Chapter 68 Justin's POV Ngayong araw ang simula ng shooting namin ni Allison. Akala ko noong una ay tatanggi siya sa offer namin ni Ate Max at Mr. Reyes lalo na nung malaman niya ang dahilan ng pagpapalit ng leading lady. I know she hates issues at kapag kinuha niya ang project nito, may mga fans na magagalit. Alam ko rin na nagbabalak na siyang bumalik sa pagiging photographer at baka gustuhin niyang hindi na muna tumanggap ng malaking projects. Kaya masaya talaga ako nang mapapayag namin siya. “I’m excited to take this project because I’ll be working with a great actor,” tanda ko pang sabi ni Allison. Papunta sa location ng shoot, si Manong John na ang nagmaneho para sa amin. Kasama rin namin sa van si Ate Max at Charles. It felt different now that I have Allison with me. Nakasan

