bc

Love, Maria

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
one-night stand
HE
opposites attract
single mother
heir/heiress
lighthearted
office/work place
small town
love at the first sight
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Maria has always believed that hard work could take her anywhere.

As a working student, she spent years balancing classes, part-time jobs, and impossible deadlines, and the constant struggle of making ends meet, romance is the last thing on her mind.

Then she met Gael.

She fell in love with a man who never told her who he really was. By the time Maria learned the truth, she had already lost more than her heart.

And when their paths crossed again, she realized that some secrets are powerful enough to change everything. And neither of them is prepared for what happens when love gets caught between ambition, pride, and the truth.

Because sometimes the person who changes your life is the same person who can break your heart.

“And our love story is like coffee brewed before it was ready, rushed by circumstance, tested by time, yet worth every sip in the end.”

Love, Maria

chap-preview
Free preview
one
It’s a brutal Monday morning. Yung tipong kahit kakasimula pa lang ng araw, parang pagod ka na agad mabuhay. Punuan ang kalsada ng mga estudyanteng nagmamadali para sa kanilang unang klase, mga empleyadong may hawak na kape na parang iyon na lang ang dahilan kung bakit sila gumagana, at mga sasakyang walang tigil sa pagbusina kahit hindi naman talaga gumagalaw ang trapiko. And here I am, nakikipaghabulan sa kamay ng orasan. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagmamadali ako, mas lalo pang bumibilis ang oras. At mula sa kabilang bahagi ng kalsada, kitang-kita ko ang bus na unti-unti nang umaandar palayo sa sakayan. Kung normal na araw ngayon, marahil ay tatanggapin ko na lang ang pagkatalo at maghihintay ng susunod na masasakyan. Ngunit, late na ako, at kapag late ka na sa trabaho, wala ka nang karapatang maging choosy. Tumakbo ako nang hindi iniisip kung ano ang itsura ko sa paningin ng ibang tao. Ang mahalaga lang sa sandaling ito ay maabutan ko ang bus bago pa ito tuluyang makalayo. “Manong! Sandali lang!” I yelled breathlessly, halos madapa na ako sa sobrang pagmamadali habang pilit na hinahabol ang pinto ng bus while my bag slammed against my side. Bumagal ito nang bahagya. Sapat lang para makasabit ako. Saglit lang akong nilingon ng driver na para bang sanay na siyang may mga commuter na desperadong humahabol tuwing umaga. Mahigpit akong kumapit sa bakal ng entrance before the bus completely pulled away, hauling myself inside with what little dignity I had left. My lungs burned from the effort as I stumbled, earning a few irritated stares from passengers who clearly weren’t surviving Monday any better than I was. “Bayad ko po,” hingal kong sabi habang inaabot ang aking pamasahe. I pushed a strand of hair away from my face and leaned against the pole, trying to catch my breath. My reflection flashed faintly against the bus window, na para bang mukha na akong nakaligtas sa digmaan. I leaned my forehead against the cool glass and closed my eyes for exactly three seconds before my phone buzzed inside my pocket. Serene. Of course. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino. “Nasaan ka na?” bungad agad niya pagkasagot ko. Wala man lang kumustahan. “Don’t tell me late ka na naman.” Napabuntong-hininga ako habang mas hinihigpitan ko pa ang kapit sa handrail na para bang konting galaw ko lang ay mawawalan na ako ng balanse. “Good morning din sa’yo!” mahina kong sagot habang sinusubukan kong hindi niya marinig na tunog naghihingalo na ang paghinga ko sa pagod. “Traffic kasi.” “Maria, araw-araw namang may traffic.” I rolled my eyes despite the smile tugging at my lips. “Malapit na talaga ’ko.” Narinig ko siyang huminga nang malalim sa kabilang linya. Para bang paalala iyon na mayroon pang mas malaking problema. “Well, hurry up. Ma’am Celeste is already in a bad mood, and you know how she gets when someone’s late.” Napapikit ako. Great. Dito umiikot ang libreng oras ko, coffee orders, mabilis na kilos, at mga customer na sanay sa caffeine kaysa sa pahinga. My part-time job was at a small café downtown, yung aesthetic na café na puro glass walls, warm lights, at overpriced coffee na kahit empleyado ako, hindi ko afford bilhin regularly. But the pay was decent. And decent was enough kapag college student ka na isang breakdown na lang ang pagitan sa pagiging financially stable at instant noodles for one week straight. Pagkababa ko ng bus, tinakbo ko agad papunta sa kabilang bahagi kalsada habang mahigpit na yakap ang aking bag. I checked the time on my phone. Three minutes. “Kayang-kaya ’to,” bulong ko sa sarili kahit obvious namang hindi. Hindi ko alam kung optimistic lang ba ako o sadyang delusional lang nang sabihin ko sa sarili kong kaya ko pang umabot. Huminga ako nang malalim bago muling tumakbo papunta sa café na matatagpuan sa dulo ng kalsada, tahimik na nagdarasal na sana hindi ako mapatay ni Ma’am Celeste bago mag-lunch break. Pagkapasok ko pa lang sa café, agad akong sinalubong ng tunog ng coffee grinder, blender, at mga boses ng staff na nagmamadali. Mukha nang giyera ang buong café. “Maria!” sigaw ni Serene mula sa counter habang may hawak na dalawang paper cups at clipboard sa kabilang kamay. “Finally!” “I know, I know, sorry na late na ’ko,” hingal kong sabi habang nagmamadaling isinusuot ang aking apron. “Forget being late. We have a bigger problem.” That sentence alone already gave me anxiety. Lumapit ako sa counter habang nagtataka. “Anong nangyari?” She stared at me for a second. “Wait lang.” Napakunot-noo ako. “Ano?” Umikot siya sa harap ko at sinuri ako mula ulo hanggang paa. “Ano na naman?” Napailing siya habang nakahalukipkip. “Tingnan mo nga yang sarili mo. Mukha kang nakipagsuntukan sa hangin.” Napasinghap ako. “Excuse me?” “Look at you.” Itinuro niya ang buhok kong halos may sarili ng buhay. “Maria, alam mo ang ganda mong babae. Pero bakit pinipilit mong magmukhang bruha?” Napabuntong-hininga ako at mabilis na inayos ang ilang hiblang buhok na dumikit sa pawisan kong noo. “May tinapos kasi akong presentation kagabi.” “Again?” “Group presentation sana ‘yon. At dahil useless ang karamihan sa groupmates ko, ako na naman ang sumalo.” Napailing siya. “Ikaw na talaga. Ayusin mo na lang yang sarili mo bago ka makita ni Ma’am Celeste.” Napadilat ako. “Ganun ba kalala?” “One bad mood away na si Ma’am sa pagre-retire sa’yo nang sapilitan.” “Grabe ka naman.” “Hindi ako nagbibiro. Ayokong mawalan ng katrabaho.” Napatawa ako kahit pagod. “Ay, concern ka pala.” “Concern ako sa sarili ko. Kapag natanggal ka, sinong sasalo sa closing shift ko?” “Wow! Napakabait mo talagang kaibigan.” “Thank you.” Sagot nya ng hindi man lang nagkunwaring nahihiya. Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko, saka niya itinuro ang likod ng café kung saan abalang-abala ang mga kitchen staff. “We have a bulk orders nga pala.” Napakurap ako. “Gaano karami?” “Two hundred cups lang.” Natigilan ako. “…Ha?” “Two hundred,” ulit niya habang mukhang gusto na ring mag-resign. “Valencia Holdings booked us for their executive conference.” Nanlaki ang mata ko. “Dalawang daan na kape?” “Plus pastries.” Napahawak ako sa dibdib. “Patayin niyo na lang kaya ako.” Napatawa si Serene bago ako hinila papunta sa counter. “No time. Ma’am Celeste is already one inconvenience away from committing a crime.” Parang summoned by stress, lumabas si Ma’am Celeste mula sa kitchen na may hawak na clipboard. At base pa lang sa mukha niya, mukhang wala siyang balak maging mabait ngayong araw. “Good. Dumating ka na pala.” Diretso siyang tumingin sa akin. “Maria, mauna ka na muna sa function hall.” Napatingin ako kay Serene. “Valencia Holdings requested a full café setup inside the event hall,” mabilis niyang paliwanag. “Tayo ang official coffee partner nila for today.” “Hindi po ba sasabay si Serene?” “May aasikasuhin pa siya rito. Ikaw muna ang mag-set up ng coffee station natin at susunod na lang siya later.” Napalingon ako sa malaking building sa kabilang street. Eleganteng banners ang nakasabit sa labas nito. VALENCIA