KARL'S POV
Ilang araw ma lang ay matatapos na ang pagiging 3rd year namin. Here we are right now sa oval. Pagod na pagod na kmi kakahabol sa mga teachers namin na nananadyang magtago para mahirapan ang mga students nila. Well I find it fun. Oks lang na mapagod basta kasama ko ang Ayie ko. Pawis na pawis siya dahil wala siyang ginawa kundi bilisan ang takbo. Masyado maliliit ang mga biyas niya sa pagtakbo kaya kailangan niyang doblehin ang bilis niya para makahabol. As a gentleman, I make sure na nasasabayan ko pa din siya. At higit sa lahat na nakakatuwa ay napapa holding hands ako sa kanya. Pag hawak ko yung mga kamay niya parang may kuryente na dumadaloy sa mga kamay ko
"Nakakaasar no maghihiwa hiwalay na naman tayo. Saan ang bakasyon mo ngayon Ayie?" Tanong ni Kathy.
"I think hindi kami aalis sa bahay ngayon. Busy ang tatay eh. Hindi daw siya pinayagang mag VL ngayon so baka sa bahay lang kami" narinig kong sabi ni Ayie. Parang ayoko tuloy sumama sa province. Though masaya ako doon sa Bicol, mas bet ko atang kasama si Ayie. Magpapaalam ako kay Mommy.
"Kami papunta atang Hongkong eh. Naexcite nga ako surprise pala ni ate na doon ako magbakasyon dahil birthday ko daw." si Claude naman ang narinig ko na parang excite na excite.
"Hmmm mamimiss na naman natin ang isa't isa. Sila Fritz sa Cagayan na naman at kami sa Laguna. Malungkot na sabi ni Kathy.
" Ui pasalubong ko ha!! Alam ninyo na yung favorite ko. Ayyy teka ikaw pala Karl saan kayo? Tagaytay ba? " dahil sa tanong niya ay napatingin ako sa kanya at para bang nahipnotismo ako dahil kahit na pawis na pawis si Ayie mukha pa din siyang malinis at mabango.
" Oi Karl! Ano ba yan nagandahan na naman kay Saiddie."napapakamot na sabi ni Fritz
" Ahhhh sorry naman alam ninyo naman na deads na deads ako sa baby ko na to"
"Tumigil ka Karl hehehe hindi ako baby. Pag ikaw narinig ng tatay lagot ka doon. Halika na nga mag meryenda na tayo nagugutom na ata tong si Karl."
SAIDDIE'S POV
Nakakalungkot naman ang bakasyon ko. Hindi kasi kami umalis ngayon. Ito namang si kuya ako lagi napagtitripan. Kailangan daw niya rumaket kasi magpapakasal na daw siya kaya eto ako ngayon. Ngalay na ngalay na kakahawak at kakamodel ng mga damit at kung ano anong accessories na binebenta nila ni Ate Alex. Actually kay ate Alex to pero ngayon dalawa na silang nagbebenta.
Ahhhh ngalay na ako. Wala kasi si ate Alex umuwi ng QC kaya ako ang nauto ng magaling kong kuya.
"Ayy naku Saiddina galingan mo naman ang hawak dyan sa mga bags na yan. Orig daw yan sabi ni Alex"
"Kuya parang oks na kahit wala akong pera ngayong bakasyon. Napapagod na ako. Kanina mga hiphop na damit pinasuot mo sa akin. Mukha akong hanger hahahha! Tapos biglang pagirl naman ano bey!!"
"Aba ganun talaga baby girl need mo maghirap para kumita. Diba gusto mo bumili ng new cellphone. Sige na last na yung 5 bags na yun tapos tom na ulit"
Nakasimangot na talaga ako... Hay kuya ka ng awa. Sabagay hindi naman ako ibibili ni Nanay ng bago kaya sige na nga....
Salamat naman at nakapagpahinga na din. Pumasok ako ng kwarto at nagbukas ng radyo ko. Pinatugtog ko ang usual music ko s kwarto.. Linkin park lang naman.
"Saiddie ano ba yan kanina pa ako natawag ehhh.. Ang ingay ng kantang yan patayin mo!" as usual panirang nanay hehehe naging dragon na naman po siya. "Telepono. Bilisan mo kanina pa yun nakahang baka tumawag na tatay mo" bago tumalikod agad agad.
