Chapter 53 Allison's POV Hindi ako pinatulog ng nangyari sa pagitan namin ni Justin. Kinailangan kong tumakas mula sa paguusap namin dahil alam kong ano mang oras ay bibigay na ako. Parang gusto ko na lang hindi ituloy ang plano at ipagtapat ang nararamdaman ko sa kanya lalo na nang yakapin niya ako. Hindi siya maalis sa isip ko, lalo na ang naging paguusap namin. A part of me wants him to let go, but there’s also a part of me who wants him to hold on. Kaya ngayon ay gulong-gulo ako. Ano ba talaga ang gusto mo Allison? Ngayong araw ang simula ng shooting namin ni Anthony para sa aming upcoming movie. Maaga akong nakarating sa set at nang hanapin ko siya sa mga staff para sana makipagbatuhan ng linya, sabi nila’y wala pa rin daw ito. Inisip kong baka maaga lang ako pero nakapagtataka

