Allison’s POV
Hindi ko akalain na ganuon pala si Justin sa likod ng camera. Kaya niyang ipilit ang sarili niya sa babae. If I know, isa lang ‘yung babaeng nakita ko sa studio sa napakaraming babae nito. At ang laking pagsisisi ko dahil hindi ko man lang nagawang tulungan ‘yung babae dahil naduwag ako. Mas pinili kong tumakbo at iwan siya.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” Ito ang pambungad na tanong ni Anthony sa akin pagkarating niya sa opisina ko. Nandito ako ngayon sa coffee shop dahil hinayaan ko munang mag-off si Cindy pagkatapos niya akong tulungan.
“I don’t know,” To be honest, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Noong una ay hindi pa talaga buo ang loob ko sa balak kong gawin kay Justin pero nang makita ko kung paano niya tratuhin ang mga babae, parang deserve niyang mawala sa showbiz. Parang hindi siya deserving sa kasikatan at pagmamahal na natatanggap niya ngayon. Gusto kong tulungan ‘yung mga babaeng nasaktan niya at gusto kong mapigilan ang ginagawa niya.
The only way I could stop him is to bring him down I guess.
“So what’s the plan?” seryosong tanong ko kay Anthony.
“Alam mo ‘yung tinatawag na law of attraction?” tanong niya. Kumunot ang noo ko. Nakaupo kami ngayon sa couch at hinawakan niya ang kamay ko bago nagpatuloy. Akala ko nung una ay gusto lang niya ako i-comfort pero ‘yun pala ay iaabot lang niya ang kanyang phone para may ipabasa. “Basahin mo,” He even instructed. Isang linya lang mula sa article ang nagpaulit-ulit sa isip ko.
If you don’t need it, you are more likely to attract it.
“Para mahulog ang gaya ni Justin sa ‘yo, kailangan ipakita mo sa kanya na hindi mo siya kailangan, na hindi ka interesado, para gustuhin ka niyang makuha,” Napatingin ako sa mga mata ni Anthony. Parang hindi ko makita ang lalaking una kong minahal dito kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon.
“Anong gagawin natin?”
“Ngayong nakita mo na siya ng personal. Kailangan na nating magtanim ng maaani natin,” Hindi ko nakuha ang kanyang sinabi. Hiningi na lang niya bigla ang phone ko at inabot ko naman sa kanya.
May tinype siyang mga numero at agad na isinave ito sa phone ko. Justin Kyler Dominguez. Ito ang numero niya?
May inilabas siyang papel sa kanyang bulsa at inabot sa akin. Nagulat naman ako nang marinig ko ang pag-ring mula sa phone ko. Anthony dialed Justin’s number and put it on loud speaker without giving me time to think!
"Sundin mo lang ‘yung mga nakasulat sa papel,” He whispered, his face darkened.
Ginawa ko ang sinabi ni Anthony at para akong baliw na nagpapansin kay Justin sa kabilang linya habang kaharap siya. Hawak-hawak niya ang kanyang labi at parang tuwang-tuwa sa nangyayari habang ako halos maiyak na. Alam kong hindi effective ang pagsasalita ko lalo na at nagbabasa lang ako kaya naman kabang-kaba ako. Halos kumawala ang puso ko.
“Sino si Kimberly?” tanong ko pagkababa ng tawag dahil ito ang pangalang nakasulat sa papel. Nagpakilala ako kay Justin bilang si Kimberly kahit na hindi naman ako ito.
Anthony smiled and hugged me. Hindi ito ang oras para rito pero agad akong nanghina sa kanyang ginawa. Siya ang kahinaan ko.
“Ikaw ‘yun. Simula ngayon, aakalin ni Justin na ikaw si Kimberly Castillo,” tumaas ang buhok ko sa batok bago ko siya tinulak palayo sa akin na para bang napaso ako.
