Chapter 13 Allison’s POV Isinuot ko ang white dress na regalo sa akin ni Kuya Mark last year. Plain lang ito, sleeveless at hanggang tuhod. Gusto kasi ni kuya na magbihis babae ako kaya niya ako niregaluhan nito. Tinatakot pa nga niya ako noon na kung hindi ako magpapakababae, baka maghanap ng iba si Anthony. He mentioned names of hot female artists – some of which were Anthony’s leading ladies. But I never gave in – I trust my boyfriend. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako selosa o na hindi pa ako nagseselos dahil kay Anthony. Maraming beses na itong nangyari pero hindi dahil kay Anthony kung hindi dahil sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Mula high school kahit hanggang ngayon, tinanggap ko nang imposibleng hindi siya mapaligiran ng mga babae. Nag-boyfriend ka ng pogi

