Unti-unti nang napuno ng mga tao ang function hall.
Ang kaninang tahimik na venue ay naging abala sa ingay ng mga pag-uusap, mahihinang tawanan, at mga yabag ng sapatos sa makintab na sahig. Mula sa pwesto namin sa coffee station, kitang-kita ko ang pagdating ng mga bisita na tila sanay na sanay sa ganitong klaseng pagtitipon.
May ilang guest ang agad na dumiretso sa registration booth. Ang iba naman ay nagkumpulan malapit sa event backdrop habang nagpapakuha ng litrato kasama ang kanilang mga kasamahan. Sa kabilang bahagi ng hall, may mga empleyadong nakasuot ng corporate attire na hawak ang kani-kanilang conference kits at abalang nag-uusap tungkol sa mga meeting na para bang hindi pa sapat ang oras sa trabaho para pag-usapan iyon.
Samantala, sa coffee station, halos hindi na kami mapakali.
“Two iced lattes.”
“One cappuccino.”
“Can I get an extra shot of espresso?”
Sunod-sunod ang orders habang mabilis na gumagalaw ang mga kamay namin ni Serene. Ilang beses na rin akong muntik malito sa dami ng cups na kailangang ihanda, ngunit sa kabutihang-palad ay wala pa naman akong natatapong kape sa kahit kanino.
“Proud ako sa’yo,” sabi ni Serene habang inaabot ko ang isang order. “Alam mo simula pa kanina hindi ka pa yata nakakagawa ng problema.”
Napatingin ako sa kanya.
“Napakataas naman ng tingin mo sa akin.”
“Nakakapanibago lang.”
Napailing ako habang inaabot ang isang paper cup sa guest.
Makalipas ang ilang minuto, bahagyang humupa ang pila sa harap ng booth. Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon upang ayusin ang ilang takip ng cups na halos maubos na.
“By the way,” kaswal na sabi nya habang naglalagay ng bagong batch ng pastries sa display, “Nakapag-isip ka na ba tungkol sa internship?”
Napabuntong-hininga ako.
“Ayan na naman tayo.”
“Anong ayan na naman tayo? Malapit na kaya yon.”
“Alam ko.”
“Talaga ba? Mukhang hindi mo pa rin alam.”
Napangiti ako.
Sa dami ng beses na namin napag-usapan ang bagay na iyon, pakiramdam ko kabisado na nya ang bawat posibleng dahilan na maaari kong ibigay.
“I mean, may naiisip ka na bang kumpanya?” tanong ulit niya.
Umiling ako.
“Wala pa rin.”
“MGC? Siguro, sa isang linggo na sweldo, kaya nang buhayin ang isang buwan nating gastusin?” biro niya.
Mabilis akong napatingin sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit may kung anong awtomatikong umigting sa loob ko tuwing naririnig ko ang pangalang iyon.
“Ayoko! Ikaw na lang kaya?”
“Actually, balak ko nga sana,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan.
Napakurap ako.
“Ha? Seryoso ka talaga?”
“Oo naman. Mag-a-apply ako sa internship program nila.”
Bahagyang tumaas ang isa kong kilay.
“Practical lang. Ang laki kaya ng kumpanya nila, at maganda rin ang training na makukuha roon.”
Napabuntong-hininga na lang ako. At mula sa malaking LED screen sa harapan ng hall, muling lumitaw ang logo ng foundation.
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang magsumite ako ng scholarship application doon at hindi ako napabilang sa mga napili. Isa ang Aurelia Foundation sa mga pangunahing scholarship programs na pinopondohan ng MGC para sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong pinansyal.
Hindi naman iyon ang pinakamasakit na rejection sa mundo.
Ngunit may mga pagkakataong ang isang pagtanggi ay hindi lang tungkol sa oportunidad na nawala, kundi tungkol din sa pangarap na patunayan na kaya mong mag-isa kahit matagal ka nang naiwan sa gitna ng mga desisyong hindi naman ikaw ang gumawa.
“Huwag mo nang simulan,” sabi ko.
“Ako pa talaga?”
“Oo. Ikaw pa.”
“Fine.”
Ngunit halata sa mukha niya na wala siyang balak tigilan ang usapan.
“Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang may personal na galit ka MGC.”
“Hindi ako galit.”
“Talaga ba?”
“Hindi nga sabi.”
“Dahil na naman sa scholarship ng Aurelia Foundation na hindi mo nakuha?”
Napatawa ako.
“Okay, siguro medyo.”
“Akala ko ba hindi ka bitter?”
“Huwag mong sirain ang araw ko, please lang!”
Tumawa siya habang umiiling.
Sa kabutihang-palad, bago pa niya maipagpatuloy ang pang-aasar, nagsimulang tumahimik ang buong hall.
Unti-unting nagsibalikan sa kani-kanilang mesa ang mga guest habang ang spotlight ay tumuon sa malaking entablado sa harapan.
Mukhang magsisimula na ang programa.
Mula sa stage, narinig ang magalang na pagbati ng host kasabay ng palakpakan mula sa audience.
Napatingala ako sandali bago muling bumalik sa pag-aayos ng mga cups.
Kung tutuusin, dapat yata ay interesado ako sa conference. Dahil Business Administration ang kurso ko.
Ito ang klase ng event na karaniwang gustong puntahan ng mga estudyanteng katulad ko upang maghanap ng koneksyon at oportunidad.
Ngunit sa sandaling ito, mas interesado akong malaman kung sapat pa ba ang stock namin ng paper cups kaysa sa long-term vision ng isang multinational corporation.
At mukhang hindi lang ako ang may ganoong pakiramdam.
Dahil nang muli akong tumingin sa harap ng booth, may isang tao nang nakatayo roon.
Tahimik.
Mag-isa.
At tila walang interes sa kung anuman ang nangyayari sa paligid.
“One Americano, please.”
Malalim ang boses niya, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, agad niyang nakuha ang buong atensyon ko.
Napatingala ako at agad na natigilan. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin sa kanya.
Marahil isa.
Marahil dalawa.
For a brief, embarrassing second, I completely lost my brain.
Matangkad siya.
Naka-suot ng dark suit na simple lang tingnan ngunit halatang expensive. Malinis ang pagkakatabas ng buhok, matangos ang ilong, at may dark eyes na mahirap basahin.
He wasn’t smiling.
If anything, he looked intimidating.
The way he carried himself spoke of quiet authority, iyong klase ng presensyang hindi kailangang magpakilala para lang mapansin.
At sa hindi ko maintindihang dahilan, iyon ang mas nakakuha ng atensyon ko kaysa sa mukha niyang puwedeng ilagay sa billboard ng luxury watch brand.
Bigla tuloy akong naging aware sa sarili ko, sa pawis na kumakapit sa gilid ng noo ko, sa buhok kong ilang oras nang nakikipaglaban sa stress, at sa apron kong malamang ay may bahid pa ng syrup.
Pakiramdam ko, isang mahabang duty na lang ang pagitan ko sa tuluyang pagiging zombie. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ako ang mas nangangailangan ng kape sa aming dalawa.
Grabe naman!
Halos hindi ko na namalayang nakagawa na pala ako ng full character analysis sa isip ko imbes na kunin ang order niya.
“Noted po, Sir,” sagot ko, mabilis kong kinuha ang paper cup bago pa tuluyang mawala ang natitira kong professionalism.