Chapter 69 Allison's POV Kapag hindi na ako abala sa trabaho at sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon, tingin ko’y dapat ipatingin ko nang muli ang ulcer ko. Nadadalas na kasi ang pagsakit ng tyan ko at kung minsan hindi na umuubra ang gamot na iniinom ko. Nagkukunwari na lang akong gutom para hindi na mapagalala ang mga taong importante sa akin kahit na higit pa ito sa simpleng gutom lang. Sinabayan pa ngayon ng lagnat ang sakit ng tyan ko. Mabuti na lang kasama ko si Justin. Dahil inalagaan niya ako magdamag, mas mabilis humupa ang lagnat ko. Isang araw lang ako hindi nakapag-taping at ngayong araw makakapasok na ako. Bakit ko ba naisip na magagawa akong saktan ni Justin? I just had a stupid dream. That’s all. Nauna na akong maligo at nire-review ko lang ngayon ang script

