Chapter 40 Justin’s POV Nagising ako dahil sa masamang panaginip. Pawis na pawis ako at naghahabol ng hininga. Si Mama na naman kasi ito. Matagal na nung huli ko siyang mapanaginipan kaya hindi ko alam kung bakit muli ko siyang napaginipan ngayon. Sa panaginip ko, she was telling me that everything’s going to be okay and that all I need to have is faith. Okay na sana ang panaginip ko kaya lang ay bigla siyang kinuha ng liwanag. Hinabol ko siya pero nahuli na ako dahil naglaho na naman siya sa harapan ko. Ilang araw na akong nakakulong sa kwarto ko ngayon. Pagkatapos kasi ng nalaman ko, mas lalo akong hindi pinayagang lumabas. Alam ni Ate Max na posibleng gumawa ako ng bagay na taliwas sa gusto nila kaya niya ‘to ginawa. And I know she’s only doing this for my own sake. But I’m ti

