Chapter 12 Justin’s POV “Trending ka na naman pala Justin!” masayang komento ni Charles habang nakatitig sa phone niya. Well, if that’s isn’t a good news, I don’t know what it is. Ngayon ko naramdaman ‘yung pagod pagkasakay namin sa van kaya wala akong naging reaksyon sa sinabi ni Charles. Ako raw ang una nilang ihahatid sa bahay para makapagpahinga. Puno na naman kasi ang schedule ko this week at kailangan ko ng lakas para rito. Napatitig lang ako sa kalsada at iba’t ibang ilaw ng mga sasakyan. May mga grupo ng babaeng naglalakad hawak ang poster ko at led ng pangalan ko. Napatingin ako kay Ate Max para sana pagmalaki ito pero natigilan ako nang mauna siyang magsalita. “May nagbanggit ba tungkol sa pagiging bakla niya?” tanong agad ni Ate Max sabay pikit. Ito na naman kami sa issu

