Allison’s POV
“Well done babe...,” Anthony whispered in my ear and I shivered.
Bumalik akong muli sa bleachers at nagsalita na si Jessica para isarado ang show.
Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang gusto ni Anthony pero pumayag akong gawin ang hiling niya dahil mahal ko siya.
Kinabukasan pagkatanggap ko ng text niya ay agad ko siyang pinuntahan sa kanyang condo unit. I want to talk about his favor in person. Kinabahan kasi ako kung tungkol saan iyon.
Pagkarating ko sa condo, naabutan ko siyang mahimbing na natutulog kahit na dapat ay naghahapunan siya. He looked so tired. Ipinagluto ko pa siya noon ng paborito niyang steak. Nang magising siya naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. Para pa rin akong matutunaw sa tuwing naglalambing siya sa akin.
Kumain siya na parang gutom na gutom. Hindi muna kami nagusap hanggang sa matapos siya dahil ayaw ko namang makaapekto ang paguusap namin sa pagkain niya.
"Babe is there a problem? Ano ‘yung favor na tinext mo sa akin?” tanda kong tanong ko pagkainom niya ng tubig.
"Oo eh,” bakas sa mukha niya ang lungkot. Hindi naman siya ganito talaga. Kaya alam kong may mabigat siyang problema.
"Is there anything I can do to help?”
Yumuko siya noon at umiling ng ilang beses.
“Wag na lang pala. Siguro mas maganda kung mag break na lang tayo.”
Nagulat ako sa sinabi niya noon dahil ilang minuto lang nung okay pa kami tapos bigla siyang nag suggest ng break up. Hindi kaya nananaginip lang ito? Naisip ko pa noon.
"Babe ‘wag mo naman akong takutin ng ganyan! Let me know what I can do to help. Kung may problema, sabay nating ayusin hindi ‘yung ganyan agad ang solusyon na naiisip mo!"
Hinilamos niya ang mga kamay niya sa kanyang mukha. He looked so frustrated before he spoke again.
"I need you to . . ."
"To what?" kinakabahan ako noon sa maaari niyang hilingin dahil baka hindi ko magawa. Pero ayokong mawala siya sakin. Hilingin na niya ang kahit na ano wag lang ang maghiwalay kami.
"I need you to ruin someone,” He sounded so firm, there was something in his eyes I could no longer recognize.
“H-Hindi kita maintindihan,” Ito ang nasabi ko dahil hindi ko talaga naintindihan ang gusto niyang hingin mula sa akin.
“Alam kong hindi mo kaya. Mas maganda, tapusin na lang natin ‘to. Malaki ang problema ko ngayon,” Tumayo siya noon at natakot ako nang talikuran niya ‘ko.
“No! Tell me, what should I do?” I desperately asked. I knew I was out of my mind because at that moment, I immediately considered doing his favor.
“Kilala mo naman si Justin Kyler Dominguez ‘di ba?”
“Yes, what about him?” Hindi ko maintindihan noon kung anong kinalaman ni Justin dito. Naisip kong baka totoo nga ako ng naisip nung gabi. Baka nga ito ang problema niya. At hindi ako nagkamali.
“Ayokong manatili siyang sikat dahil kapag nagkataon . . . . babagsak ako.”
“Bakit naman babagsak ka dahil lang sa sikat din siya gaya mo?”
“Sa showbiz, ganyan talaga ang karaniwang nangyayari. Hindi pwedeng dalawa kayong nasa taas dahil darating ang oras na may mas papaboran ang publiko. Paano ‘yung mapagiiwanan? Maaagawan ng mga projects. Makakalimutan siya ng mga tao at unti-unting babagsak. Malalaos. Sa sitwasyon namin, malapit na niya akong masabayan at kailangan niyang mawala bago pa mangyari ‘yon. Pero paano naman siya mawawala? Hindi siya basta-basta bibitiw lalo na at malapit na siya sa tuktok. Kailangan ko ng taong hihila sa kanya pababa,” paliwanag niya. Hinarap niya ako noon at hinawakan sa magkabilang braso. He stared into my eyes as if he was trying to hypnotize me.
“At ikaw ang gagawa nun babe. Gagawin mo ‘yon para sa ating dalawa.”
Natahimik ako noon at hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung wala lang ba akong alam sa mundo niya o baluktot lang ang kanyang pagiisip. Pero hirap akong paniwalaan ang sinasabi niya na posibleng isa sa kanila ang bumagsak kapag pareho silang sumikat.
Nang hindi ako agad nakasagot ay nagsalita siyang muli.
“Kung hindi mo kaya, maghiwalay na lang tayo. Ayoko namang maging boyfriend mo ang isang artistang malalaos na gaya ko.”
“Pero hindi ko alam kung paano. Alam mo namang hindi ko kayang gawin ‘yang balak mo! Bakit ako pa?” Ito ‘yung puntong bumuhos na ang luha ko.
“Kasi ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan sa plano na ‘to. Bumuo ako ng plano. Simple lang naman. Kailangan lang niyang mahulog sa ‘yo.”