Sino naman kaya ang tatawag sa akin. Lahat sila ay nasa bakasyunan ako lang ang naiwan. Ah baka si Karl. Tatawagan daw niya ako pag nasa Bicol na sila. Kaso kakaalis lang nila ng Mommy niya kaninang madaling araw.
"Hello?"
"Hi Saids!"
"Thom?"
"Hahaha! Kilala mo pa pala boses ko. Kamusta na po ang angel ko?"
"Oi buhay ka pa pala. Biglang nakaalala?? Nabuhay ka hehehhee!" wow ha nagulat ako sa kanya.. Tagal na kasi kaming di nag usap at parang hangin lang ako sa harap niya pag nadaan ako.
"Grabe siya! Wala bang hoy Thom namiss kita ganun." namiss ko nga siya sa totoo lang hehehe pero ayoko namang sabihin yun no.
"Aba ikaw tong nagsuplado diba?? Di ko alam kung may nagawa ba ako sayo. Teka bakit pala napatawag ka? Dahil ba naiisip mo na wala akong makausap at gusto kong kumain ng shawarma?? O baka naman yayain mo ko sa SM Dasma hehehhe!"
"Whahaha namiss ko yang katakawan mo. Ang aleng maliit nagutom na naman. Tara tara treat ko. Puntahan kita dyan paalam kita kina Tita. Bihis na at napakabagal mo pa naman magbihis."
"Ok ok bye bye. Kita kits later"
THOM'S POV
I'm so bored. Walang magawa. I need to do something. Ilang movies na ang napanood ko, alone. Wait wait wait. I heard from Claude na hindi nagbakasyon sa Batangas sila Saids. Is it ok to call her? Aba why not! Di ba nga I decided to court her na.. Maybe this is the right time while Karl is not around. Sabi ni Mama kakaalis lang nila Karl at ng mommy niya this morning.
Don't worry about our parent's relationship. Tita Mykka and mom are still friends. Wala silang ka ide idea na there is something wrong with the two of us. I know Karl, hindi niya ikukwento sa mommy niya dahil tulad ko, ayoking masira ang friendship nila.
"Hello?" OMG kinakabahan ako. Si Saids na ang nasa line. It was her mom ang unang nakasagot sa tawag ko. I already planned on how to invite her.
"Hi Saids!"
"Thom?"ramdam na ramdam ko ang gulat sa boses niya. Di ko siya masisisi matagal din ng huli kaming magkita. Di ko din naman maitago ang pagkamiss ko sa kanya.
Masayang masaya ako habang kausap siya. Giliw na giliw ako. At tama nga ang nasa isip ko pero nagulat lang ako na siya pa ang nag aya sa akin. At eto na akong busy sa pagpapa pogi sa harap ng salamin. Nakailang palit na din ako ng damit ko. Yung buhok ko nakailang suklay na ako.
SAIDDIE'S POV
"Saiddie!! Halika na bumaba ka na dyan at kanina pa tong si Thom dito. Napakabagal mo kumilos na bata ka. Kaliit liit mo naman." kaloka talaga yang nanay ko. Pinapahiya ako sa bisita.
"Nay naman... Nakakahiya kay Thom lakas lakas ng boses mo." nakabusangot ko pang sabi kay nanay.
"Hoy Saiddina nakakahiya naman talaga yang kilos. Ang bait pa naman ng pinagpaalam ka. Kung wala lang dalang spaghetti di kita ipapasama. Hahahha!"
Inirapan ko na lang si Nanay. Aba magaling tong si Thom ha marunong mang uto. Talagang nagbitbit pa ng pang suhol niya.
Hindi nga ako nag sisi ng sumama ako kay Thom. Busog na busog na busog ako. Nagtataka ako sa katawan kong ito, pagkaliit liit eh ang takaw takaw. Di na ako nahihiya kay Thom alam na lama nan iya yon hehehe. I like foods, no no I love foods.
"Ano pala pinagpaalam mo kay nanay at napapayag mo agad? Naku hirap ako magpaalam doon kahit na sa labasan lang. Higpit higpit nun.."
"Ah sabi ko kasi ide date kita"
"Ano! Baliw tigilan mo ako edi lalo di pumayag yun. Hahaha at ikaw??? Ide date ako? Kailan pa nasama sa bokabularyo mo ang mag date? Hahahha ihe headline ko yun pag nangyari."
Natatawa ako dito kay Thom. Kilala ko na kasi siya. Never ko pa nga siya nakitang nakipag date eh o kaya nagpacute sa mga girls na halos iluwa na ang mga dibdib pag nalapit sa kanya. Laki ng pinagbago ni Thom since last na nag usap kami.
