CHAPTER 9 - DISTANCE

1441 Words
KARL'S POV Paakyat na ako ng kwarto dahil alam kong sinundo ni Ayie si Thom doon. Napatigil ako ng narinig ko si Thom na nagsasalita. Tumigil muna ako para pakinggang maigi ang sinasabi niya. Parang lasing kasi ang boses niya kaya kailangan ko pang ilapit ang tenga ko sa pintuan. "Ikaw ang problema ko. Ikaw Saiddie!" Yun lang nag mga narinig ko kasabay ng pag iyak niya. Hinintay ko pa ang mga susunod na mangyayari kaso wala na akong naririnig mula sa loob kaya bahagya kong ibinukas ang pinto. Kitang kita ko na nakayakap si Thom kay Saiddie at... Teka bakit sila naghahalikan. Paanong nangyari? Si Thom ba ang naunang humalik? Bakit? Paano nangyari? Natigilan ako at napabalik ng hakbang palabas ng kwarto. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Si Ayie nagmamadaling lumalabas ng kwarto. Nakita kong parang shock ang mukha niya. So si Thom ang humalik? Pero sabi niya magpapaubaya siya. Bakit niya nagawa sakin to? Di ko na naintindihan ang mga sinabi ni Ayie dahil masyado mabilis ang pagtakbo niya palabas ng kwarto. Nilapitan ko si Thom. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Masama ang loob ko. Hinsi ko nagustuhan ang ginawa niyang iyon. May pangako siya sa akin pero bakit siya hindi tumupad sa usapan. "Oh Karl!!! My friend!! Nandyan ka na pala. Ano kamusta naman ang pagtatapat mo kay Saids? Nagtagumapay ka na pare. Ikaw" turo niya sa akin. "Ikaw ang nagtagumpay! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto. Masaya ka na ba? Sa palagay ko masayang masaya ka. Samantalang ako... Eto mukhang tanga na naglasing mag isa. Sorry pre hindi pala madali. Hindi ko pala kaya.." humihikbi siya. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa mga linyang binitawan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nasaktan din ako sa ginawa niya. Hinalikan niya si Ayie!! Di ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil naiintindihan kita pero f**k gusto ko din maintindihan niya ako. "Wag kang mag alala Karl, ngayon lang to. Hindi mo na ako makikitang luluha. Kung ano man ang nangyari ngayon ay idedeny ko kinabukasan. Pero sorry pare, hanggang di pa naghihilom ang sakit sa puso ko, wag mo sana ako pilitin na kaya kong umartw na hindi ako nasasaktan. Lalayo muna ako pre. Lalayo muna ako para di ako masyado masaktan. " Matagal ko siyang tinitigan. Hindi ko pa din alam kung ano ang sasabihin ko. Bumuntunghininga na lang ako. Nang walang marinig sa akin ay nakita ko na lang na tumayo na siya at lumabas ng pintuan. Iyon na ang huling araw na mag usap kami. SADDIE'S POV I can say that our Tagaytay trip was one of my happiest day. I have two unforgettable experience in that place. Una ng mag propose si Karl na ligawan ako. And the second one is my first kiss. OMG at the age of 16 nakiss na ako ng hindi ko naman jowa... Ano ba yon!! I don't even have crush with Thom. I was just an accident. Walang may gusto ng nangyari. Speaking of Thom, well bumalik na nman ang dating si Thom. If you'll know going to talk to him, sorry ka na lang. I don't know kung iniiwasan niya ako dahil sa nangyari sa Tagaytay.. Pero bakit buong tropa ay iniiwasan din niya. Hindi lang ako ang nakakapansin, pati sila Fritz. Sabi pa ni Kathy hindi na din nag uusap sila Karl at Thom since ng araw na yon. Mabilis na lumipas ang panahon malapit na naman matapos ang school year. Mag 4th year na pala ako pero hindi pa din ako lumalaki. Hehehehe! About Karl, ayun masugid ko pa ding manliligaw. I already talked to him na kung di niya kayang maghintay till mag college ay itigil na lang niya dahil hindi pa open ang isip ko sa ligaw ligaw dahil baka palayasin ako ng nanay kong dragon. Lumipas ang mga buwan na nasanay na din ako sa CAT with Karl always teach me para hindi ako maging lampa lagi. Sobrang sweet ni Karl sa akin. His mom always packed our lunch kaya minsan nagtataka na ang nanay dahil hindi na ako nagmemeryenda pag uwi. Bukod kasi sa baon ko ay binabaunan pa ako ni tita Mykka. Spoiled na spoiled n ako sa kanya. Minsan