"Kailangan mong itago ang totoo mong pagkatao para hindi maapektuhan ang pangalan na iniingatan ng pamilya mo. Wag kang magalala dahil naghanda na ako ng mga dokumentong magpapatunay na ikaw si Kimberly Castillo."
"I have to pretend? Paano na lang itong coffee shop? Tsaka ang career ko? And there are people who know me as Allison Naomi Fernandez!” I find his idea insane! Nagiisip ba siya talaga?!
"Kaya kailangan mo ng total make over. Hindi rin naman malawak ang social life mo dahil si Savannah, mga tao sa coffee shop, at Kuya mo lang ang madalas mong nakakasama. Sa coffee shop mo, matutulungan din tayo ni Cindy. Kausapin mo siya, dodoblehin ko na lang ang bayad niya para siya muna ang mag-manage ng coffee shop niyo habang wala ka.”
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya kaya agad akong napatayo. “You told her about our plan?!” I accused him.
“Sinabi ko lang na hihiramin muna kita,” Nagagawa pa talaga niyang kumalma ngayon kahit na ako halos magwala na?
“Paano naman ang career ko?” Natahimik siya. Nahinto kami sandali dahil walang nagsalita sa amin.
Maya-maya’y tumayo siya at niyakap akong muli. “Pwede bang magpahinga ka muna? Gawin mo muna ‘to para sa atin. Kahit na sikat ka nang photographer, ‘yung mga litrato mo naman ang nakikita ng mga tao at hindi ang mukha mo. Alam nila na ikaw si Allison at hindi si Kimberly.”
“But that is my dream I fought so hard for!” I cried. Pati ba naman ang pangarap ko kailangan kong i-sacrifice para sa kanya?
“Pero hindi ba pinaglaban mo rin ako sa pamilya mo? Hahayaan mo na lang ba ako mawala?” Bumuhos ang luha ko dahil sobrang naiipit ako sa sitwasyon. “Kung mahal mo ko, gagawin mo ‘to para sa atin.”
Nanghina ang mga tuhod ko at dahil maluwag ang pagkakayakap niya sa akin ay muntikan na akong bumagsak sa sahig.
Hindi ko marinig ang sarili ko nang magsalita ako. “Kung mahal mo ako, bakit mo hinihiling na kalimutan ko ang mga pangarap ko? Ang sarili ko?”
“Allison naman! Ngayon ka pa ba aatras? Nasimulan na natin ‘to kaya tapusin din natin ng magkasama!” Halos lumuhod at magmakaawa na siya sa akin.
He suddenly kissed me while tears ran down my face. I was lost in despair and was drowning in so many what if’s. Hinayaan ko lang na magkalapat ang mga labi namin at nang maghiwalay ang mga ‘to ay pareho kaming natahimik. Nanatiling magkadikit ang noo namin, our noses almost touching.
It was few minutes after when I spoke again. "Sigurado ka ba sa binabalak mo? Paano na lang kapag nabuko tayo?" tanong ko.
"Sigurado ako. Makikilala ka ni Justin bilang si Kimberly Castillo – may kaya pero maagang naulila sa magulang. Nabubuhay ka dahil sa manang nakuha mo sa kanila."
"What will I say if he asked me about my job?"
"Para may pagkakatulad kayo, sabihin mo na model ka. Nagsisimula pa lang.”
Tama siya… nagsisimula pa lang kami.
***
“Yes?” Sav asked with a poker face.
“Yes.” I simply replied.
“YES!” We both yelled and laughed like crazy afterwards.
Para kaming sira ni Sav dahil sa hindi kami makapaniwalang nagkayayaan kami sa bar! Noon kasi ay hindi talaga namin ito naranasan. Bukod sa istrikto ang pamilya niya, bantay-sarado rin ako ni Kuya Mark. Ngayon lang talaga siya naging maluwag sa akin dahil alam niyang si Sav at Anthony lang naman ang madalas kong nakakasama. Pareho tuloy kami ni Sav na parang nakalaya sa kulungan.