I was so busy eating my Favorite Turks Shawarma nagulat naman ako kay Thom biglang lumapit sa akin at mabilis na pinunasan ang bibig ko. Napatigil ako sa ginawa niya. At OMG ang lapit ng mga lips niya sa akin. Biglang nagflash back sa akin ang araw na we accidentally kissed. Hindi ko pwede makalimutan iyon. His lips na sobrang lambot. I remember the smell, amoy alak. At that was my first kissed how am I supposed to forget that.
"Ang dumi mo talaga kumain. Tingnan mo nagkalat yung sauce sa bibig mo. Di ka pa din nagbago eh namiss kita alam mo ba yun Saids? It's been 6 months na nagtiis ako di ka kausapin. I felt stupid tuloy for letting those days na lumipas ng di kita nakasama."
" Wow ha haba ng line. Pero seriously, namiss din kita Thom. Wala na akong tagapag tanggol. Ano bang issue? Wala naman ako natandaan na pwede mong ikagalit sa akin. Last thing I remember is when we ki.. "napatigil ako at natakpan ko ang aking bibig. Ang daldal daldal ko kasi. Nakakahiya ka Saiddie.
Napatayo ako" Wait lang CR lang ako Thom"
Nagmamadali akong tumakbo. Piling ko pulang pula ang mukha. Nakakahiya talaga. Ano gagawin ko??? Umuwi na kaya ako? Nakakahiya talaga ako. Wala sa loob akong palabas ng CR nagulat ako dahil nakatayo sa may tapat ng CR si Thom. Ang loko ngiting ngiti pa sa akin.
"Hoy Saids whahaha saan ka pupunta? Wala naman akong narinig. Kaya wag ka ng mamula. Tingnan mo yang mukha mo pulang pula."
Hindi ako makapagsalita. Sinabayan ko na lang siyang maglakad. Patuloy pa din siya sa pagtukso sa akin.
"Nakakainis ka! Hoy Thom mapaihi ka dyan sa pantalon mo kakatawa! Tumigil ka na."
"Hahahha eh kasi naman kala ko di mo na yun maaalala eh. Ikaw kasi bat mo ba ako kiniss noon?"
Nagulat ako sa sinabi niya kaya inambaan ko siyang hahampasin pero ang loko nag tatakbo. Hanggang sa mapagod kaming dalawa at napaupo sa isang bench dito sa malapit sa Tom's world.
" Alam mo Thom ikaw namamana na kay Karl sa kalokohan. Dati di ka naman ma joke ehhh!!"
"Ayaw mo ba? Gusto mo suplado look ulit ako?"
"Hindi naman pero ang dami na nagbago sayo. Siguro may nililigawan ka na din no? Ay baka nga may jowa ka na. Kaya siguro iniwasan mo kami no???"
"Sa totoo lang Saids merong isang bagay talaga na hindi nagbabago sa akin eh"
"Ano naman kaya yun??"
Ang tagal niyang sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Anong nangyari sa lalaki na to. Hindi din nakurap. Titig na titig sa akin. Aba mastoke na ata ito. Kinumpas kumpas ko ang mga kamay ko sa harap ng mata niya kasi baka mahanginan. Nagulat ako ng hinawakan niya yung mga kamay ko.
"Alam mo Saids kung ano yung di ko kayang kalimutan? Yung pinilit kong kalimutan pero di eh ayaw nito.." turo turo niya ang kanyang puso. Ano ba sinasabi nitong si Thom.
Hinintay ko pa siyang magsalita dahil wala talaga akong idea kung ano ba yung sinasabi niya.
" Di ka makalimutan ng puso ko. Siguro naman 5 months is enough para sa pagpapaubaya ko kay Karl. Saids pwede bang patunayan ko sayo ang sinasabi ng heart ko? Pwede ba kitang ligawan?"
"Hahahaha!! Ang corny Thom tigilan na natin ang joke na ito at tayo ng umuwi. Nadilim na oh."
Mabilis akong tumayo. Kinakabahan ako dahil kahit dinaan ko sa joke alam komg seryoso si Thom sa sinasabi niya. So all this time pala nagtiis siya at nagparaya kay Karl para ligawan ako? Kaya siya umiwas dahil kay Karl? At ngayon eto, gugulatin ako asking permission na ligawan ako.
"Saids you know I'm not joking. I'am begging you, please allow me to court you. Please??