Chapter 34 Justin’s POV Pagkabalik ko sa Pilipinas, nakapila agad ang trabaho na sumalubong sa akin. Pinuno ni Ate Max ang schedule ko gaya ng utos ko sa kanya. Ayoko lang magkaroon ng oras para mag-isip ng ibang bagay. Madaling araw na nang matapos kami. Gusto pa sana ako ihatid ni Ate Max pero hindi na ako pumayag dahil kita ko rin ang pagod niya. Pinahatid ko na siya kay Manong John at ako na ang umuwing mag-isa gamit ang kotse ko. Tahimik lang sana ang byahe ko pabalik sa bahay pero biglang bumuhos ang malakas na ulan. May kasama pa itong kulog at kidlat. I guess the weather understands what I feel these past few days. Wala na akong problema sa issue na kinasangkutan ko dahil sa nalipat na ang atensyon ng lahat sa ibang balita. Bukod pa rito, mas inaabangan ng marami ang palabas

