“ANO ba! Ibaba mo nga ako!” tili niya habang nagkakawag. Bitbit siya ng binata na parang bata. Isinabit siya nito sa beywang at salo ng matipuno nitong braso ang kanyang bigat. “What the heck is your problem?” she screamed when he finally had let go of her.
Narito sila ngayon sa talon na nadiskubre niya kahapon habang hinahanap ito. It is located in the deepest area of the dense forest. And the falls is really beautiful and its lagoon is just perfect. Halatang hindi pa napapakialaman ng mga tao ang lugar na ‘yon.
Namaywang ito sa harap niya. “That’s twenty feet, Ira,” wika nito, halatang nawawalan na ito ng pasensya.
Gusto niya kasing umakyat sa taas upang tumalon. Who could blame her? Ito ang unang beses na makakita siya ng talon sa tanang buhay niya. And she would like to make the best out of it. Alam naman niyang lumangoy, eh. Hindi siya magaling pero marunong.
“Are you nuts? Paano kung namali ka nang bagsak at nabagok ‘yang ulo mo? Walang gagamot sa’yo!”
Nakipagtigasan siya nang titig dito. Dapat pala ay hindi na niya inaya ito. Dapat ay siya na lang ang mag-isang bumalik. Pero nakakainis dahil panalo na naman ang punto nito. May mga naglalakihan ngang bato sa ibaba ng talon, making it more enticing. Kung sa fairytale lang ay iisipin niyang mga serenang nagtatago ro’n.
Nang wala siya maisip sabihin ay inis na lang siyang tumalikod at inilublob ang katawan sa lagoon. Nangaligkig siya sa lamig ng tubig. Ang binata naman ay inayos ang mga dala nilang kaserola, kaldero at dalawang pinggan. May tig-isa rin silang tumbler na may lamang tubig. Pinagmasdan niya ito. Wala itong kaartehan sa katawan na kahit madumihan ay walang pakialam. Hindi ito katulad ng mga kaibigan niyang mga lalaki na daig pa siya sa kalinisan. Hindi niya sinasabing dugyot ito at madumi pero sa guwapo nitong ‘yon ay nakakapagtaka talaga. Sabagay, isa itong sundalo. Ano mang pinakaruming pagsasanay ay naranasan na siguro nito.
Tumaas ang kilay nito nang bumaling sa kanya at nahuling ang pagtitig niya. Ginaya niya ito at nagtaas din ng kilay. Tumalbog ang puso niya nang tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. She shrieked when all of a sudden, he jumped into the water, making a big flash. Napahilamos siya ng mukha.
“Why do you always stare at me?”
Gulat na napaatras siya nang nasa harap na niya ito. Sumandal ito sa malaking bato na nagsisilbing pader. “I-I wasn’t staring,” she denied, swallowing.
Amusement crossed his eyes. “Yeah?” hindi kumbinsidong sabi nito.
“Oo nga!” Lalayo na sana siya rito nang abutin nito ang kanyang braso at isinandal sa kinasasandalan nito. Pumalit ito sa puwesto niya at inilapat ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. She instinctively hugged herself. Shocks! Bakit ba napakadali para rito na i-korner siya? “A-ano na namang trip ito, Maximin?” Pilit niyang pinatigas ang tinig ngunit nabigo siya dahil sa pagkaka-utal.
That wicked signature smile of his again appeared over his lips. Pinaglalaruan na naman siya nito! Tinitigan nito ang buong mukha niya saka nailing pagkatapos. “Bakit gano’n? Habang tumatagal ay lalo kang gumaganda,” komento nito na ikinalaki ng mga mata niya.
Umawang ang kanyang mga labi pero ni isang salita ay wala siyang nasabi. She just stared at him, clearly stunned at his compliment. Or is he, really?
“You are really different,” dagdag pa nito.
Nakahuma siya sa pagkagulat nang maalala si Jessica. “Ow?” tanong niya. “O, naaalala mo na naman si Jessica sa akin? Hoy, Maximin, ha! Hindi ako makakapayag na binabanatan mo ako ng mga ganyang linya mo dahil hindi ako si Jessica. Ako si Iralyn. Ako lang at wala nang iba!”
Kumurap-kurap ito bago ngumiti. Damn! He’s really really hot in her eyes! “Alam ko kung sino ang kaharap ko, Ira. You’re really beautiful.”
Walang hiya! Ito na naman ang puso niya sa sobrang pagkaba! May balak yata itong patayin siya sa nerbiyos! Nagkandabuhol-buhol ang kanyang utak dahil sa mga pinagsasasabi nito!
“B-bakit ka ba bigla na lang namumuri?” Nagsumiksik siya sa sinasandalan nang ilapit nito ang katawan sa kanya. Peste! Ano ba’ng balak nitong gawin? “A-ano ba? Lumayo ka nga!” Sinubukan niya itong itulak palayo pero sing-tigas ito ng bato. He’s that strong.
“Can’t you feel it?”
“Feel what?”
His words are now as intense as his eyes. “The pull.”
Lihim siyang napalunok sa tinatakbo ng kanilang usapan. “What pull?”
Tumingin ito sa kanyang mga basing labi. “The connection.”
Unconsciously, she licked her bottom lip, making his eyes darkened. “W-what connection is it?”
“This connection between us.”
“Ano nga---“ She gasped and her eyes went wide as his strong arm held her by the waist, pulling her close to him. Walang seremonyang sinakop nito ang kanyang nakaawang na mga labi at hinalikan. Her brain has stopped working the moment she tasted his sweet lips and minty breath. Nanatili siyang nakamata habang nakatitig sa mukha nito. She isn’t moving at all. Well, she can’t.
Banayad ang halik na iginagawad nito. Iyong tipong parang ninamnam nito ng mabuti ang kanyang mga labi. Then he started to lick her both lips, as if he could not get enough of her. He let out an almost animalistic growl when he bit her bottom lip then licking the sting away. Doon lamang niya nagawang ipikit ang mga mata saka napakapit sa malapad nitong mga balikat. Ira inhaled sharply when his arms around her tightened.
The kiss feels like a dream. Para siyang si snow white na hinahalikan ng kanyang prinsipe. Heat crept into her when his kisses get more aggressive. And dang! Hindi siya makasabay dahil hindi siya marunong humalik. She never had a proper kiss in the past for goodness’ sake! A moan escaped her throat when he sucked her tongue. Hindi niya maipaliwanag ang kiliting naging hatid niyon sa bawat himaymay ng kanyang katawan. She was so ready to wound her arms on his nape when suddenly, as if burned, he was not on her. Ang mga labing humahalik at mga kamay na humahaplos ay biglang nawala. Leaving her confused, embarrassed, and cold.
Nag-init ang kanyang mga pisngi nang makita ang pagsisisi sa mukha nito.
“Look…” he said, dishevelling his hair with his hand, looking very much frustrated. “I’m---“
She stopped him by raising her hand in the air. Sigurado siyang nakakamatay na ngayon ang kanyang tingin. Ano’ng ibig sabihin nito? Hihingi ng tawad sa paghalik sa kanya? Damn! Alam niyang ‘yon dapat ang tamang gawin pero bakit parang masakit? Mas ayos pa sa kanya kung hindi na lang! At ang pinakakainis sa lahat ay umungol siya! U. Mu. Ngol. Siya!
Umalis siya sa harap nito at umahon. Pinulot niya ang tsinelas at naglakad papalayo.
“Ira…” tawag nito habang nakasunod sa kanya. “Makinig ka muna. I never meant to do---“
“Buwisit ka!” sigaw niya! Gigil na hinarap ito at walang habas na ibinato sa direksyon nito ang pigtas niyang tsinelas. Lalong kumulo ang dugo niya nang makaiwas ito. Dinampot niya ang takip ng kasirola at kaldero saka pinaghahagis dito. “Ano? Hihingi ka na naman ng tawad? Asar ka ha! Hahalik-halik ka pagkatapos ay ipaparamdam mo sa’kin na mali na hinalikan mo ako! Oo! Maling-mali talagang hinayupak ka!”
“Ira, that’s a big stone,” paalala nito bago pa niya maibato ang hawak.
Naiinis na binitiwan niya ‘yon. “Next time…” She inhaled then exhaled a mouthful of air. She looked at him dead straight in his eyes. “Don’t dare come f*****g near me.”
Ngumiwi ito nang marinig ang matalim na pagmumura. “Okay,” he said, lifting his both hands in the air as an act of surrendering. “Pero puwede bang kumain na tayo? Sayang naman ang niluto ko kung puro langgam na lang ang makikinabang.”
Sinulyapan niya ang dalawang wala ng takip na lutuan at napabuntong-hininga. Oo nga, saying naman ang effort nito kung hindi nila kakainin. Mukhang masarap pa naman ang luto nitong hindi niya alam kung anong putahe. Naupo siya sa tapat niyon, kumuha ng pinggan at sumandok ng kanin at ulam. Then without looking at him, she went to a large stone and sat there. At nagsimula na siyang kumain.
Nakita niya ang pag-iling nito bago kumuha na rin ng pagkain nito. Inismiran niya ito at padaskol na sumubo. Gusto niyang suntukin ang tapat ng dibdib. Hindi pa rin kasi tumitigil ang malakas na pagkabog. Hay, is she falling hard on him? Pero bakit? Katulad nga ng sabi nya, he’s way out of her league.
Buntong-hininga siyang tumingala. Hay, bakit siya pa?
“SANDALI! Ikaw kaya ang maglakad na iisa lang ang sapin sa paa?” angal niya kay Sean habang naglalakad.
Nakahalukipkip ito ilang dipa ang layo sa kanya habang kunot-noong nakamasid sa kanya. Hawak nito sa dalawang kamay ang mga gamit na kanilang dala kanina. Kanina pa siya nito minamadali dahil inabutan na sila ng malakas na ulan. Dahil wala naman silang masisilungan ay nagpatuloy na lang sila sa paglalakad pauwi, at basa na rin lang sila mula sa paglalangoy. At dahil din pinambato niya rito kanina ang mga tsinelas niya ay ang lintik na isang pares ay hindi na nila nakita pa. She had no choice but to walk with one step-in.
“Walk faster,” utos nito. “Pareho tayong magkakasakit sa bagal mong maglakad.”
Nanalim ang mga mata niyang inaninag ito. Ramdam niya sa kanyang hubad na talampakan ang lamig ng tubig-ulan. “Well, duh! Puwede ka naman hong mauna, hijo. Bakit mo pa ako hinihintay?” Tumitilamsik ang tubig mula sa kanyang mga bibig habang nagsasalita. “Para sa kaalaman mo, kaya kong bumalik mag-isa.”
Matagal siya nitong tinitigan na para bang hindi makapaniwala. Then after a moment, he just shook his head and walked towards her. Nagulat siya nang bigla na lang itong mag-squat patalikod sa harap niya. “Bakit ka nakaganyan?” mataray pa rin niyang tanong.
Bahagya siya nitong nilingon. “Papasanin ka.”
“At bakit?”
He handed her the kitchen utensils. “Kanina pa ako naaawa sa klase ng paglalakad mo. Natinik ka ba?” pansin nito sa paa niyang walang sapin. Ang totoo niyan ay may naapakan siyang matulis na bato kanina kaya medyo paika-ika siya. Napansin pala nito ‘yon.
Sa lamig na bumabalot sa katawan niya ay siya namang pag-iinit ang naramdaman ng kanyang puso. Hindi tuloy siya makapagsalita at nanatiling nakatitig sa likod nito.
“Ira, masyado na tayong nababad sa ulan. Hindi ka pa ba nilalamig?” untag nito nang mainip. “Papasan ka o hindi?”
“I-ito na…” pigil niya nang balakin nitong tumayo. Pumas an siya sa malapad nitong likod at ipinalibot ang dalawang braso sa balikat nito. She adjusted her arms because of things she’s holding on both hands. “Your hands on my knees, Maximin, not in my butt,” matigas na babala niya nang gagapin ng mga kamay nito ang dalawang hita niya.
Nailing ito bago inilipat ang mga kamay sa kanyang magkabilang tuhod. “I wasn’t even thinking about anything like that,” he reasoned out.
“Masisisi mo ba ako?” Humigpit ang kapit niya nang walang kahirap-hirap itong tumayo at magsimulang maglakad.
Hindi ito kumibo pero nakita niya ang pag-angat ng dulo ng mga labi nito. Hooo, If I know! “Are you sure you don’t feel cold?” he asked again.
Husto namang humaplos ang malamig na hangin sa paligid. Nangaligkig ang kanyang katawan. “M-medyo.”
“Kapag sinabi ko kasing uwi, uwi na.”
Okay, sige kasalanan na naman niya. Actually ay kanina pa ito nag-aaya nang bumalik ngunit dahil masyado pa siyang nag-enjoy ay hindi niya itong pinakinggan. Gano’n katigas ang ulo niya. Ang herodes naman ay matiyaga siyang hinintay at pinanood lang na inuubos ang lakas at oras sa paglangoy. But when he said he’s had enough, that’s the ultimatum. Balik na talaga sila. Then the heavy rain came pouring down. Hindi niya inaasahan ‘yon dahil mataas pa ang sikat ng araw.
“Alm ko,” maktol niya. “Eh, malay ko bang uulan pala?” Napangiwi siya nang maramdaman na naiihi siya. “Malayo pa ba tayo?”
“Half kilometre.”
Grrrr! Sasabihin ba niya? “Shit.”
“Nagmumura ka? Hindi ko kasalanan kung malayo pa tayo,” reklamo nito sa narinig na mura niya.
Okay, hindi ko na kaya. Sasabihin ko na. “T-tigil muna,” wika niya. Pakiramdam niya ay puputok na ang pantog niya. Pambihirang pagkakataon nga naman oh!
“What now?” he asked, eyebrows creased.
Iniwas niya ang mga mata sa kanya nang harapin siya. Shocks! Nahihiya siya! “Ano kasi…”
“Ano?” tila hindi maka-gets na tanong nito.
“I-iihi muna ako!” sigaw niya sabay talikod at patakbong tinungo ang malaking punong namataan. “Don’t you dare take a peek!”
Wala siyang nakuhang sagot mula rito hanggang sa matapos siya. Blangko ang ekspresyon nito nang makabalik siya. Nakaramdam siya ng pag-aalangan na kibuin ito lalo na nang tumango lamang ito, dinampot ang mga bitbit niyang iniwan sa lupa kanina. “Binibiro lang kita. Malapit na tayo,” salita nito bago walang salitang tumalikod at naglakad.
Napaawang ang kanyang mga labi. Pinaglaruan na naman ba siya nito? Pero bakit gano’n? Something is off. Masyado naman yata itong seryoso kung magbiro? Really, what happened?