Chapted 50 Justin’s POV May interview kami ngayon ni Coleen sa isang sikat na afternoon show para sa tagumpay ng pelikula namin. It was actually a blockbuster action film. Ang sabi sa akin ni Ate Max, ito na ang huling interview na pauunlakan naming magkasama dahil may kanya-kanya na ring projects na nakalatag para sa amin. Magsisimula na rin kasi ang bago kong pelikula kasama si Sarah. “Ito deretsahang tanong, anong dahilan ng hiwalayan niyong dalawa?” tanong ni Gary, host ng show na ito na kulang na lang magsilbing lie detector machine sa tuwing may nasa hot seat na artista gaya namin ngayon. He’s wearing a violet tuxedo as if this is a very formal social gathering. “Differences! We thought we had a lot of things in common but turns out it’s the other way around,” mangiyak-ngiyak na