HOLDINGS Annual Executive Conference Kahit mula sa labas pa lang, halatang pera ang umiikot sa lugar na iyon. Everything looked polished, expensive, and intimidating. At sa suot kong café uniform at lumang sneakers, bigla kong naramdamang hindi ako bagay doon. “Please don’t embarrass the café,” dagdag ni Ma’am Celeste bago mabilis na muling nawala. “Very comforting,” bulong ko na para bang may invisible pressure siyang binagsak sa balikat ko. Mabilis kaming kumilos. Coffee beans. Trays after trays of pastries. Stacks of cups. Halos mapuno ng amoy ng espresso ang buong café habang lahat kami ay abalang-abala sa paghahanda. After almost thirty minutes of nonstop preparation, Serene handed me two large trays at ilang kahon ng supplies. “Good luck, guys!” sabi niya at sumaludo pa sya na para bang sundalo nya kaming pinapadala sa gyera. “Baliw ka talaga.” Tumawa lang siya habang tinutulak ako palabas ng café. Pagdating namin sa event hall, malamig agad na hangin ng aircon ang sumalubong sa amin. Napahigpit ako sa hawak kong tray habang sinusundan ang isang event staff papasok sa main function hall. Hindi pa nagsisimula ang conference at wala pa ring mga bisita, pero buhay na buhay na ang lugar. May mga organizer na pabalik-balik habang may hawak na clipboard. May mga technician na nagsu-sound check sa stage. Sa kabilang dulo naman, may ilang staff na nag-aayos ng registration tables at mga pangalan ng attendees. "Good morning!" masiglang bati ng isang babae na may suot na headset at ID lace. "Café De Luce?" tanong niya. "Opo." "Perfect. Dito po ang coffee station ninyo." Tinuro niya ang isang pwesto sa gilid ng hall na may magandang view ng stage at malapit sa registration area. Napalinga ako. Ang laki. At ang sosyal. "Okay ka lang?" tanong ng isa sa mga kasama ko sa café habang ibinababa ang isang kahon ng paper cups. Tumango agad ako. "Oo naman." sagot ko. Hindi nga lang ako sigurado kung naniniwala siya. Mabilis kaming nagsimulang mag-set up. Inilabas namin ang coffee machine, inayos ang menu board, at isa-isang inilatag ang mga pastries hanggang sa unti-unting magmukhang totoong café booth ang area. At least may isang bagay na maayos ngayong umaga. "Okay, mauna na kami," sabi ng isa sa mga katrabaho ko na tumulong sa akin. Napalingon ako. "Huh?" "Babalik pa kami sa café. May isa pang batch ng pastries na ihahanda." Tumawa sila nang makita ang ekspresyon ko. "Working adult ka na. Kaya mo na 'yan." At ganoon lang, iiwan na nila akong mag-isa. "Ano?! Sandali lang!" agad kong reklamo habang nakatingin sa papalayong mga likod nila. Kumaway lang sila nang hindi lumilingon. "Mga traydor talaga kayo." "Narinig namin 'yan!" sigaw pabalik ng isa. Mas lalo silang natawa bago tuluyang makalayo sa labas ng hall. Napabuntong-hininga ako at napasandal nang bahagya sa mesa. "Ang bilis naman mang-iwan ng mga ‘yon." Sa biglang katahimikan, mas lalo kong napansin kung gaano ka-elegante ang venue. Kung gaano kaayos ang lahat. Napalingon ako sa malaking LED screen sa harap ng hall. VALENCIA HOLDINGS Annual Executive Conference. Sa ilalim nito ay umiikot ang iba't ibang logos ng partner companies. Napahinto ako nang makita ang isa sa mga pangalan. Aurelia Foundation Parang may kung anong lumubog sa sikmura ko. Tatlong taon na ang nakalipas pero malinaw pa rin sa alaala ko ang sulat na natanggap ko. Unfortunately, your application was not selected. Napabuntong-hininga ako. Sayang. Hindi dahil iniisip ko pa rin ang scholarship. Kundi dahil minsan napapaisip ako kung gaano kaya kaiba ang buhay ko kung natanggap ako noon. "Uy." Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Serene. Kakapasok lang niya sa hall habang may dalang isa pang kahon ng pastries. "Ba't parang may existential crisis ka na naman?" Napairap ako. "Wala." "Nakatingin ka sa screen nang parang may personal kang galit sa kumpanya."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
729.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
964.9K
bc

A Warrior's Second Chance

read
350.0K
bc

Not just, the Beta

read
344.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook