Chapter 41 Allison’s POV “Sinabi mo na ba kay Sav ang lahat?” Napatingin ako kay Kuya Mark pagbalik ko sa loob ng kanyang sasakyan. Tumigil kasi kami sa malapit na gasoline station para makapagpalit ako ng damit bago kami tumuloy sa airport. Nakakahiya rin naman kasing sumakay ng eroplano na nanlalagkit ako dahil sa mga itlog na ibinato sa akin. “Hindi pa rin… bakit?” Nilinis ko ng bahagya ‘yung front seat niya dahil sa nadumihan ko ito kanina pagkasakay ko. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa buhok ko at pinakita sa akin ang inalis niyang shell ng itlog mula rito. Tinawanan ko na lang ito kahit na ang totoo’y bukod sa pisikal na p*******t ng katawan, masama ang loob ko dahil sa nangyari kanina. I wasn’t expecting it. Oo at alam kong galit sa akin ang mga fans ni Justin dahil sa

