Chapter 1
BORING!
Iyon ang kanina pang sinasabi nang isip niya habang pinapanood ang mga kaklase nila noong kolehiyo na nagkakasiyahan. They're very much enjoying the night while she, on the other hand, just wanting to go home. Mas gugutuhin pa niyang manood na lamang ng Detective Conan kaysa makihalubilo sa mga ito.
"Hoy, Ira, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa kanya ng kaibigang si Maricon. Ito ang pumilit sa kanya na dumalo sa alumni nila. "Alam kong napilitan ka lang sumama rito pero huwag ka naman masyadong maging halata riyan. Nadadamay ako sa pagka-killjoy mo," nakasimangot nitong wika.
Nagbuntong-hininga siya. "Ano ba'ng magagawa ko kung hindi ko kayang mag-enjoy?"
Mataman siyang tinitigan ng kaibigan. "Bakit? Dahil ba sa dalawang 'yan?" Ngumuso ito sa direksyon ng dalawang taong nakikipag-usap sa mga opisyales ng alumni organization ng batch nila.
Karl and Mirna.
Mirna was her best friend way back in college. They've been thru a lot. Ito ang kakampi niya sa tuwing may kalokohan siyang gagawin. Maganda ito, mabait at higit sa lahat ay maunawain kaya mabilis niyang nakapag-palagayan ng loob. At kampante siya noon na aminin dito ang pagkakaroon niya nang paghanga para kay Karl.
Karl was then the most handsome man in her eyes. He was gentle and very easy to be with. And she was always vocal when it comes to her feelings for him. Matagal na nitong alam na may gusto siya rito. Pero tinatawanan lang nito iyon.
Dahil mabuting kaibigan si Mirna, she promised to help her with him. Hindi sila parehas ng eskuwelahang pinapasukan noon, so she introduced the two to each other. At doon na nga nagsimula ang lahat. They became very close to each other. Nagbitaw ng pangako sa kanya si Mirna na tutulungan siya pero hindi niya alam na nahuhulog na rin pala ang loob nito kay Karl sa pagdaan ng mga araw. She started to become distant to her. Lagi itong may ginagawa o palaging busy kapag inaaya niya. Ang sabi nito ay may binubuo itong plano para sa kanilang dalawa ni Karl.
Then one day, she saw them. Nag-uusap ang dalawa sa parkeng hilig nilang tambayan. The two were too engrossed with their conversation that they didn't notice her aproaching. Nakinig siya. Pero sa simpleng pakikinig niyang 'yun ay magdudulot sa kanya ng sakit ng damdamin.
They were proclaiming their real feelings to each other. Nasaktan siya. Umalis siya sa parke nang hindi namamalayan ng dalawa. And she was crying. Ang akala niya ay ito ang tutulong sa kanya pero kabaligtaran ang ginawa nito. Sinaktan siya ng matalik na kaibigan.
Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi siya pumasok ng ilang araw sa eskuwelahan. Hindi niya pinansin ni isang tawag o text galing sa dalawa. She was too hurt. Nang sa tingin niya ay kaya na niyang harapin ang mga ito ay nakipagkita siya sa dalawa.
Hindi niya magawang suklian ang mga ngiti ng dalawa nang magkita sila sa parke kung saan niya huling nakita ang mga ito. She chose the same spot where they said I love you to each other.
"May aaminin kami sa iyo, Ira. Sana huwag kang magalit," umpisa ni Mirna saka umungklo ito sa braso ni Karl. She seemed too happy to announce their relationship to her. Mukha ngang tuluyan na nitong ibinaon sa limot ang pangakong binitiwan.
"I have no idea how it happened but we love each other, Ira. Alam kong matagal mo nang sinasabi na may gusto ka sa akin pero si Mirna ang gusto ko," amin ni Karl na nagpasikip sa kanyang dibdib.
She tried her hardest to control her emotions. She stood rigid, facing them. Mahigpit ang pagkakakuyon ng mga palad niya. They all knew that this confession will change everything between them.
"Okay," was her only response before backing away. Ayaw niyang makita ng dalawa ang sakit sa mga mata niya. They've tried to explain to her but she did not listen. Iniwan na niya ang mga ito.
She wanted to get her revenge. Pero para saan pa?
After their confession, everything changed, immediately. Hindi na niya kinakausap si Karl kahit na minsan ay ito na mismo ang unang pumapansin sa kanya. But Mirna, the ex-bestfriend, never showed any efforts to talk to her. Kahit na magkalapit ang mga bahay nila ay hindi sila nag-u-usap. Nahuhuli rin niya itong umiirap sa kanya sa tuwing magkikita sila.