Napaatras ako sa kanyang sinabi. "You want me to make him fall for me? Ikaw ang boyfriend ko ‘di ba and yet you’ll make me do that?”
“Oo. Kung hahanap ako ng iba, mahirap masigurong hindi ako tatraydurin nun. Sana gawin mo ‘to para sa atin. Mahal kita at ayaw kong mas bigyan pa ng rason ang mga magulang mo para tumutol sa relasyon natin. Kapag nawala sa akin ang career ko, baka pati ikaw mawala rin sa akin,” He started crying. We both cried in each other’s arms. Kahit gusto kong pumayag, hindi ko magawa dahil sa alam kong mali ang gusto niyang mangyari.
“Bakit hindi ka na lang lumaban ng patas?” tanong ko pa sa kanya. Hawak-hawak niya ang mukha ko habang pareho pa rin kaming umiiyak.
“Paano kung hindi maging matagumpay? Wala nang pangalawa pang pagkakataon babe. Ito lang ang pwede kong gawin,” He doesn’t want to risk his fame. Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko mas pinipili niya ang career niya kaysa sa akin.
“Wala namang kasalanan si Justin. Bakit natin ‘to gagawin sa kanya?” I managed to ask one question for Justin because I think we’re being unfair to him.
“Hindi mo siya kilala babe. Hindi ka dapat maawa sa kanya.”
That night, I left him without giving my answer.
Hinayaan kong lumipas ang mga araw. Pagdating ng lunes, naging abala rin ako dahil bukod sa coffee shop, kailangan kong pumunta sa part time job ko. Ibinilin ko muna kay Cindy ang coffee shop bago ako nagpunta sa studio na sinabi ni Sav sa akin. We’ll have the shoot for Sweet Fashion Magazine as planned.
"Uy beh! Akala ko hindi ka na darating! Monday kaya ngayon. Buti nakaalis ka sa shop,” salubong ni Sav sa akin. Mukhang stress na stress na rin siya hindi pa man nagsisimula ang shoot.
“I will never let my bestfriend down! Tyaka nag-promise ako sa ‘yo ‘di ba? Iniwan ko muna kay Cindy ‘yung coffee shop,” niyakap niya ako ng mahigpit.
"Padating na ‘yung model natin kaya magready na tayo!" pumasok na kami ni Sav at nakita kong patapos na rin ang pag-aayos nila sa set. Inayos ko na rin muna ang pwesto ng camera at laptop ko bago naupo para magintay.
"Sino ba ang sikat mong model ngayon?” I asked Sav.
"Si Anthony Cristobal! Mas pumogi raw siya ngayon kaysa nung high school tayo!" Nanlaki ang mga mata ko imbes na matuwa gaya ng kaibigan ko. Kahit malapit ako kay Sav, dahil nangako ako kay Anthony na sa amin lang ang relasyon namin, hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol dito. Ilang taon ko na itong tinatago sa kaibigan ko at buong akala niya masyado akong abala para magkaroon ng love life. Maraming beses na nga yata niya akong nireto sa mga modelo nila.
“Alam mo bakit ba hindi naging kayo noon? I mean, nung highschool tayo ‘di ba super crush mo siya? Sunod ka pa nga ng sunod sa kanya. Sayang at sikat na sikat na siya ngayon kaya mas malabo nang maging kayo. Sa dami ba naman ng magagandang artista na nakakasama niya? Goodluck na lang kung mapansin ka pa niya!”
“Bakit? Maganda rin naman ako ah!” Nang sabihin ko ‘to ay tumawa lang siya. Inirapan ko naman siya. Hindi ko alam pero nainis talaga ako. “Itutuloy ko pa ba ‘to?” pananakot ko.
“Joke lang syempre sobrang ganda mo! Lahat ng lalaki noon ikaw ang gusto!” At tumawa na kaming pareho.
Nakarinig kami ng pagkatok at isa sa kanyang staff ang nagbukas ng pintuan.
Unang pumasok si Ms. Stephanie, manager ni Anthony. Kilala niya ako pero hindi kami close dahil ayaw niya ang pagkakaroon namin ng relasyon ng alaga niya. She’s on her late 30s at mukhang istriktang prof. Nagtagpo ang mga mata namin pero hindi siya nagpahalatang kilala niya ako.
Sunod na pumasok si Anthony, he was wearing a black v-neck shirt and denim jeans. Nakasuot din siya ng black shades kaya hindi ko alam kung nakita na ba niya ako. My heart skipped a beat. Hindi ko alam pero napalitan ito ng sakit dahil hindi nga kami maayos nung huling magusap.
Lumapit kami ni Sav sa kanilang dalawa.
"Good morning, Ms. Savannah right?" nakipagkamay si Anthony sa kaibigan ko na mukhang maiihi na sa kilig. May asawa na nga pero sobra pa rin magfan girling ang isang ‘to. "And you're?" He was looking at me. He smiled until his dimple showed up.
"I'm Allison Naomi Fernandez, the photographer," binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti at nakipagkamay din. His hand felt so warm.
"Anthony Cristobal,” He introduced himself even though there’s no need.
