pa. So she's the mistress? Now I loathe cheaters. I was cheated before and I don't want that to happen to others. I ignored the mistress's messages and focused with others. Maraming nagmemessage sa kanya tungkol sa operasyon kanina. He's really a surgeon. Now that I'm thinking, I have to act like him but I never had a training before. I may be graduated but I'm not a professional. I mean, I may be passed but... I'm not sure I can do it. Nagtingin-tingin ako sa paligid. Baka mabangga ako mamaya. Sinimulan kong paandarin ang sasakyan. Uuwi na muna ako para mangalap ng impormasyon. Para akong isang nag-iimbestiga ng isang kaso. I focus driving. Kahit hindi ko saulo ang daan. Ang bilis magmaneho ng babaeng 'yon. Kaya wala akong nakitang aalahanin ko. Sa huli ay nagawa ko ring makauwi. Nahirapan pa ako sa pagmamaneho at paghula ng daan. Tinigil ko ang sasakyan sa harap ng bahay. Aalis din naman ako mamaya para sunduin ang asawa ng may-ari ng sasakyan. I just had my driving experience. Kahit ang bagal ng pagmamaneho nakaabot pa rin. Tinitigan ko muna ang bahay. Ang laki ng bahay. Dalawang palapag lang pero malawak. Sayang at dadalawa lang ang nakatira. Wala talaga silang anak? Pumasok na ako ng bahay. Ang una kong tinignan ay ang mga larawan nila. Karamihan doon ay pilit ang ngiti. Sa lalaking may-ari lang ng katawang ito ang hindi. He never smiled even in pictures. Talagang seryoso lang at malamig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD