Chapter 39

2617 Words
"Are you okay now?" tanong ko makalipas ng ilang minuto. Naksubsob pa rin ang mukha niya sa kaliwang parte ng leeg ko at mahigpit ang pagkakapulupot ng mga braso sa leeg ko. Hindi siya sumagot. Buti na lang at kumalma na siya. Kung alam ko lang na ganito siya magselos, I shouldn't have done that. Para siyang batang nagtatampo. Ano na lang ang sasabihin ng tatay niya kapag nakita niya ang anak niyang umiiyak dahil sa'kin? Hindi ko tinigil ang paghaplos sa likod niya, I keep doing it. Minsan pinapasadahan ko ang likod niya gamit ang mga daliri ko at minsan naman ay ang buong palad ko. "Feeling better?" Marahan siyang tumango at naramdaman ko iyon. "Kain na tayo?" "Later please..." I chuckled the way she talked. Ang hina at parang nagpapababy. Nagpapababy sa'kin. Ang sarap namang isipin iyon. Sa'kin siya nagpapababy. "May trabaho ka pa, hmm..." "That can wait...five minutes more please." Natawa ako klase ng pagkakasabi niya. Like she's asking and begging. So adorable. "You're making me hard, Adrienne," bulong ko sa tainga niya. Mabilis siyang napalayo sa'kin. Pinatong niya ang mga kamay sa braso ko at tinitigan ako para kumpirmahin kung seryoso ba ako o hindi. Tumingin siya sa baba, where my member exactly is. Natawa ako at tinaas ang baba niya para ako ang tignan niya. "You can't stare at it. Baka tuklawin ka." "Do... you want me to do something?" inosente niyang tanong pero alam ko ang ibig sabihin. Napadaing ako. "No. Hindi mo kailangang dumihan ang bibig mo just to please, hmm?" "But you always wanted that..." Napadaing ulit ako, frustrated. That's not me and if I were him, hindi ko hahayaang gawin niya ang gano'ng bagay. I value and cherish her as much as her parents do. "Still no. Men don't let their women on their knees, it's an act of disrespecting." "So you disrespected me before?" she asked, naniningkit ang mga mata sa akin. "No. Because that wasn't me. Remember this, Adrienne." Hinawakan ko ang magkabilang hilid ng leeg niya at diretso ang tingin sa mga mata niya. "Mula noong gabing nagising akong walang saplot at tinarayan mo ako noong nagising ka, hindi na ako 'yung dating lalaki na iyon. You understand?" "What do you mean? Na mula noong gabing iyon, nagbago ka na?" kuryosong tanong niya. "Yes," tipid kong tugon. I can't tell her yet. At kapag sinabi kong hindi at ibang lalaki iyon, mas mahabang paliwanag ang kailangan kong ihanda. "So let's eat?" Ngumuso siya at tumingin sa baba, kung saan diretso ang p*********i ko. "Paano 'yan?" "I can control myself. Now, stop talking and let me calm for a bit. Boses mo pa lang tinitigasan na ako." "Posible ba 'yon?" taka na naman niyang tanong. Bumuntong hininga ako na nakangisi. "Oo. Voice can make a male horny. Kaya kapag nagsalita ka ulit, hindi ka na makakaalis mula rito na nakakalakad pa. You want that, hmm?" Mabilis siyang umiling at hindi talaga nagsalita. Natawa ako sa asta niya. "Now, let's eat." "Nakaset na ang schedule mo kasama si Doctor Wilson sa isang heart transplant surgery. Pumayag na rin si Ley kahit tutol talaga siya rito," imporma sa'kin ni Beam. Naglalakad-lakad ako para magcheck sandali since wala na akong paper works. Gusto kong tignan at obserbahan ang kilos ng mga doctor dito. Hindi ko na nagawa noon dahil sobrang tambak ang paper works. Tumango ako kay Beam. "When?" "The day after tomorrow. 3 pm and it will take 4 to 6 hours. It depends how you work." Then he smirked like he's challenging me. "Whatever. I will take my time and don't expect me to finish it sooner. Gusto ko pang makasama si Doctor Wilson sa surgery room." "Nabakla ka na niyan?" Mabilis akong napatingin kay Beam. Nakatitig kami sa malaking window glass at sa loob ng room ang ang mga sanggol na may problema sa puso. I feel bad for these babies. "Gago. You know I'm not attractive to d***s. I prefer p***y more." Humalakhak siya sa naging sagot ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi iyon sapat para tumigil siya sa kakatawa. "Malay ba naming bakla ka. Baka nagpapanggap lang kayo ni Adrienne." "Gago ka talaga." It took time before he stopped laughing. Buti at wala si Ley dito. Paniguradong hindi na iyon titigil sa kakaasar sa akin. "By the way, naalala mo pa ba 'yung sinabi ko tungkol sa ama mo? He's setting an appointment. Dinner to be exact, isama mo na rin daw ang asawa mo." Napabuntong ako ng hininga. Ano bang problema ng matandang iyon? Hindi ba niya makuhang ayaw ko siyang makita? Hindi siya ang tatay ko at kahit ang sarili ko ngang ama ayaw kong makita. Nakikita kong may pagkaparehas sila ni dad. Strikto at gusto ng perpekto. "Oh f**k him. Ano bang sasabihin niya at mapilit ang butsi niya?" inis kong usal. Sinong hindi maiinis? Mapilit ang puta. "You really keep surprising me. Kailan ka pa natutong ganyanin ang ama mo? Sa kanya ka nanggaling, sperm niya ang bumuo sa'yo tapos ganyan mo siya itrato," aniya na parang hindi makapaniwala. "Hindi ko naman hiningi ang sperm niya. Anyways, list my schedule for the appointment he's setting. I'll give him some time. Who knows he missed me so much." "Pwede rin. Siya nga pala, I saw Trinity yesterday. Malaki ang tiyan parang buntis. Sa tantsa ko ay parang apat na buwan na." Nakuha nu'n ang atensyon ko. May nakarelasyon si Trinity noon? Bigla akong nakabahan. Hindi pwede ang iniisip ko. Kita ko sa mukha ni Beam na parehas kami ng iniisip. Alam naming lahat na limang buwan ang nakakalipas ay kasagsagan ng pagloloko ng tunay na may-ari ng katawang ito. Binalot ako ng matinding takot. Hindi pwede. "You're doomed, Gifflet." Malalim ang isip ko at hindi man lang napansing nasa tabi ko na si Adrienne. Paano kung sa kanya iyon? Ako ang aako at paniguradong ilalayo nila mula sa akin si Adrienne sa oras na masaktan ko siya. I promised. I f*****g promised them to not hurt her whatever happens. Natatakot akong mawala siya mula sa akin. Hindi lang siya ang mawawala, pati ang mga plano ko masisira. "What are you thinking?" Nakuha ng boses niya ang atensyon ko. I shot my head sideways to see her. "Nothing. Just thinking some works," rason ko. Should I tell her? But I can't afford to lose her. Mawawala siya mula sa'kin habang buhay. She can file another annulment like what she did before. Good thing hindi ako pumirma. "It's time for bed tapos trabaho pa rin ang iniisip mo? Ang sipag naman ng asawa ko." Napangiti ako ng malawak. Nawala na rin sa isip ko ang tungkol kay Trinity. "Syempre, masipag din ang asawa ko, e." Humagikhik siya na parang bata. Hinila ko siya at hiniga rin sa kama. "Let's sleep for now." Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para matulog nang may naalala ako. "Siya nga pala, dad wants to have dinner with us. Sama ka?" Nag-ngay siya ng tingin sa akin. "Oh? Kailan daw?" "Sa Sabado pa. Come with me?" "Sige. Babakantehan ko ang oras ko sa Sabado. May sasabihin ba siya?" "I don't know. Gusto raw niya akong makita. You think it's all about the hospital? Kung iyon man, hindi ko ibibigay ang ospital sa kanya. Dugo at pawis ng mga magulang mo ang sinakripisyo nila para sa ospital," mahaba kong lintiya. Alam kong kahit walang alam si Adrienne sa paghahawak sa ospital, she still treasures and values it. At lahat ng pinapahalagahan niya, papahalagahan ko rin. Though noon pa lang ay pangarap ko nang magpatayo ng sarili kong ospital. I was inspired by him. Dahil sa kanya rin ako humanga at dahil sa kanya kaya ito ang naging passion at pangarap ko. "I'm glad you appreciate it. Hindi ko inakala na may parte ka rin pa lang mapagpahalaga." "Of