namimiss ko ang compang ni Thom. Company ba talaga niya Saiddie??? Baka naman yung kiss niya? OMG ano ba nangyayari sa akin. Kung ano ano napasok sa isip ko. Lagi na lang ako iniiwasan ng lalaki na yon. One time nakita ko siya sa may hallway na may kausap na magandang 2nd year, mukhang type siya kasi binibigyan siya ng chocolates pero ang lolo mo Thom ng makita ako bkgkabg sinoli doon sa girl. Kawawa naman tuloy si ate girl. THOM'S POV How many months na ba ang lumipas? I still can't forget my first kiss. Siguro magiging masaya na ako kasi kahit na hindi ako ang pinalad na manligaw, ako naman ang nakauna sa mga lips niyang maliit at malambot. Saiddie Ayesha. Ang cute cute ng name niya kasing cute niya. I promise that pag di pa din niya sinagot si Karl sa next school year, I'll court her na. Matagal na akong nagparaya. Parang di ko basta basta makakalimutan ang aking munting anghel. I remember last christmas party namin, I asked Claude na ibigay ang gift ko kay Saids. I bought that gift sa isang antinque shop sa Tagaytay ng namili kami ni mama ng pang decorate. Its a key chain na angle na naka damit ng kulay violet. Alam kong violet ang favorite color niya. Masaya naman ako dahil nakita kong nakasabit sa wallet niya yung keychain. She texted me para magpasalamat. "Thom, thanks for the gift. Nagustuhan ko sobra. Kaya sa sobrang pagkagusto ko ginamit ko agad at inilagay sa wallet ko. I miss you na po kailan kaya babalik ang dating Thom? Hoping for your presence soon. Again thanks!" That message made me think na baka kailangan ko din siyang ilaban. My Mama always telling me na kung may gusto kang gawin sa buhay mo wheather may talo ka, sumugal ka kasi doon mo malalaman kung gano ka katatag na tao. About my friendship with Karl. We have our agreement na pag nabusted siya saka ako liligaw. Kaso hindi pa pala pwede si Saids magkaboyfriend ao ibang usapan na iyon. Sa totoo lang gustong gusto ko ng kausapin si Karl. Namimiss ko na din ang samahan namin. Pag napunta si Mama sa bahay nila, hindi ako nasama at laging nagdadahilan. Alam kong alam na ni mama na may something sa aming dalawa. Ibabalik ko naman sa dati ang lahat pero hindi pa ngaun. Sobra lang akong nasaktan kaya ko hindi magawang pansinin pa si Karl. LAVERNE @20. Ilang araw din naming pinaghandaan ang araw na ito. Foundation day is our favorite event here in our school. Dahil ika 20th Founding anniversary, naging maganda ang theme ng school. Ngayong taon na to, ang host ay ang 4th year dahil sila ay malapit ng grumaduate. Just like before may mga ibat ibang booth na nakakalat sa buong school. Naassign ako dito sa Jail Booth. Sa dami ng nagkakacrush sa akin, kaya kumikita ang booth na to. Ang daming nagpapasadyang magpahuli. Ang booth nila Saids ay napalayo sa akin kaya di ko siya nakikita. Make up booth ang sa kanila. Di ako makalapit nakakahiya kasi di naman ako magpapamake up. Sa tapat ng booth namin ay ang marriage booth at si Karl naman ang nakabantay dito. Napapailing na lang ako kasi ilang babae na ang humila sa akin para kunwari ay pakasalan ako. Ganun din naman si Karl na sa palagay ko ay kumota na sa dami ng nagpakasal. Napatingin ako ng biglang may nagsigawan sa booth ni Karl only to find out na may nagparegister daw ng kasal ni Karl at Ayie. Gusto ko sanang hindi manood eh kaso di ko maalis yung tingin ko kay Saids. Ngayon ko lang ulit siya natitigan. Suot suot niya ang belo na isa sa props nila Karl. Dahil siguro nasa Make up booth kaya nakamake up din siya. Ang cute niya. How I wish na sana ako ang katabi niya sa altar habang kinakasal kami. Hala ano ba yan Thom. Napapailing na lang ako ng dahil sa mga naiisip ko. May pa singsing pa, kaya ng matapos ang basbas ni Mico na naging pari sa booth nila ay isinuot na nila sa isat isa ang singsing na kasama din s booth. Sige lang Karl sa ngayon ikaw ang pinakasalan, pero I'll do my best para sa totoong kasal, ako na ang lalaking maghihintay sa kanya sa altar. Mark my word.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD