SAIDDIE'S POV
And that's all things started. End of a very long flashback. Pagkatungtong palang namin ng 4th year ay hindi na ako tinantanan ng dalawang ito. Para na silang bubuyog kung makadikit sa akin. Ang nakakainis pa pareho namang pikon. Pag inasar ng isa mapipikon naman ang isa. Nakakapagod na din sila.
But then, ang maigi lang sa kanila, they gave each other a time para naman hindi sila laging sabay sa pangungulit sa akin.
Dahil din sa dalawang ito kaya naman madaming nagagalit sa akin. Yung mga bashers ko na wala ng sinabi kung hindi.. "Di naman pala maganda eh, bukod sa morena lang eh ang liit liit pa. Parang bansot" at kung ano ano pang panglalain sa aking kagandahan. Sabi ko nga, I know I'm not beautiful aba kasalanan ko ba na tong dalawang handsome guys na ito eh ako ang ligawan.
Alam na nila Nanay ang panliligaw ng dalawang ito. Sabi nga nila eh hindi naman nila pwedeng pigilan ang mga lalaki dahil sadyang cute ang kanilang unica hija. Well, sabi nila yon. Si tatay kinausap na din naman ako. Since I'm incoming college na daw, pwede naman na daw ako mag boyfriend not jowa ha. Sabi ni tatay wag ko hahayaang ang sasagutin ko sa dalawa ay tawagin akong jowa dahil salitang kalye daw yun.
Believe din ako sa dalawang iyon. Aba eh kumakyat din ng ligaw sa bahay. Nagpaalam pa kina Nanay. Ang naunang naglakas ng loob ay si Thom. Every Saturday, nasa bahay sila with chocolates pang dalawa. Sa bahay mas boto si tatay kay Karl pero si nanay maa boto naman kay Thom kaya kanya kanyang build uo ang mga magulang ko. Parang binebenta na ako hahahha joke.
Back to my very big decision to make. I already told Karl na may napili na ako sa kanilang dalawa ni Thom. Ngayon lang ata ako hindi na excite sa birthday ko dahil sa nasabi ko kay Karl. Kailangan ko na ba talagang sagutin ang isa sa kanila.
Sabagay, talaga namang may isa sa kanilang mas lumalamang sa puso ko. Hay ilang araw na lang ay birthday ko na. Matagal na sin silang naghihitay sa mga sagot ko. Sana lamang ay maging sports sila. Saka para matahimik n din ang pang aasar sa akin ng mga bashers na malandi daw ako dahil daladalawa ang kasabay kong umuwi.
Describing how they court me....
Pareho silang maalaga. Saan nga ba may lumamang? Siguro yung charm ng panglalambing.. Mas manly para sa akin kasi ang tapang tapang at brusko ang dating. Parehong habulin ng chicks lalo na si Karl. Mas madaming nagkaka type kay Karl at talaga namang magaganda at sikat sa school namin. Nandyan si Amanda na cheerleader na tinanggal ako sa cheer dance namin. Nandyan din si Pia na hindi ako sinali sa Gazette Newspaper ng School. At higit sa lahat, si Maya na isang Model. Sa lahat ng mga chicks na yan, si Maya ang makapal ang mukha. Inaayawan na ni Karl ay lapit pa din ng lapit.
Hindi naman papahuli tong si Thom. Nandyan si Louise na anak ng isang teacher namin. Kulang na lang sabihin sa nanay niya na ibagsak ako sa Math subject namin. Si Melissa naman ang dahilan kung bakit naparusahan ako na kumantang mag isa ng Lupang Hinirang dahil hindi niya ako pinapasok sa gate kahit na may limang minuto pa ako bago malate dahil siya ang bantay noon sa gate.
Hay naku kung experience lang din quota na ako sa dalawang yon.
November 8 - Sunday
This is it. Birthday ko na po batiin ninyo naman ako! Si nanay at tatay ay sinurprise ako ng isang napakagandang laptop. Tuwang tuwa ako dahil matagal ko ng inuungot sa kanila ito.
Nagluto pa din si nanay ng masarap na tanghalian. Hindi kasi uso sa pamilya namin ang mag handa pa kaya naman nasanay na kami na magluluto na lang or kakain sa labas. Pinayagan din nila akong kina Fritz na mag handa ng konti para sa tropa. Nakausap na ni Nanay si Tito Larry at nagkasundo sila na doon na nga sa bahay nila Fritz. Malaki kasi ang space sa bahay nila samantalang sa amin ay maliit lang. Saka maganda doon kina Fritz hindi maririnig nila nanay ang pagsagot ko sa isa sa mga mamliligaw ko.
"Happy birthday! Happy birthday!!!! Happy birthday Saiddie!!!"
Ang saya saya ko ngayong araw na ito. Nandito lahat ng mga close friends ko.... Maliban na lang kay...
"Hi Saiddie! Happy birthday!" si Maya!!! Nandito!! Sinong nag invite sa kanya.
"O Maya nandito ka pala. Sinong nag invite sayo?" sarcastic kong tanong sa kanya. Hindi kami close para pumunta siya dito.
"Sorry Saids, napadaan kasi sa bahay si Maya. May pinadala kasi yung mommy niya para kay Mom kaya pinasama na sa akin ni Mommy." alanganing ngiti ni Karl habang nagpapaliwanag.
May magagawa ba ako eh nandito na siya.
"Anong ginagawa ng panget na yan dito beh?" tanong ni Fritz. "Paano plano natin?? Gusto mo pauwiin ko na?" dagdag pa niya
"Hayaan mo na nga yan. Tuloy pa din ang plano."
Nasira na ang araw ko dahil sa presensya ni Maya. Umpisahan natin sa napaka revealing na damit niya. Naka pekpek short at croptop pa. Yung ibang tropa na boys nakuha na ang buong atensyon niya. Ang nakakainis, ang hilig niyang lapitan si Karl sa posisyon na parang hahalikan na niya. Bulong ng bulong at ang loko ayun parang nag eenjoy sa pagbulong bulong ni Maya. Ang siste, naging center of attraction na ang dalawa. Tinukso na ng tinukso ng mga kalalakihan ang dalawa kaya ng magpatugtog na ng malakas si Fritz ay silang dalawa ang nasa dance floor na pinaghirapan pang gawin nila Fritz, Claude at Kathy. Dahil hilig naming apat ang sumayaw, kaya ito ang naging surprise nila sa akin.
Kaso... Ang damuhong Karl enjoy na enjoy talaga sa pag sayaw kasama si Maya. Naiinis na ako. Inis na inis na ako talaga.
Late na dumating si Thom dahil sinamahan pa niya ang kapatid niya sa Piano lesson nito dahil wala si Tita Charrie. Pinakain na muna namin si Thom at saka na namin gagawin ang plano.
"Ok guys! Tama na ang sayawan. Lets play naman." si Fritz iyon. Ito na ang finale ng birthday na ito. Kaso mukhang nawawalan na ako ng gana sa mga magaganap ngayon. Nagdadalawang isip na ako. Parang hindi ko gusto ang magiging kahihinatnan kung itutuloy ko pa ang pagpili sa kanya.
" Sige sige ano ba yang larong yan?" excited na tanong ni Claude
"Truth or dare!!! Para naman exciting. O sige na bilog bilog na ng malaki. Eto na hawak ko na ang bote"
Sa pag upo ko palang tumabi na sa kanan ko si Thom at sa kaliwa naman ay si Karl at si Maya... Hindi na tinantanan si Karl katabi pa ni Karl at nakita kong dinikit pa ni maya ang mga hita niya sa hita ni Karl habang naka indian seat.
Nag umpisang paikutin ni Fritz ang bote. Pag minamalas ka nga naman, kay Maya tumapat.
"Truth or Dare?!!!" sabay sabay na tanong ng mga kalalakihan.
"Dare na lang para fun naman" malandi pang pagkakasabi niya sabay kindat kay Karl. Hmmmpppppang sarap sapakin ng babaeng to. Napakatalembong ehhh..
"Kami na lang mag uutos Fritz pwede ba?" Tanong ni Niel. Sa pagkakangiti nito parang kalokohan ang iniisip.
"Maya kiss mo naman sa lips ng 10seconds ung lalaking type mo"
"OMG sure kaba?? Baka naman may magalit pag ikiniss ko siya?"
"Hindi yan laro laro lang naman eh." sigaw pa ni Sol.
Tumayo pa ang loka at nagpa ikot ikot sa aming lahat bago umupo ulit at humarap kay Karl. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mata ni Karl ng ilapat ni Maya ang labi niya sa labi ni Karl. Kanya kanyang hiyawan ang mga lalaki at sabay bilang ng hanggang sampu. Sampu na pero hindi pa din inaalis ni Maya ang labi niya sa labi ni Karl. Pero si Karl parang natauhan at biglang itinulak si Maya.
Hindi pa din tumigil ang mga lalaki sa pag tukso sa kanila. At ako.. Parang nawalan na ako ng gana. Ayoko na ata hindi ko na kayang ituloy. Hindi ko pa nga boyfriend may nalandi na, pano pag kami na.
Wala na ang focus ko sa laro. Gusto ko na atang matapos. Napatingin ako kina Karl at Maya. Si Maya walang tigil ng lambing kay Karl. Nakikita ko naman na parang nag eenjoy ang loko. Magsama sila. Nakakainis!
"Owwwww Saiddie ikaw ang natapatan. Truth or Dare???!!! Sabay sabay na tanong nila. Napatingin ako kay Fritz. Nag uusap ang mga mata naming dalawa. Parang umaayon si Fritz sa mga nararamdaman ko. Pero wala akong choice.
" Truth na lang siguro baka kung ano pang ipagawa ninyo di ko kaya yung ginawa ni Maya."
Tumingin ako kay Fritz at tinanguan siya. Itutuloy ko na nag aking naunang plano.
"Ako na magtatanong sa bestfriend ko! Last na tong truth mag kainan na ulit tayo kaya dapat ang tanong ko ay bongga. Birthday girl, we all know that you have two suitors! Two suitors!" ulit pa niya na isinigaw sa harap ni Maya.
Huminga muna siya ng malalim." So Saids, meron na ba kina Karl at Thom ang bumihag sa iyong little heart??? I mean, can this be the day na pumili ka na sa kanilang dalawa? "
Natahimik ang lahat. Even Maya, napatigil sa panlalandi niya kay Karl. Nagdadalawang isip ako sa isasagot ko. Kailangan ko na bang sumagot?
"Si Thom! Sinasagot ko na si Thom!" ang tahimik ng lahat. Pati si Fritz nagulat sa sagot ko. Oo alam ko hindi siya ang gusto ko. Si Karl ang gusto ko pero, pero naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa kanilang dalawa ni Maya kaya magsama sila.
Hindi ko namalayan na apat na lang kaming nakaupo nila Thom, Karl at Maya dito sa salas. Naunang tumayo si Karl. Inabot sa akin ang isang maliit na box.
"Happy birthday Ayie! Sana magustuhan mo yang regalo ko sayo. Thom congrats! Sana ingatan mo siya."
Mabilis siyang tumalikod. Sumunod naman si Maya sa kanya.
"Saids! Thanks for choosing me. I'll promise to love you for the rest of my life. Here, eto yung gift ko sayo. Hope you'll like it."
"Thanks!"
Yeah that birthday is my worst birthday. And here I am now. I started opening the gifts from my friends. Una kong binuksan ang gift ni Karl. It is a box of I think jewelry? I opened it and I started to cry. Parang nagsisisi na ako at gusto ko ng bawiin kay Thom ang pag oo ko at ibigay iyon kay Karl. Ang cute ng necklace na binigay ni Karl and the pendant is the name he gave me, AYIE. It looks elegant. Ang ganda ganda talaga. How can I face him.
I was about to stand para maglinis ng katawan when my phone ring. It's Thom.
"Hi Saids! Musta? Napagaod ka siguro."
"Ah oo eh. Napagod ako sobra."
"Ganun ba, I just called to ask if nagustuhan mo yung gift ko?"
"Oh ay sorry di pa pala ako nag open ng gifts" pagsisinungaling ko sa kanya. "Later after ko mag linis ng katawan open ko na agad. Salamat pala ulit sa gift"
"Ok then see you tom? Can I pick you up tom? Sabay na tayo pumasok?"
"Hmmp di ko pa kasi nasasabi kina Nanay na tayo na. Oks lang ba after ko na ipaalam sa kanila? Saka na tayo magsabay?"
"Ok sure! Di ko na patatagalin alam ko naman na pagod ka. See you tom angel! Love you!"
"Ok Thom! Good night!"