After 7 years......
SAIDDIE's POV
"Hello Kuya! Ohh kamusta ka na dyan sa Saudi? Kailan ba uwi ninyo dito? Aba eh ilang taon na kayong nandyan ni Ate Jaz. Miss na namin kayo."
"Kaya nga ako napatawag eh. Pauwi na kami this Saturday. Nakausap ko na ang nanay at tatay. At ano na naman tong naririnig ko na lilipat ka na naman ng company? Aba'y pang ilan mo na ba yan??"
Eto na naman po kami. Bakit ba lahat na lang makasama ko ay big deal na big deal sa kanila ang paglipat lipat ko ng company. I just want to explore. Pang lima ko palang naman tong inapplyan ko ngayon no. Simula ng grumaduate ako 3 years ago sa kursong Civil Engineering ay nag explore na ako sa iba't ibang company dito sa Pilipinas. Kasalanan ko ba kung ang mga kumpanya ang nag pipirata para lang mapabilang ako sa kanila.. Don't get me wrong pero nagsasabi lang talaga ako ng totoo. Alam namang di ko patusin yun palaki ng palaki ang offer eh.
"Saiddie can you hear me? Di ka na sumagot diyan. Anong company naman tong lilipatan mo ngayon?"
"Chill kuya! Ano ka ba eh alam mo naman na doon ako sa maganda offer. Gusto ko naman na kumita ng malaki para kina tatay at nanay lalo na ngayon at my maintenance ang tatay. Mahal din ang mga gamot kaya pag my malaking offer go lang ng go. Kilala mo naman ang kapasidad ko kuya, masipag lang talaga kaya inooperan ng malaki. "
" O siya siya parang ganyan din ang sinabi mo ng nakaraan. Pero icheck mo na lang din muna baka di naman maganda yung company na yan. Meron ditong hiring sa malapit na site sa company na pinapasukan ko. Kung gusto mo naman eh... "
" Zanjoe Mendoza! Ayan ka na naman kuya eh.. Lam mo namang ayoko nga lumayo dito kina tatay at nanay. Alam mo naman si tatay makulit na kaya lagi kaaway ng nanay. Mung nakaraan nga eh gisto pang mag OT sa trabaho. Sabi ng bawal ang napapagod na maigi.
"Sabi ko nga.. Sige sige na pakihanda na lang ang tutulugan namin ng ate Jaz mo ha. We are planning to have a baby at it is a Must kaya plano namin mag unwind unwind muna para makabuo na."
"Excited na nga ako dyan sa pamangkin ko. Bilis bilisan ninyo naman hehehe baka maunahan ko pa kayo"
"I doubt it! Ni wala ka ngang jowa pano ka magkakaanak. Hahahaha!! Oi Saiddina mag hanap hanap ka na ng majojowa mo ng tumino na yang buhay mo. Nga pala tinawagan ka na ba ni Karl? Nagkita kami dito sa Dubai eh nag tour sila. May reunion daw pala kayo sa susunod na Linggo. Magpaganda ka at baka doon mo makita ang prince charming mo."
Eto na naman kami. Kailan ba nila ako tatantanan. Kababae kong tao eh parang binebenta na ako ng tatay at kuya ko. Sino daw ang nakita niya si Karl? Aba buti pa yung mokong na yun patour tour na lang.
" Talaga ba nagkita kayo? Sosyal talaga yung lalaki na yun pa tour tour na lang. Hindi pa niya ako tinetxt at tinatawagan." Buti kung kausapin pa ako nun. Friend naman kami sa sss di niya nga ako pini PM.
"Ay uu nga pala, binusted mo kasi ehh. Sayang edi sana ikaw ang kasama niya sa Dubai. Ang ganda pa naman ng.." Di na natuloy ni kuya ang sasabihin niya dahil...
