Chapter 78 Justin’s POV “Hindi ka man lang ba magpapaalam kay Allison?” huling tanong sa akin ni Ate Max. On the way na ako sa airport ngayon at tinawagan lang niya ako para bilinan tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa endorsement shoot. Although, I don’t think Allison has anything to do with it. “I don’t know if I still have to,” sabi ko dahil ito naman ang totoo. Hindi ko alam kung ano pang mayroon sa pagitan namin ni Allison ngayon. Hindi naman namin natapos ang relasyon namin ng maayos. Basta na lang ito nasira at walang may gustong pagusapan ang nangyari. “Well, just take care okay? Call me as soon as you get there,” sabi ni Ate Max bago pinutol ang tawag. Hindi kasi siya makakasama sa Australia dahil masama ang pakiramdam niya. Si Charles na lang ang pinasama niya a