Papunta kami sa Ivory Bar. Ang sabi ni Sav, ito ang pinakasikat na bar ng mga mayayaman dito sa Maynila kaya hindi basta-basta ang nakakapasok dito. Nandito ang mga sikat at maraming pera galing sa iba’t ibang industriya. May mga artista at may mga politicians din. Kaya nga sabi nila, inuulan din ang lugar na ‘to ng mga social climbers. Kung minsan kasi ay hindi nalalaman ng mga bantay. Kaya mas naghigpit na rin daw ngayon kumpara rati.
“Pupunta ba tayo ng nakaganito?” Simple lang kasi ang ayos namin. Karaniwan sa pumupunta rito eh mga sosyalin ang suot. Yung maraming balahibo at makikinang ang tela na kung ikukumpara sa suot kong denim jeans at black turtle neck sleeveless, para akong nakapambahay lang. Si Sav naman nakablack strapless dress at ang classy kahit anong isuot niya. I think I’m underdressed. Hindi rin kasi ako ‘yung tipong mahilig magbihis ng sobrang pambabae. Isa pa ay galing ako sa trabaho at dumiretso lang dito.
“Oo okay na ‘yan. Magaganda naman tayo!” She giggled. Hindi ko alam paanong napapayag ko siyang mag-bar kahit na alam kong bantay-sarado siya ng asawa niya. Seloso raw kasi ito na madalas nilang pinagaawayan. Siguro ay may problema sila ngayon? Mago-open up din naman si Sav kapag handa na siya.
Madaling araw na nang makarating kami sa Ivory Bar. Ito ang oras kung kailan magsisimula pa lang ang saya sa bar na ito dahil may mga nakakatawang palabas sila sa first floor.
Pagka-park ni Sav ng sasakyan, bumaba agad kami at pumila sa VIP lane. Napatingin ako sa Ivory Bar na may kalakihan pala at ilang palapag. Nang magbabayad na sana kami ay tiningnan kami ng mga guard mula ulo hanggang paa.
Nagkatinginan din kami ni Sav at natawa. Inilabas namin pareho ang wallet namin gaya ng mga nauna sa amin at pinakitaan sila ng makapal na cash at cards. Parang hindi pa sila convinced kaya pinakitaan naming ng business card. Tumango ang mga ito at hinayaan na kaming pumasok. Akala ba nila social climbers kami? Hindi nila kilala kung sino kami ni Sav.
Kung sa labas ay rinig na ang malakas na tugtog, mas lumakas pa ito pagkapasok namin sa loob. Medyo napaatras pa nga ako dahil sa lakas ng tugtog mula sa speaker. Iba’t iba ang kulay sa paligid at may kadiliman kaya hindi ako makakita ng maayos. Nasa stage ang atensyon ng lahat ngayon habang ang ilan nagsasayaw sa dance floor. Hindi mapapansin kung sino ang mayayaman dito lalo na at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang lahat. May mga nagsasayaw, may mga nagkukwentuhan, at marami ang nagpapakalasing.
First time ko sa ganitong lugar. I just want to go in a place where I could let go of all my worries. Itong si Sav naman hindi ko alam ang rason. Sobrang hyper agad niya pagkapasok. Daig pa niya ang nakainom dahil nagtatatalon siya at nakisabay sa pagsasayaw ng mga tao. Lalapitan ko sana siya kaso nakita kong masyadong nagdidikit ang mga katawan sa dance floor at hindi ko ito gusto. Nang nakakuha na ako ng enough space para sundan siya ay hindi ko na siya makita. Matanda naman na si Sav at alam niya ang kanyang ginagawa. She has always been more independent than me. Kaya naman imbes na hanapin ko siya magdamag sa bar na ito ay nagdesisyon na lang ako maglibot.
Bukod sa first floor kung nasaan ako, may second at third floor pa pala rito. Nakita ko ang stage, dance floor, at bilihan ng drinks dito sa first floor kaya naman nagpunta ako sa second floor para makita kung ano ang nandito.
May mga couch dito sa second floor na mukhang naka-reserve na. Sa third floor naman ay may mga pintuan na hindi ko alam kung kwarto ba na tulugan o karaoke? I doubt my latter guess. May babae at lalaki kasing pumasok habang naghahalikan.
Bumalik na lang ako sa first floor at bumili ng juice na pwede inumin. I guess I’m done for tonight. Hindi kasi ako nage-enjoy sa ganito kaingay na environment. I’d rather stay at home, read books or watch movies.
“Baby let’s dance,” sabi ng isang lalaki na dapat sana hahawakan ako pero agad akong lumayo. Anong akala niya sa akin? Umirap ako sa kawalan. Ang gulo sa first floor kaya naman nagpunta na lang ako sa second floor kung saan wala masyadong tao. Intayin ko na lang siguro rito si Sav. I simply texted her. Sana naman mabasa niya.
Naglalakad na ako papunta sa isang couch nang mapatid ako at mabitawan ko ang hawak kong juice.
Nakita ko ang binti ng isang lalaking nakaupo sa couch na malapit sa akin. Una kong nakita ang medyo kulot niyang buhok at makapal na kilay dahil nakayuko siya. Akala ko nung una tulog pero nag-angat siya ng tingin sa akin. Dahil madilim ay hindi ko ito masyadong maaninag. Pero hindi na rin ‘yon mahalaga dahil talagang hindi man lang siya nag-sorry?!
“Excuse me?” I said. Yumuko siyang muli at hindi pinansin ang pagusok ng ilong ko.
Parang pamilyar yung lalaki sakin. Saan ko nga ba siya nakita?
Lumapit ako sa kanya at mas nilakasan ang boses ko. “Look, ang daling mag-sorry pero hindi mo man lang magawa? Saan mo ginamit ang pera mo at hindi mo man lang natutunan ang proper manners? Daig ka pa ng aso!” gigil na gigil ako. Tumayo naman siya at medyo napaatras ako dahil ang tangkad nito sa akin. Mas matangkad pa kay Anthony kaya hanggang labi lang niya ako.
“Shut up. Mahiya ka nga,” At ako pa talaga ang mahihiya? Ubos na ba talaga ang gentleman sa mundo?
“Ako pa ngayon ang dapat mahiya?!”
Imbes na magsalita pa ay nilayasan na lang niya ako. Humalukipkip ako at naguumapaw ang inis nang bumabang muli sa first floor. May waiter na may hawak na mga inumin sa tray kaya naman kumuha ako at agad itong ininom. Hindi ko na ininda pa ang pait na bumuhos sa lalamunan ko. Dumiretso ako sa restroom pagkatapos at balak ko na ring umalis. I’ll just look for Sav and leave right away.
I was on my way out of the ladies room nang may humila sa akin sa isang sulok kung saan walang taong dumadaan. Napasinghap ako lalo na nang ma-corner ako nito.
Nakita kong muli ‘yung lalaki sa second floor!
“Oh? Ikaw na naman? Don’t tell me magso-sorry ka na?” Nasa harapan ko siya habang ang dalawang kamay niya, nakahawak sa balikat ko pareho. He pinned me on the wall.
“Why would I?” Hindi ko siya masyadong makita kaya mas naiinis ako dahil parang nakangiti pa siya. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin pero mas pinangungunahan ako ng inis imbes na takot. I have no idea why pero ang init ng pakiramdam ko at medyo umiikot ang paningin ko. “Paano ka ba nakapasok dito? With the way you acted earlier, wala kang class kaya alam kong hindi ka mayaman. Are you one of those social climbers-” Sinampal ko siya at hindi na pinatapos pa. Ang bastos ng bibig!
Lumayo ako at sinundan naman niya ‘ko. Bumukas ang pinto ng restroom, hinarap niya ako sa kanya, at dito tinamaan ng liwanag ang kanyang mukha. Dito ko rin nakita kung sino ang kaharap ko ngayon.
“J-Justin?!” This day couldn’t get any worse.