Chapter 66 Justin's POV A lot of things came as surprise to me. Bukod sa biglang pagkamatay ni Coleen, ngayon ay girlfriend ko na si Allison at napaalam ko pa ito sa buong mundo. Coleen’s death was so sudden. Oo’t hindi ganuon kalalim ang relasyon namin pero kilala ko siya, hindi siya ‘yung tipo na magpapakamatay. Hanggang ngayon ay inaalam pa rin ang totoong dahilan sa likod nito. Pero ipinaalam ko na kay Ate Max ang sinabi ni Savannah. Sa ngayon ay iniintay na lang namin ang update tungkol dito lalo na’t si Ate Max ang handler nito. On the other hand, Allison made me the happiest man alive when she agreed to be my girlfriend. Noong una’y kinabahan pa ako dahil baka hindi siya pumayag. But I was willing to take a risk whatever her response might be. Nauna nang bumalik sa Maynila a