"Aba aba.. Isusumbong kita kay ate Jaz.. Maganda pala ha. Saka kuya naman tagal na nun. Puppy love lang yun. Ibig lang talaga sabihin di kami para sa isa't isa."
"Sa bagay o eh ano ba pupunta ka ba sa reunion? Kasi kung pupunta ka eh bibilhan kita ng damit dito at ng mga kolorete baka sakaling makahanap ka na ng magiging bayaw ko."
"Kuya!!!!" Napasigaw kong sagot kaya napatingin sa akin ang nanay ko.
"Sige na wala na akong load. May ilang araw pa naman bago kami umuwi bibili ako ng mga pasalubong. Ingat kayo dyan ha! Miss ko na kayo lahat."
"Sige kuya ikiss mo ko kay ate Jaz"
Kabababa ko lang ng call ni kuya ng tumawag naman si Kathy.
"Balita?"
"Oi Saidina wag mo kalimutan ang reunion natin ha. Sa susunod na Sunday na yun. Wag ang hindi kasi talagang magtatampo kami sayo. Natawagan ko na ang buong tropa lagat pupunta ikaw ang pinanghuli ko dahil malapit lang bahay mo samin susugudin talaga kita dyan sa inyo." mahabang litanya ni Kathy. Kakarindi talaga tong babae na to.
" Opo ate kong daig pa nanay ko. Pupunta po ako sabay na ba tayo? Talaga bang pupunta sina Claude at Fritz? Aba talaga lang ha ang lalayo na nila sa atin. Baka hindi payagan ng mga jowa nila un."
"Gaga nakausap ko na din mga jowa nila pumayag na sila don't worry sabi ko pag di sila pumayag di ako mag aabay sa mga kasal nila hehehe! At saka sila Karl at Thom nakausap ko na din. Grabe siya di mo na inalala yung dalawang ex-suitors mo."
"Ay sorry naman malay ko bang sinama mo pala sila sa pinilit mo magpunta. Balita ko nasa Dubai si Karl nakita ni kuya eh kasama yung gf niya. At si Thom diba nasa Manila na sila? Buti nacontact mo?"
"Loka! Ikaw lang naman di nila kinokontact. Paano ba naman pareho mong nabigo. Ayun nag iwasan hanggang sa nagkalimutan...
(FLASHBACK)
"Hello Thom.. Uy kanina ka pa namin hinahantay. Hindi ka na ba dadating? Saka kasi may sadabihin akong importante"
Toot toot toot..
"Hello! Hello Thom?!" hala binabaan ba niya ako ng phone? Anyare? Nalaman na ba niya ang secret ko? Paano?
"Claude nakausap mo na ba si Thom? Binabaan niya kasi ako ng phone"
"Ha hindi ko pa nga siya nakikita. Bakit ka naman niya bababaan ng telepono?"
"Hindi kaya..."
"Ate Claude! Mylabs! Binuksan ko na ung spaghetti na iniwan ni jowa mo mylabs. Busy pa kasi kayo mag usap ni ate kanina. Ang sarap eh"
Natulala ako sa narinig ko. Posible kayang narinig niya ang usapan namin ni Claude?
"OMG! OMG! SISSSSSSS.."
"Eto na nga bang ikinatatakot ko."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatulala lang ako habang panay ang tili ni Claude.
"Friend, kausapin natin siya.. I can help you explain.
(End of Flashback)
Simula noon parang di na niya ako kilala... Di ko siya masisisi. I make him fool. Pero I wrote a letter of apology sa kanya. Di ko siya talaga gustong saktan. Pero kasalanan ko pa din. Sorry na sorry na nga ako talaga. Si Karl naman, well kinalimutan ko na din ang feelings ko sa kanya. Sobrang guilting guilty ako sa nagawa ko kay Thom to the point na ayoko na muna mag boyfriend noong mga time na yun.
Both Thom and Karl, di na nila ako pinansin hanggang grumaduate na kami at nagkahiwa hiwalay.