Chapter 9

1768 Words
“HEY, Maximin!” Itinaas ni Ira ang baril na hawak. Gulat na napalundag ito mula sa pagkakaupo at mabilis na kinuha ‘yon mula sa kanya. Bilib na rin talaga siya sa bilis nitong gumalaw. He’s quite speedy with fluid moves. “Crap, Iralyn! Bakit bigla-bigla ka na lang nanunutok ng baril?” nanlalaki ang mga mata nitong sambit. “It is loaded. Baka makalabit mo ang gantilyo, mapatay mo pa ako.” Hindi niya napigilang iikot ang mga mata. “Kahit may bala ‘yan kung hindi naman nakakasa ay wala pa ring silbi. Bakit ba pakalat-kalat ang mga ‘yan dito sa loob ng bahay?” Kanina pa siya nakakakita ng iba’t-ibang klase ng baril sa mesa, sa lababo at hapagkainan, at mayro’n din itong nilagay sa kuwarto niya. “Hindi ba at nagiging exaggerated ka naman yata?” Hinaplos nito ang dulo ng baril saka mabilis na hinalikan. “Don’t mock my guns, woman. Sila ang magiging kapitan natin sa oras ng kapahamakan. Just…” Nakakaloko ang naging ngiti nito habang nakatingin sa kanya. “Don’t touch them carelessly.” Nagtaas siya ng kilay. She could sense something nasty the way he said those words. O siya lang itong malisyosa? Gosh! Something really went with her since she met this man! Nagiging m******s na nga talaga siya! Wala sa sariling napailing siya sa tinatakbo ng kanyang isip. “Bahala ka nga!” Kinuha niya ang gasera na gamit nito. “Maiwan na nga kita!” gigil na saad niya saka tumalikod. “Sandali!” pigil nito. “An---“ Her eyes grew wide when he grasped her free arm, turning her to him, and giving her the hug of her life. “H-hoy, Maximin! A-ano’ng ginagawa mo?” nagkandautal niyang tanong. Pinipilit kumawala ngunit lalo lamang humigpit ang mga braso nitong nakapalibot sa kanya. “Relax,” he said, sighing. “I just need a hug.” Lalong nanlaki ang mga mata niya. Hawak pa rin niya ang gasera. “B-bakit? Namatayan ka ba? May umapi ba sa’yo? Inagawan ka ba ng pag-ibig? Ano?” Bahagya itong natawa at saka nagsumiksik sa kanyang bandang lee ang mukha nito. Nanigas ang kanyang katawan at bahagyang nanginig ang mga kalamnan. What the heck is he doing? Is he sniffing her? Aso naman ito ngayon? “Sandali nga!” She pushes him a little and looked at him. “Inaamoy mo ba ako?” Kung oo, papatayin na kita ngayon din! Punyetang lubos! Pinapakaba mo ang inosente ko pang puso! He smiled a little, and noticed his other hand went just under her butt, and held onto the material of her ‘short’ shorts. “Pilya talaga si Kendra kahit kalian. She must bought these skimpy shorts to---Bloody cow!” Puno ng pagtataka itong tumingin sa kanya habang sapo ang pangang kanyang sinuntok. Malakas niya itong itinulak at ubod lakas ding sinapak. “Bakit ka nanununtok?” Huwaw na huwaw talaga! Siya na naman itong masama ang ugali gano’n? Idinuro niya ang ilong nito. “Eh, bakit ka nanghihipo? Ha? Ha?” "Nanghihipo?" balik tanong pa nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Yes! You were groping my butt! Bastos ka!" Nakuuu! Kung hindi lang talaga ito ang sasalba sa buhay niya ay lalayasan talaga niya ito! Nag-iinit ang dugo niyang sinampal ang ibabaw ng kamay nitong nakasapo pa rin sa pangang nasaktan. “Hindi porke pumayag akong yakapain mo ay may karapatan ka nang hawakan ako! Hoy Maximin! May kasalanan ako sa’yo, oo, pero i-respeto mo ako! Hindi ako katulad ng ibang babae na payag na payag lapastanganin ng mga lalaking gaya mo! Kahit gaano ka pa ka-guwapo! Tse!” Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong makasagot at agad niyang tinalikuran at mabilis na tinungo ang kanyang kuwarto. Nakapasok na siya sa loob nang may maisip. She then again reopened the door and walked towards him. Padaskol niyang ibinigay rito ang gasera. “O, hayan! Gamitin mo nang maliwanagan ka!” Panay pa rin ang kabog ng kanyang dibdib nang nasa kuwarto na siyang muli. Hindi naman gaanong madilim ang loob ng silid dahil tumatagos sa bintana niya ang liwanag ng buwan. The eerie light from the moon was actually giving the room an eerie feeling also. Datapwat wala ro’n ang kanyang atensyon. She is more shaken by Sean’s bold action. Matindi pa rin ang kaba sa kanyang dibdib dahil doon. Nanghihina siyang naupo sa maliit na katre na may manipis na kutson at saka tumanaw sa labas ng salaming bintana. Haring buwan, puwede mo bang sabihin kung ano itong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan sa tuwing lumalapit siya? Hindi naman na ako teenager pa para kiligin kapag nahuhuli kong nakatitig siya sa’kin? Am I losing my sanity? Na-trauma ba ako sa pambabaril sa amin? Kasi katulad ngayon, I am talking to you when in fact that you can’t give me answers because you’re a moon. Your task is to just give us light when everything gets dark. And--- “Ay, palakang piki!” gulat na naibulalas niya nang marinig ang pagtawag ng binata sa pangalan niya sa labas ng silid. “Ano na naman?” asik niya. Hayun na naman ang kaba niya. “Natutulog ka na ba? Labas ka na muna. I will make amends.” Ibang klase rin kung mag-demand! Naku, nakuu talaga! “Bakit hindi ka na lang humingi ng tawad?” Tumayo siya at naglakad patungong pinto. Tumayo siya ro’n. “Hindi ako hihingi ng tawad sa kahoy na pintong ito, Ira.” She rolled her eyes. “Puwede kang mag-sorry ng hindi kita nakikita.” “I can’t do that.” “Why not?” “Because that’s not me. Ano, sabihin mo na lang kung ayaw at nang makapag-move on na—“ Sean’s face lighten up when she already opened the door. Nakatayo ito sa mismong harap niyon gaya niya. Nagpakawala ito nang isang maluwag na ngiti at iniumang sa kanya ang hawak nitong isang…beer? “Hey, gusto mong uminom?” Napakurap siya at nanatiling nakatitig sa beer na inaalok nito. Gosh! Unang beses na may lalaking nag-alok sa kanya niyon at nagtanong kung gusto ba niyang uminom! Her gaze slowly went up to his face. Walang hiya! Ang guwapo talaga nito sa malapitan! “Ito na ba ang paraan mo ng paghingi ng tawad?” Her heart went into chaos when he sheepishly smiled, scratching the back of his neck. Gosh! Mukhang bukas ay mangailangan na siya ng psychiatrist! Nababaliw na nga yata talaga siya! “Kinda. Will you accept this lone beer as a sign of my—“ Inagaw niya na ang lata saka ito inirapan. Lumabas na rin siya at isinara ang pinto. “Ang drama mo. Labas na.” Nangingiti siya habang nauunang magtungo sa labas ng tinutuluyan. “Bakit beer? Hindi na lang kape?” tanong niya nang pareho na silang nando’n. He gulped on his can, sitting beside her on a wooden bench. Nakikita niya sa kanyang peripheral vision na nakatingala ito sa langit. “Walang nabiling kape.” Kunwa’y nailing siya ngunit binuksan na rin ang latang hawak at kaunting uminom. “Kung gano’n ay hindi ka boy scout.” Napansin niya ang pag-ngiti nito. “I did not had the chance to ask you for anything. Hindi ko na naisip pang baka gusto mong mag-kape.” “Nang-iinis ka ba?” “Hindi. May ihihingi pa nga ako ng tawad, ‘diba?” “Eh, bakit ‘yang tono mo ay nang-iinis na? Naku, hindi na kita patatawarin niyan.” Her breath caught in her throat when he looked at her. Nagtama ang mga mata nila dahil nakatingin siya rito. “Hindi pa ako humihingi ng tawad.” Nagpakawala ito ng isang ngiting may kakaibang dating. Umiling ito pagkatapos bago muling tumingala at uminom. “You remind me of someone,” ani nito na naging dahilan ng pagbuhol ng mga kilay niya. “Who?” “Someone in the past,” sambit nito na parang may inaalala. Nakangiti pa ito sa buwan. Na-curious naman siya. “Ex-girlfriend?” Umiling ito. “No.” “Ex-lover?” Bahagya itong natawa. “Geez, no.” Tumaas ang kilay niyang sinundan ang layo ng tingin nito. “A special someone maybe?” He went silent then. His lips quirked up after some time, finishing his beer. “Maybe.” Hah! She knew better! Kapag gano’n ang sagot ay alam na! Espesyal ang babaeng ‘yon sa buhay nito. And dang! Why is he seeing her in her? Nag-iisa lang siya sa mundo, ano! As in, wala siyang katulad! “Paano?” tanong niya. “Hmmm?” “Paano mo siya naaalala sa akin?” She gulped on her beer, savouring the bitter taste of the drink. Siguro ay hindi naman siya malalasing sa isang lata niyon. Itinabi nito ang wala ng lamang lata. “I dunno,” kibit-balikat na sagot nito. “I just see her in you.” Wow! What an insensitive thing to say to a lady! “Well, that’s…” Tumikhim muna siya. “Really offensive. Parang gusto uli kitang saktan.” And the brute has just laughed it off. “Wala akong ibang ibig sabihin do’n,” palusot nito. “I mean Jessica was a smart and very kind woman.” Natigilan siya sa sinabi nito. “Was?” Bumalik ang maliit na ngiti nito sa mga labi. His eyes became solemn too. “Yeah.” Ira blinked her eyes for quite a few times and really peered at him. Naka-side view ito sa kanya ngunit kita niya sa mukha nito ang dumaang lungkot. “W-was she a soldier too?” nakuha niyang itanong. Hindi naman ito naging maramot sa pag-sagot. “Yes.” Napalunok siya. “Did she die because of---“ “Bullets? Yes.” Napainom siya ng beer. With all the crappiness in the world, she’s feeling proud that someone her kind had the guts to fight for the country with her life. Pero kasabay ng pagpanaw nito ay mayro’ng isang taong nasugatan, nasaktan, at naiwan. Tinitigan niya ang binata. “Sean?” “Yeah?” “Were you in love with her?” Halatang natigilan ito sa tanong niya. Nakagat naman niya ang labi. She wanted to take it back. Siya yata itong naging insensitive sa mga bagay-bagay. Kung anu-ano ang itinatanong niya. Baka imbes na humingi ito ng tawad ay bumalik pa ito sa pagiging masungit nito. But then he finally decided to answer, her heart did skip a bit and then sank. “Yes, Ira. And I think that I still do.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD