Chapter 77 Allison's POV Hindi ko naisip na magagawa kong halikan si Xander - lalo na sa harapan ni Justin. Parang pinagpipira-piraso ang puso ko. Habang ginagawa ko ito ay naramdaman kong muli ang matinding pagsakit ng tyan ko. Para akong sinikmuraan. Unexpectedly, it was Xander who stopped kissing me first. Marahil ay naramdaman niya ang daing ko. Namimilipit na ako sa sakit at dahil dito ay tumawag na agad siya ng doktor na dapat ay kanina pa niya talaga ginawa. Nang may kausap siyang muli sa cellphone, tiningnan ko kung nasa pinto pa si Justin ngunit gaya ng inaasahan ko ay wala na ito. I wanted to cry for help but now I’m all alone because of the choice I made. Kailangan kong magpakatatag kaya kahit nahihirapan, nagisip ako ng mabuti at si Kuya Mark ang tinext ko. At least som

