Chapter 51 Allison's POV “Ilan pang gala ang utang mo sa akin be?” tanong ni Sav habang panay ang pagnguya ng pearls mula sa wintermelon milktea niya. Nilibre ko na nga ito pero sunod na gala agad ang nasa isip. Natatawa tuloy ako lalo sa putok niyang pisngi dahil nanaba siya. Hiyang yata sa asawa. Ako na mismo ang nagayang makipagkita sa kaibigan ko dahil miss na miss ko na talaga siya. Kaya ngayong may pagkakataon dahil maluwag pa ang sched ko, sinamantala ko na para makapag-bonding kami parang dati. Sa totoo lang ay hindi pa rin ito makapaniwala na sikat na sikat na ako ngayon. Nandito kami ngayon sa bahay. Dito siya matutulog ngayong gabi dahl mahaba-habang oras ang kailangan namin para sa kwentuhan. Mahirap din namang lumabas at magpunta sa mall dahil sa sitwasyon ko ngayon. Ma

