Justin’s POV
I lived in the States right after I graduated in highschool.
Tumira ako kasama ng mga magulang namin ni Ate Max. Dito ako nagkolehiyo habang nagtatrabaho bilang modelo. Pinalad din ako dahil pagka-graduate ay nakuha akong manager ng isang sikat na coffee shop. Kahit kasi kaya naman kaming buhayin ng mga magulang namin, naniniwala kami ni Ate Max na kailangan pa rin naming magsumikap para pagdating ng araw, kami na ang magtatrabaho para sa kanila. Isa pa ay gusto naming tuparin ang kanya-kanya naming pangarap.
I could still remember what Ate Max said when she visited me in the States before during one of my major walk in runway.
“Magartista ka na Kyler! Sayang naman ‘yang mukha at katawan mo kung hindi mo gagamitin. Hindi ka pa artista pero ang dami mo nang followers sa social media. Paano pa kaya kung pasukin mo pa ang showbiz? Hindi ba gusto mo rin naman ang pag-arte at pagkanta? You’re so talented! Sayang naman kung panay pagmomodelo lang ang gagawin mo,”
I went back to the Philippines despite not being confident enough. Pumayag lang ako nung una para sa ate ko. Nagtatrabaho kasi siya sa network at pangarap niyang maghawak ng artista. She became my handler at dahil dumami na rin ang hinahawakan niyang artista, kinuha na niya ako ng manager na tututok sa akin at iyon nga si Charles.
Ang dami kong pinuntahang go-see para madiskubre sa iba’t ibang roles. I got rejected but I never stopped. Iyon ang ginawa kong motivation para paghusayan pa.
Sa paglipas ng mga araw, I realized that I am really passionate about what I’m doing. Sa pagdami ng supporters ko, mas lumalim ang dahilan kung bakit ako nagartista. Masaya ako na nagiging inspirasyon ako ng ibang tao.
Bukod pa rito, mas nakakaipon na rin ako para sa plano kong kong negosyo. Matagal ko na itong pangarap kahit noong nasa ibang bansa pa ako. Alam ni Ate Max ang plano ko at suportado siya sa balak kong pagbitiw sa career na ito kapag settled na ako. She just wanted me to try being part of her world and I’m enjoying every moment. Pagkatapos siguro ng ilang taon ay lalagay din ako sa tahimik na buhay – probably with the woman I’d love and the family we’d have.
“Kukuhanin lang namin ‘yung van then pwede na tayong umalis,” sabi ni Ate Max sa akin bago ako iniwan sa dressing room. Kasama niya si Charles sa pagkuha ng sasakyan namin.
Mabuti naman natapos on time ang guesting namin sa Showbiz Stars. Pupuntahan na kasi namin ‘yung surpresa raw ni Ate sa akin.
Mag-isa na lang ako sa dressing room dahil nauna nang umalis ang mga staff, si Anthony at kanyang manager. Ginawa ko na lang abala ang sarili ko at kung anu-ano ang tiningnan sa aking phone.
Bumukas bigla ang pinto ng dressing room at nakita ko si Hanna. Sa tingin ko nandyan na ang van kaya naman tumayo na ako at sumunod sa kanya.
Nagtaka naman ako nang maglakad siya papunta sa ibang direksyon. Parang bumabalik kami sa loob ng studio. Tatanungin ko na sana siya tungkol dito nang harapin niya ako at nakita ko ang namumula niyang mga mata. Parang nagbabadya ang luha rito at bigla niya akong hinalikan. Nagulat ako at pilit ko siyang tinulak palayo sa akin. I silently cursed because of what just happened.
“Gusto mo rin ako ‘di ba? Kaya sobrang bait mo sa akin?” Hanna blurted out. Agad bumilog ang mga mata ko at napasabunot ako sa aking ulo.
I don’t know where she got this idea but she’s wrong. Hindi ko na nagawa pang magpaliwanag dahil pilit niyang hinuhubad ang kanyang suot na pang-itaas. At nasa hallway lang kami ng studio! I was so freaking mad because of what she’s doing. I never expected this from her lalo na at sobrang hinhin niya. Panay ang tingin ko sa paligid para makita kung may tao habang pilit kong pinipigilan si Hanna sa kanyang ginagawa.
“What are you doing Hanna? Stop!” Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at bahagyang inalog.
“Bakit mo ko sinasaktan ng ganito?!” Hanna blurted out and I was dumbfounded. Agad akong napabitaw at bigla na lang siyang umiyak at bumagsak sa sahig.
Sa likod niya ay nakita ko si Ana, ‘yung fan kanina na napili ni Jessica. Nanlalaki ang mga mata niya at nakatakip ang kamay niya sa kanyang bibig. Agad siyang tumakbo palayo bago pa man ako makapagsalita.
Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat pero biglang dumating si Ate Max at Charles. They saw Hanna crying on her knees. Pinaliwanag ko sa kanila ang nangyari at si Charles na ang umasikaso kay Hanna dahil kailangan na rin naming umalis ni Ate.
Tuloy ay napaisip pa ako sa nangyari kahit nang makasakay na kami. Lalo na at nakita pa ni Ana ang nangyari. She must have been shocked.
“Girls are really hard to understand,” I sighed and Ate Max just laughed at me.
“Alam mo bro kalimutan mo na lang ‘yung nangyari kay Hanna. She’s obsessed, gaya ng ibang fans mong halos sambahin ka na,” sinamaan ko ng tingin si Ate at mas tumawa lang siya bago nag-peace sign. “Isa pa, kung may nakakita man na fan, isa lang naman siya ‘di ba? Her words wouldn’t mean a thing kahit pa ikalat niya. Sino naman kasing maniniwala na mananakit ka ng babae? At ng hindi pa kagandahan?” Bumuntong-hininga ako.
Pinilit ko na lang maniwala kay Ate imbes na hindi pa ako patahimikin ng nangyari.
“Wag mo na lang ako bigyan ng PA ulit pwede ba? Sabi naman kasi sa ‘yo kaya ko ang mag-isa,” Nag-make face lang siya at napailing na lang ako. Mas madalas niya akong tratuhing parang bata dahil sa apat na taon ang agwat namin.
We travelled for another 30 minutes before the car stopped. Nakaidlip pa yata ako bago kami nakarating sa pupuntahan namin.
“Eto na ba ‘yung bahay?” tanong ko kay Ate Max pagkababa namin ng sasakyan.
Kararating lang namin sa sinasabi niyang surpresa sa akin. Masyado kasi akong naging busy sa trabaho kaya ngayon lang niya ako nadala rito. Mukhang pinaghandaan din niya talaga ‘to dahil hindi ako nakapagsalita nang makita ito.
It’s not a really big house inside the subdvision but I like the style and color. Matte black ito at imbes na gawa sa semento, salamin ang ginamit – a modern and elegant house that fits my taste indeed.
“Yep! Do you like it bro?” Kita ko ‘yung kinang sa mga mata niya habang nagiintay ng sagot ko. Ang swerte ko talaga sa kapatid ko.
“Oo! Sobrang ganda!” Inakap ko siya kaagad.
Nakikitira lang kasi ako sa kanya simula nang bumalik ako sa Pilipinas. Ngayon ay magkakaron na ako ng sarili kong lugar kaya masaya ako. It’s more than what I’ve expected. Itong kapatid ko talaga, minsan lang mag-effort pero all out. Kaya alam kong maswerte ang lalaking mamahalin nito.
“Ikaw ba? Bakit hindi ka na lang dito tumira kasama ko?”
“I love my private space. No thanks.”
“Edi sana kumuha na lang ako ng unit para malapit ako sa ‘yo.”
“Mas okay ang security dito sa subdivision na ‘to kaya wag nang matigas ang ulo. Kaya nga payo ko sa ‘yo humanap ka na ng girlfriend para hindi ka ganito ka-clingy sa akin e,” at tinawanan na ako ni Ate Max. Mas magaalala tuloy ako sa kanya dahil hindi ko alam kung kumakain ba siya ng tama o panay trabaho lang ang ginagawa.Humalukipkip na lang ako at nauna na sa loob ng bahay.
Nakakatuwa dahil fully furnished na rin ito. Pareho talaga kami ng taste ni Ate Max. Puti at itim lang ang kulay ng mga gamit. Minimalist lang din kaya wala masyadong dekorasyong makikita.
Nilibot namin ang buong bahay. Sa first floor ay may living room, dining area, at comfort room. Sa taas naman ay may dalawang kwarto. Isang master’s bedroom at isang guest room. Sa master’s bedroom, may terrace kung saan makikita raw ang pagsikat ng araw.
“Kukuha ka pa ba ng maid?” tanong ni Ate Max nang maupo na kami sa couch sa living room.
“No need. I can do things on my own,” bumilog ang bibig ni Ate Max.
“Oh edi ikaw na!” Tumawa kami pareho. Sa aming dalawa, ako kasi ang mas marunong sa gawaing bahay.
Magsasalita pa sana siya nang mag-ring ang phone niya. Sumeryoso ang kanyang mukha kaya malamang ay trabaho na naman. Simula kasi ng bumalik ako rito sa Pilipinas, nakita kong umiikot lang ang mundo niya sa trabaho. Kung hihiling man tuloy ako, gusto ko lang mahanap ni Ate Max ang lalaki para sa kanya. Sana ngayon na kasi tumatanda na rin siya. She’s already 28 years old.
Iniwan na ako ni Ate Max dito. Inutusan na lang niya si Charles na dalhin ang iba pang mga gamit ko bukas ng umaga. Dahil sa hindi naman ako nagugutom ay naghilamos na lang ako at nagpunta na sa kwarto para makapagpahinga. I had a long day lalo na dahil sa sunod-sunod na promo ko para sa drama at pelikulang kinabibilangan ko.
Matutulog na sana ako nang mag-ring ang phone ko. Nakita kong si Ate Max ang tumatawag. Bakit naman kaya?
“KYLER! Nominee ka as best new actor sa Manila Film Fest!” Nakahiga na ako pero agad akong naupo dahil sa sinabi ni Ate. Ito ang unang beses na na-nominate ako kaya sobrang saya ko. Ito ang magiging tanda na dapat ko pang mas pagbutihan ang ginagawa ko.
Nagusap pa kami ni Ate bago binaba ang tawag. Pinilit pa kasi niya akong pumunta sa gimikan bukas ng gabi dahil wala akong schedule kaya napahaba ang usapan namin. Para matapos ang usapan ay pumayag na lang ako. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong magpunta sa bar dito sa Pilipinas dahil nagpupunta naman ako sa ibang bansa noon. Siguro para na rin makalanghap ako ng ibang hangin kahit papaano.
***
Nagising ako ng maaga kahit wala naman akong schedule dahil sa tunog ng telepono. I was not in the mood when I answered the call.
“Sir sa guard house po ito. Papapasukin po ba namin si Coleen Madison?”
I covered my eyes with my arm. Mataas na ang sikat ng araw. “Let her in,” Akala ko pa naman si Charles na.
Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba. Sakto naman nang marinig ko ang sunod-sunod na doorbell. Hindi ko alam kung stalker ba siya o may nagsabi lang kung saan na ako nakatira kaya nahanap niya ako rito.
Binuksan ko ang pintuan at nakita si Colleen na abot tainga ang ngiti.
“What do you need?” seryosong tanong ko. Ayaw ko namang itaboy siya dahil baka may importante siyang pakay sa akin kaya pinuntahan pa niya ako rito.
Hindi ko gusto ang mga tipo ni Colleen lalo na at panay ang kapit niya sa akin. She’s so clingy even though we’re not even close to begin with.
“Just visiting you!” Yayakapin sana niya ako pero umatras ako.
Dahil sa sinabi niya ay mas nainis lang ako. Ginising lang pala niya ako para sa wala.
“I’m doing fine so you may leave,” Iniikot ko siya paharap sa pinto at bahagyang itinulak palabas.
“Kyler naman!” She’s even calling me like my sister.
Nagtataka nga ako kung bakit siya naging artista dahil hindi naman siya magaling umarte. Talaga bang minsan ganito sa showbiz? Kapag maganda ka, sapat na iyon para maging artista? No offense pero napatunayan kong hindi siya magaling nung magkasama kami sa iilang eksena para sa commercial. Alam kong nakikisakay lang siya. Sikat pa naman siyang artista. Sikat na siya bago pa man ako pumasok sa industriya.
“Just leave okay? Gusto kong magpahinga and you’re not helping,” Natahimik siya at nang magtagpo ang mga mata namin tyaka lang siya nagsalita.
“I can sing you lullaby?” Binukas-sara niya ang kanyang mga mata kaya sinaraduhan ko na siya ng pinto. Narinig ko pa ang pagkatok niya. “Ipapakalat ko na bakla ka!”
“Sige lang gawin mo ang gusto mo,” sabi ko at pumanik na ako sa taas.
Kung magkakagusto man ako sa isang babae, mas gusto ko ‘yung non-showbiz.
Sa totoo lang, isang babae pa lang ang nagustuhan at minahal ko noon. I met her in highschool. Niligawan ko siya ng ilang taon pero hindi niya ako sinagot. Ngayon hindi ko na maalala ang pangalan at itsura niya. Siguro dahil pinili ko na lang din na kalimutan siya.
Pinagtatawanan ko na lang ang sarili ko sa tuwing naiisip ko ang pagpapakatanga ko noon para sa pag-ibig. For me, a woman is not enough to sacrifice everything I have especially my dreams.
Babalik na sana ako sa pagtulog nang mag-ring naman ang phone ko. Hindi registered ‘yung number. Sino na naman kaya itong istorbo? Sinagot ko ito.
“HELLO?! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko ha?!” Napamura ako! Inilayo ko agad ang phone mula sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng boses ng kung sino mang nasa kabilang linya. Halos mabasag ang eardrums ko!
Dahan-dahan kong inilapit sa tainga ko yung phone nung pakiramdam ko kumalma na ito.
“Who’s this?”
“Baliw kaba?” Kumunot ang noo ko. Ano bang problema ng babaeng ‘to?
“Hello miss? Wrong number ka ata.”
“WRONG NUMBER? Trip mo!”
“Humanap ka nga ng kausap mo!” Pinatayan ko na ito at nahiga ng payapa sa kama. Pagkapikit ko ay tumunog na namang muli ‘yung phone. Sinagot ko ito at sisigaw na sana nang biglang nagbago ang paguusap namin.
“Umm . . . Sorry. I’m Kimberly. Sorry ulit sa pagsigaw ko sa iyo. Wrong number pala,” She explained. Her soft voice is easy to forgive.
“It’s fine. Next time double check the number.”
Kimberly?