Nanatili silang ganoon hanggang sa lumipat ang dalawa ng pinapasukang unibersidad. Naiwan siyang nasasaktan pa rin sa huli.
She felt betrayed back then.
And now, after years of not seeing each other, of not having any news about each other, they met again. And guess what? The two are now married. Akalain mo 'yun? Nagkatuluyan nga ang dalawa.
Kanina pa siya naiirita sa ngiting nakapagkit sa mga labi ni Mirna habang nakaangkla sa braso ng asawa. Hindi rin nakaligtas sa matalas niyang paningin ang pagtaas ng kilay nito sa tuwing mapapatingin sa gawi niya.
Ang sarap lang nitong sampalin gamit ang talampakan niya.
"Hoy, natulala kana naman." Ang boses ni Maricon ang nakapagbalik sa kanya sa kasalukuyan. "Nakakainis iyang dati mong kaibigan, ha? Proud na proud siya sa sarili niya. Sa tingin niya yata ay siya na ang pinakamagandang babae rito. Assuming," nakairap nitong hayag.
Yes, Mirna is beautiful. Puwede itong ihanay sa mga modelo sa taglay nitong ganda at hubog ng katawan. But she knew better, isa itong ahas.
"Maganda naman siya," komento niya. "Ahas nga lang."
Nahampas nito ang mesa nila nang makitang papalapit sa kanila ang dalawa. Naikuyom din niya ang mga palad.
Shit. For real?
"Oh, hi, Iralyn. It's so nice seeing you here. Kumusta kana?" naka-ngiting bati sa kanya ni Mirna nang makalapit sa kanila.
"How are you?" pangangamusta rin ni Karl.
She also plastered her version of a fake mastered smile. "I'm good. How are you?" She does not care if she sounded fake. Nope, not at all.
To her annoyance, Mirna matched her fake smile, caressing the necklace that's rested on her cleavage, showing off her diamond wedding ring. "We're doing great."
Such a snake!
Pinili niya ang sariling huwag pansinin iyon at pinalawak ang ngiti sa mga labi. "Well, that's good to know."
"Uh-huh. Hi, Maricon," baling nito sa katabi niya. Tinanguan lang ito ng huli. Halatang wala itong balak makipag-plastikan. Something flashed in Mirna's eyes when she looked at her again. "Ang tagal na nating walang balita sa isa't-isa. Nag-asawa ka na rin ba?"
Argh! Get out of my sight!
Maricon scoffed but Mirna did not pay attention to it. Nanatili sa kanya ang mga mata nito. She glanced at Karl, halata na hindi ito komportable sa takbo ng usapan nila. Lihim siyang napangisi.
"Yes," sambit niya. Hindi lamang si Mirna ang nagulat kundi pati na rin si Maricon. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
Bahala na!
"Oh, I see." Disappointment appeared in Mirna's face. "But I am not seeing a wedding ring," puna nito na bahagyang naka-ngisi.
Ah, s**t!
She quickly thought of an excuse. Iwinagayway niya sa ere ang kamay. "Hindi ko talaga isinusuot iyon kapag lumalabas ako ng bahay. Nawala ko na kasi ng isang beses," nakatawa niyang paliwanag. "Ayokong magalit sa akin ang asawa ko kapag nawala ko ulit."
Bumadha ang pagdududa sa mga mata nito. Oh, how she hated it. "Oh, okay. Can we meet him? Let's have a double date, you know, for old time's sake?"
Fake! Fake! Fake!
"Right, honey?" baling nito sa asawa.
"Yeah," Karl nodded. "That would be nice."
"Sure," sapilitan niyang payag. Fudge! Saan ako maghahanap ng asawa?
Mirna took out her celphone and they exchanged numbers. "See you in a week, Ira," saad nito bago sila iwan. May ibinulong ito sa asawa na ikinatawa ng huli.
"Really? Kailan ka pa nag-asawa bruhilda ka?" hindi makapaniwalang saad ni Maricon pagkaalis ng dalawa.
A deep sigh was only her response.
"Saan ka ngayon maghahanap ng asawa sa loob ng isang lingo aber?"
Nagpakawala siya uli ng isang malalim na hininga. "Hindi ko alam. Bahala na."
? What are your thoughts?
P.S No particular days of updates. Saree na. *smiles*
Love lots,
Realice ?