Chapter 37 Allison’s POV Tinakasan ko na naman si Justin. Hanggang kailan ko ba ito gagawin? Idinahilan ko pa si Ate Max at ang kuya ko para magkaroon ng pagkakataong makapunta sa building kung nasaan si Justin. I guess I was being selfish again. Nagbakasakali akong makikita ko siya pero nang mangyari naman ito, naduwag ako at tinakasan ko siya. Ngayon ay magisa ako ngayon sa bahay. Nasa trabaho pa si Kuya Mark pero pupuntahan din niya si Ate Max sa ospital pagkatapos. Nagulat pa siya nang malamang kilala ko ito pero hindi na humaba pa ang usapan namin dahil may ka-meeting siya nang makausap ko. I guess I need to create a believable story again. Magpapahinga na sana ako nang makarinig ako ng doorbell. Kung si Kuya Mark ito, may susi naman siya para makapasok sa loob ng bahay. Imposi