Hindi na pinatagal pa ni Ms. Stephanie ang introduction at pinaayusan na si Anthony sa dressing room noon.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula na kami sa photoshoot. Hindi niya nasabi sa akin ang tungkol sa project niyang ‘to. Siguro biglaan din. Kinuhanan ko siya ng iba't ibang anggulo suot ang iba't ibang damit from SF Company. Four to five layouts ang ginawa namin at dahil sa lalaki siya, hindi ito ganuon kahirap at katagal bago natapos.
Papalubog pa lang ang araw nang matapos kami. Nagsimula nang magligpit ang staff at gusto ko sanang makausap si Anthony noon kaya pinuntahan ko siya sa kanyang dressing room. Hindi sinasadyang narinig ko ang paguusap ni Anthony at ni Ms. Stephanie.
“Mabuti naman inayos mo ang shoot ngayon? Ilang araw ka nang hindi makapagfocus sa trabaho. Sa ginagawa mo, sigurado akong magigising ka na lang bigla na hindi ka na hinahanap ng mga tao. Lalo na ngayong nandyan na ‘yung Justin na ‘yon?” Ms. Stephanie was so anxious. Ngayon ko lang siya nakitang magkaganito. Seryoso ba talaga ang nangyayari? Ito ang natanong ko sa sarili ko nang mga oras na ‘yon.
“Alam mo bang may mga endorsements nang nabigay kay Justin na dapat sana sa ‘yo? Baka magulat ka na lang, lahat ng projects na dapat sana sa ‘yo mapunta, nasa kanya na. Kung ako sa ‘yo Anthony, mas magseseryoso ako sa trabaho ko. The network’s already planning to get him.”
When Ms. Stephanie left the room, I took the chance and went inside to talk to Anthony.
Nagtatanggal siya ng suot na pang-itaas kaya nakita ko ang lapad ng kanyang likod. Nagpalit muna siya ng damit bago ako hinarap.
“Hi babe,” sabi niya bago ako nilapitan. Akala ko hahalikan niya ako kaya pumikit ako pero narinig ko lang ang tunog ng pinto sa likod ko. Pagkatingin ko, he was already smirking because he locked the door.
“Babe baka magtaka sila kung bakit naka-lock ‘yung pinto,” sabi ko kahit ang init na ng pisngi ko ng mga oras na ‘yon.
“Alam mo bang sobrang ganda mo kapag nahihiya ka?” I remember rolling my eyes and him chuckling. Gaya ng sabi ni Sav, kung ikukumpara ako sa mga artistang nakakasama niya araw-araw, walang-wala ang itsura ko. I’m not saying that I’m ugly or that I’m not beautiful. Ordinaryo lang ang itsura ko – walang star factor.
Parang tumigil ang oras sa paligid namin. Nagkaroon naman ako ng slow-mo. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin. Ang mga mata niya’y mapangakit at mapusok.
He gave me a soft and quick kiss on the lips. His sweet taste made me crave for more so I clung on to him without hesitation. Our noses were almost touching and I could feel the warmth of his breath brushing the top of my lips.
I smashed my lips into his savagely.
We were kissing hard, soft and fiery at the same time. My arms rested on top of his shoulders habang ang kanya ay nakapulot naman sa beywang ko. Hindi ako expert sa paghalik pero baka natuto na rin ako dahil kay Anthony. He's my first kiss and I’ve never kissed anyone aside from him.
Nang bumitiw kami sa isa’t isa ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Niyakap niya ako at nang mga oras na ‘yon, I lost all my doubts and hesitations. I was so vulnerable and my heart ached for him.
Lalabas na sana kami ng dressing room nang magsalita ako.
“Payag na ‘ko,” Tiningnan niya ako na parang nagtataka siya sa sinasabi ko.
“Sabi ko payag na ‘kong gawin ang favor mo. Ano ba dapat kong gawin?” Abot tainga ang ngiti niya nang sabihin ko ito. He explained the plan afterwards.
“Hayaan mong mahulog ang loob niya sa ‘yo habang gumagawa tayo ng mga bagay na ikasisira niya. Ikaw ang magiging instrumento ng pagkasira ng career ni Justin sa showbiz.”
“Fine. Just tell me exactly what I should do. Siguraduhin mo lang safe itong pinaplano mo.”
“Unang plano natin, kilalanin muna kung ano bang klase ng babae ang gusto niya. Ang alam ko makakasama ko siya sa Showbiz Stars. Sasali ka lang bilang fan ni Justin para ikaw na mismo ang magtanong sa kanya. Magpasikat ka lang sa host para ikaw ang mapili nito. Pre-selected naman ‘yung fan na nagtatanong sa dulo ng show. Gagawin lang natin ito bilang simula. Baby steps kumbaga.”
Hindi ko alam noon ang mga sinasabi niya. Kung makapagsalita kasi siya ay para bang alam na alam niya ang kanyang sinasabi. Pero para sa akin, ang alam ko lang ay gagawin ko ang gusto niya dahil mahal ko siya.
My job to bring Justin Kyler Dominguez down from the spotlight started the next day.