course, asawa kita, e. Lahat ng pinapahalagahan mo, pinapahalagahan ko rin. Gano'n dapat ang mag-asawa hindi ba?" Gumalaw siya at inayos ang pagkakahiga. "Yeah. You know, dad and mom were always sweet. I can see their love for each other. Naiinggit ako sa kanila at pinangarap ko ring maging gano'n ang relasyon ko sa magiging asawa ko. Gano'n din lagi ang bilin ni dad pero sa huli, pinakasal din pala ako sa lalaking hindi ko mahal. Sobrang sama ang loob ko sa kanila dahil doon." That's what his father said to me. They hurt Adrienne first. Kaya sinisisi rin nila ang mga sarili nila dahil sa nagawa. "Sabi ng dad mo, may kaibigan ka raw noon?" I asked, curios. I have a thought who is it pero gusto kong marinig iyon mismo mula sa kanya. Nag-isip siya ng bahagya na parang hindi sigurado kung sasabihin ba niya o hindi. Sa huli ay bumuntong hininga siya. "Hmm. I have a friend, I mean best friend before. I really like him to the point I promised to marry him someday, pero hindi aayon sa amin ang tadhana," mapait niyang kwento. Now I know. "Nilayo ako ni dad at mom mula sa lugar kung nasaan siya. Sinubukan namin siyang hanapin pero wala na siya. Hindi na namin mahanap." "How old are you then?" I asked. "I think around nine or ten, I can't remember." That's the year where I was in America. Pinaaral ako ni dad doon ng tatlong taon dahil ayaw niya akong nakikita sa bahay. Wala akong kasama at ako lang mag-isa. Iyon ang pinakapangit na nangyari sa buhay ko. Impyerno ang naging buhay ko sa America. Ni hindi nga nila ako kinakamusta. Eleven, eleven pa lang ako noon. Nagsimulang bumalik sa alaala ko ang masakit at mapait kong nakaraan. Hindi lang gano'n kababaw 'yung naging buhay ko, it feels like it's life and death situation. No, gano'n na nga iyon, e. Kahit gano'n man ay kinaya ko. 'Yung sobrang bata pa lang nagtatrabaho na. Tinagilid ko ang ulo ko para malimutan ang mga bumalik na alaala. "Is he a boy?" I asked once again. Tumango siya at marahang ngumiti. "Yep. Siya rin 'yung pinangakuan ko ng kasal noon." "Now I'm jealous." Lumamlam ang mukha niyang sobra kung makangiti kanina. She really likes that boy, huh. "Eh. Huwag mo nang pansinin. Matagal na rin iyon at wala na kaming balita sa kanya. Naiisip ko ngang hanapin ulit siya pero para saan pa? Para ipamukha sa kanyang hindi ko matutupad ang pinangako sa kanya?" Oo nga naman. Malalim akong huminga. Ang bigat ng loob ko. "Seryoso, Adrienne, nagseselos na ako." I'm just kidding. Hindi ko naman iyon pinagseselosan. Ba't ko naman pagseselosan ang sarili ko. Natawa ako nang yumakap siya ng mahigpit sa akin. "Pero syempre ikaw ang asawa ko kaya sa'yo lang ako, hmm?" "Handa na ba lahat?" tanong ko kay Beam habang inaayos ang surgical gloves ko. Ngayon na ang operasyon ko with Richard. Let's see kung saan napunta ang pangongopya niya sa akin. Baka kung saan-saan lang pala napunta. Walang silbi. "Yes. Handa na ang lahat, pwede ka na ngang magsimula ngayon na, e," sarkastiko niyang sambit. Ngumisi lang ako bilang sagot. "Where's Ley? Parang hindi ko siya nakikita." Saan nga ba ang lalaking iyon? Ba't parang nawala? Isang araw kong hindi nakita, a. He shrugged. "Siya ang nag-ayos lahat ng kakailanganin mo. He even glared at Richard for a long time. Wala siyang tiwala sa inyong dalawa sa operasyon niyo. Mas lalo na at hindi ka nagpe-perform ng surgery. Papatayin ko ang pasyente niya. Baka ma depress na naman iyon." Naiiling siya habang may ngisi sa mga labi. Oo nga naman. Walang tiwala 'yon sa'kin when it comes of surgeries. "Wow. Hindi mo talaga alam magtikom ng bunganga mo, 'no?" Napatingin kaming sabay sa pintuan ng opisina ko. It was Ley. Masama ang tingin kay Beam dahil sa sinabi niya. Nagkibit balikat ako at nginuso si Beam nang samaan niya rin ako ng tingin. Bahala silang mag-away dalawa. "Bakit? Totoo naman, a." "Kung sampalin ko kaya 'yang itlog mo at mabaog ka." Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Ley. Pigil ang tawa ko lalo na at naging pula ang mukha ni Beam. "E kung tanggalin ko 'yang itlog mo? Tignan natin kung makakaranas ka pa ng sarap." Nag-ambahan sila ng suntok. Parang mga bata. "Tumigil nga kayo. Magsisimula na ang surgery ko, handa na rin ba si Doctors Wilson?" tanong ko na kumuha ng atensyon nilang dalawa. Sabay silang tumingin sa'kin at inayos ang mga sarili. Ngayon naman ay ang surgical bouffant ang inayos ko. Binulsa ko muna ang surgical mask para mamaya ko na gagamitin, hindi pa naman nagsisimula. "He's ready. He even said that he could do it all by himself that he doesn't need someone with him performing the surgery. How arrogant," Ley mocked. "Akala mo naman kayang gawin mag-isa." Napatango-tango ako. Is that so? Ang yabang nga. Ni hindi nga niya inaral ang field na ito though he can perform surgery if he has a lot of knowledge about this. Kapag experienced na siya. "Then lead me to him. I want to talk to him before the surgery starts." Tumango si Ley at tumalikod para igaya ako. Sumunod si Beam sa likod ko na tahimik lang. Tutol pa rin ang tukmol na ito? Whatever. Hindi ko naman ipapahamak ang pasente, I just want to perform a surgery with my ex best friend. Mali ba 'yon? "Bakit sumusunod ka, Beam? Aso ka ba?" inis na tanong ni Ley nang mapansing sumusunod si Beam. Ito na naman sila. Subukan lang nilang magsigawan at mag-away sa harap ko, uuntog ko ang dalawang ito. Beam sarcastically laughed. "Napakademonyo mo talaga. Gusto ko lang abangan ang surgery ng boss mo." "Aba, ang kapal naman talaga ng mukha mo, 'no? Bakit? Hindi mo rin ba siya boss?" Sinamaan ko ng tingin ang dalawa. Mas lalo na si Beam, sinong boss nito kung gano'n? Habang naglalakad kami sa hallway ay nagsasagutan ang dalawa. Naririndi na rin ako. Buti na lang at wala masyadong taong dumadaan. Since may sarili akong opisina, doon na ako nagbibihis before surgery. Hindi ko na kailangang pumuntang locker room kung saan nagbibihis ang mga normal na doctor. Ako at ang mga director lang ang may sariling opisina. Si Ley meron din, meron ngang kwarto rin doon pero rito siya natutulog since mas malapit sa girlfriend niya. Minsan din doon na siya natutulog sa private room ng girlfriend niya. May hospital bed siyang nilagay doon na extra para doon matutulog. "Tumahimik ka, Ley. Mas matanda ako sa'yo at dapat na igalang mo ako," sumbat ni Beam kay Ley. Tanginang dalawang ito. Pag-untugin ko kaya para manahimik. Dinuro ni Ley si Beam na bakas ang inis sa mukha. "Hoy, matanda, isa ako sa director ng ospital na ito at isa lang ang ibig sabihin nu'n, boss mo rin ako!" Hindi ko pinansin ang dalawa at nauna nang pumasok sa locker room, kung saan nagbibihis si Richard. Pagkabukas ko ng pintuan ay eksaktong nabungaran ko siyang may kahalikan. Mabilis silang napatingin sa'kin at kita ko ang gulat sa mga mata ni Richard. Binaling ko ang mga mata kay Shanaiah na hindi ko man lang makitaan ng gulat, ngisi lang niya ang nakikita ko sa mukha niya. Na parang pabor pa sa kanyang nakita ko sila. Nakasandal siya sa mga lockers habang nakakulong sa mga braso ni Richard. Sa gilid niya ay nakatukod ang dalawang braso ni Richard, restraining her from escaping. "Ay, gago." "Oh fuck." Mura ng dalawa nang makita rin ang ginagawa nila kanina. Dahan-dahang lumayo si Richard mula kay Shanaiah na malawak ang pagkakangiti. Pinasadahan ko ng tingin si Richard, he's wearing the surgical bouffant and gown but not the gloves and mask. Paano sila maghahalikan ni Shanaiah kung suot niya na ang mga iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD