Chapter 38 Justin’s POV Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nakikita ko lang ngayon ang pagbukas ng bibig ni Kim sa harapan ko at ang paulit-ulit na pagsuntok at pagsipa sa akin ng lalaking hindi ko kilala. Parang namanhid ang buong katawan ko at wala rin akong marinig na kahit na ano sa paligid. May mali ba sa akin at kahit na anong tama ang matanggap ko mula sa kanya, hindi ako makaramdam ng kahit na ano? Hinila ako nung lalaki at bigla na lang akong tinulak pagkarating namin sa lobby. Dito ako nasilaw nang salubungin ng liwanag galing sa iba’t ibang flash ng camera. Maraming tao pero hindi ko marinig kung anong sinasabi nila kaya naman natulala lang ako sa harap nila. I suddenly saw my mother’s worried face. For awhile, I got drowned in a memory I thought I’ve already forgotten. T

